Chapter 6

3.9K 132 12
                                    

DALAWANG linggo ang lumipas. Naging abala si Savanna sa paperwork at palagi ring umaalis si Hance kaya bihira na silang nagkasama sa labas. Mabuti na lang nakaalalay ang ina nito sa bawat business transaction nito kaya hindi siya nag-alala. Sinusunod naman ng binata ang proper medication at wala itong absent sa sesyon nito sa doktor. Ang kaso, wala pa ring katiyakan kung kailan ito gagaling.

Linggo ng gabi ay dumalo siya sa wedding celebration ni Sabrina. Hindi siya nakadalo sa seremonya dahil tinambakan siya ng trabaho. Nakilala rin niya sa wakas ang asawa ni Sabrina na si Dr. Ace San Diego. Ginanap sa hotel ang handaan at late na siya. Kaunti na lang ang mga bisita.

"You're late, sis," sabi ni Sabrina nang salubungin siya nito sa bulwagan.

Simple lang ng damit nito pero ang ganda. Naroon din ang pamilya ni Ace at mga kaibigan. May mga nalasing na rin.

"Hi, Savanna!" nakangiting bati sa kanya ni Ace.

Ang guwapo pala talaga nito. Pero para sa kanya, mas guwapo si Hance.

"Hello, Doc! Congratulation sa inyong dalawa!" bati niya rin. Kinamayan pa siya nito.

Inakbayan nito si Sabrina. "Thanks. Naikuwento ka sa akin ng ate mo. May similarity nga kayo," anito.

"Oo nga, marami rin ang nagsabi," sabi niya.

"Halika na, inihanda ko na ang food mo," ani ni Sab. Hinila siya nito patungo sa round table malapit sa entablado.

Iniwan na sila roon ni Ace.

"Sorry, late na ako," aniya. Pinapapak niya ang baked macaroni.

"Okay lang. Alam ko namang busy ka, eh."

"Oo. Ang dami kasing trabaho sa office."

"Eh kumusta naman sa 'yo si Hance?"

Bumuntong-hininga siya. "Okay naman kami," turan niya.

"Kayo? What do you mean?" curious nitong tanong.

Hindi niya alam kung paano magtapat kay Sabrina. Walang promal na panliligaw si Hance sa kanya pero tila pareho silang nag-assume na magkasintahan na sila. Hindi rin niya masabi na pangmatagalan na iyon dahil sa kondisyon ni Hance. Pero masaya siya sa relasyon nila. Lalong lumalim damdamin niya para sa binata.

"Hindi ko alam kung ano ang itawag sa relasyon namin ni Hance," amuse niyang turan.

"Don't say, may nangyayari na sa inyo!" bulalas ni Sabrina.

"Oo pero nagsisimula pa lang kaming masanay sa isa't-isa."

"O my God!" Nanlaki ang mga mata ni Sabrina. "Bumigay ka sa kanya?" hindi makapaniwalang gagad nito.

"Gusto ko si Hance, Ate. Naniniwala ako na magiging maayos ang relasyon namin kahit bumalik ang alaala niya."

Nababasa niya ang takot sa mukha ni Sabrina. Mamaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa kanyang bag. Dagli niya itong sinagot nang malamang si Hance ang tumatawag. Nagpaalam pa siya kay Sabrina.

"Hello?" sagot niya. Naroon na siya sa palikuran. Maingay kasi sa bulwagan.

"Where are you? Wala ka sa bahay ninyo," matigas ang tinig na tanong nito.

"Nandito ako sa Don Simon Grand Hotel. Inimbita ako ni Sabrina sa kasal niya," tugon niya.

"I'll go there to pick you up. Lumabas ka na," sabi nito saka pinutol ang linya.

Hindi pa siya tapos kumain ay nagpaalam na siya kay Sabrina. Wala naman itong magawa. May isang oras siyang naghintay sa parking lot ng hotel bago dumating si Hance lulan ng abuhing Caddillac. Kaagad siyang sumakay nang buksan nito ang pinto sa passenger seat.

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon