Chapter 20

3.2K 129 9
                                    

KAHIT tinatamad kumilos ay pumasok pa rin sa trabaho si Savanna. Hindi pa nakababalik si Cade mula US pero nag-iwan ito ng trabaho sa kanya na pinadaan sa secretary. May pagkakataon na nahihilo siya kaya hindi siya umaalis ng opisina.

Maagang umalis ng bahay niya si Hance at hindi na sila nakapag-usap. Nag-iwan lang ito ng sulat at sinabi na magiging busy ito. Sinabi rin nito na nag-deposit ito sa bank account na sustento nito para kay Summer. Hindi naman siya magastos. Ang binili lang niya ay gatas at diaper ni Summer. Sa pagkain ay wala namang problema. Palagi namang nagpapadala si Hance.

After lunch ay lumabas ng opisina si Savanna at nagtungo sa bangko. Nagulat siya nang may Twelve million na sa account ni Hance. Natakot tuloy siyang mag-withdraw. Gatas lang naman ang bibilhin niya at vitamins ni Summer kaya limang libo lang ang inilabas niya sa ATM. Bumili na rin siya ng snack niya.

Pagbalik niya sa opisina ay nasorpresa siya nang naroon na si Cade. Nakaupo na ito sa harap ng lamesa nito at may binabasang papeles. Halatang pagod ito, magulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata.

"Good afternoon, sir!" magalang na bati niya rito.

Sinipat lang siya nito. Mukhang dinamdam talaga nito ang natuklasan sa kanila ni Hance. Nang hindi pa rin siya nito kinakausap ay bumalik siya sa puwesto niya. Pinapak niya ang fish cracker na binili niya. May kasama itong suka. Natatakam talaga siya kaya halos maubos niya ang dalawang balot. Nabili lang naman niya iyon sa lalaki na naglalako sa labas ng bangko.

Tumigil siya sa pagsubo nang may bumagsak na makapal na papeles sa lamesa niya. Nagulat pa siya. Napatingala siya kay Cade.

"Please organize these files with a separate folder. Monthly filing, as much as possible, magkasunod ang date," seryosong sabi nito.

"Yes, sir," sabi niya lang.

"And please don't bring vinegar here. I hate the strong smell," anito saka siya iniwan.

Natulala siya. Ganoon pala si Cade kapag masama ang loob, parang bata. Hindi na niya ito pinansin. Ginawa na lamang niya ang pinapatrabaho nito.

Inabot ng alas-singko ng hapon sa pagsisinop ng papeles si Savanna. Hindi pa naman niya napapansing lumabas si Cade kaya puwede pa niyang maihabol. May boundary lang na malalaking divider ang opisina nila pero hindi niya ito nasisilip.

Nang maayos ang tambak na papeles ay dinala na niya ito sa opisina ni Cade. Nagtataka siya bakit nakasubsob ang ulo ng binata sa lamesa nito. May basyo ng beer in can sa lamesa. Marahan niyang inilapag sa lamesa ang mga papeles. Biglang nag-angat ng mukha ang kanyang boss. Namumungay ang mga mata nito, namumula ang mukha. Lasing na ata.

"Uhm, natapos ko na ang pinapagawa ko," sabi niya.

"Thanks. Please take your seat," anito pagkuwan.

Umupo naman siya sa silyang katapat nito. Panay ang buntong-hininga ng binata. Mukhang may mabigat itong problema. Wala naman siguro siyang kinalaman dito. Hindi siya naniniwala na in love talaga sa kanya si Cade, the way na maglasing ito matapos natuklasan na nagkaayos na sila ni Hance.

"Sorry," aniya sa malamig na tinig.

He giggled. "For what?" he asked in a husky voice.

"I lied to you."

"About Hance?" He pouted.

"Yes."

"I know, Sav. Matagal ko nang alam na okay kayo ni Hance, hindi lang ako naniwala dahil gusto kong ipilit na hindi rin kayo magkakatuluyan. Pinapasundan ko siya sa tauhan ko. Yes, I made this. Sound pathetic but I can't help."

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon