Chapter 22

3K 130 19
                                    

NAKAGAWA na ng resignation letter niya si Savanna. Ang sabi ni Dean, hindi raw pinayagan ng grandparents niya si Cade na umalis sa kumpanya ng mga ito. Pagpasok niya sa opisina ay nadatnan niya roon si Cade. May binabasa itong papeles.

"Good morning!" kaswal na bati niya rito.

Nag-angat ito ng mukha. Napatingin ito sa hawak niyang envelope. Inabot naman niya ito sa binata. Walang imik na kinuha nito ang envelop at binuksan. Saglit lang nitong binasa ang nakasulat saka muling tumingin sa kanya.

"I expected this," sabi nito.

"Sorry, I need to leave."

"You don't have to say sorry, you have the rights to decide. Thank you for being part of my company," seryosong sabi nito.

"Sana okay lang kayo ni Kuya."

"Ako ang may problema, Savi. Dahil sa kagustuhan kong maging malaya, hindi ko natulungan si Dean."

"Aalis ka pa rin ba sa kumpanya?"

He gasped. "That was supposed to happen but I don't know what to do. If I choose to live, I would lose anything. I was born with gold on my ass. Hindi pa ako ipinanganak ay nakapataw na sa akin ang responsibilidad. And I don't know if I can survive without that wealth."

"Pero hindi ka naman masaya."

"Yeah. I never been happy. But since I met you, I had realized that there are more interesting things that might found in this boring life. Working with you enduring my boredom instantly. But then, not all made for me, sometimes, it's just entertainment that won't stay for a long time, it fades, it has gone," emotional na pahayag nito.

She took a deep breath. "I can be your friend, Cade. I'm willing to listen to your story."

"Thanks, Savanna. If I have free time, I will visit you and Summer. I hope Hance would allow me." He smiled a bit.

"Of course, Hance was a friendly person."

"I noticed that. Anyway, thanks again, and good luck with your new life."

"Thanks, also for helping me a lot."

"No worries. Bibisita ako kay Dean if hindi pa siya nakakauwi ng US. I badly need to talk to him, too."

"Okay, sasabihin ko sa kanya."

Ngumiti lang siya Cade. Pagkuwan ay nagpaalam na siya rito.

BAGO umuwi ay dumiretso sa OB-GYN clinic si Savanna. Private ang clinic pero maraming pasyente. Nasa huling listahan siya. Paggising kasi niya nang maaga ay sinumpong siya ng matinding pagkahilo at pagsusuka. Mahigit isang buwan nang delayed ang dalaw niya.

Saktong alas-dose ng tanghali ay tinawag na ang kanyang pangalan. Habang sinisilip ng doktor ang sinampupunan niya ay advance na ang isip niya. Nai-imagine na niya ang reaksyon ni Hance kapag sinabi niya na buntis siya.

"Hm, it's positive, hija!" sabi ng doktor na babae. May edad na ito.

Na-speechless siya dahil sa tuwa. Titig na titig siya sa resulta ng ultrasound. May baby na naman siya!

"Salamat, Doc!" tanging nasabi niya sa doktor.

Anemic siya kaya niresitahan siya ng doktor ng vitamins. Namalengke pa siya bago umuwi. Binilhan din niya ng gamot si Dean dahil ang sabi ng Tita niya ay hindi pa ito nakabangon dahil sa sobrang sakit ng ulo. Nasobrahan sa kakainom.

Umalis na ang tita niya kaya siya ang nag-asikaso kay Dean. Mataas ang lagnat nito. Nakakulong lang ito sa kuwarto. Mabuti may nilutong goto si Manang Lorna.

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon