Blythe, gising na at tanghali na ano ba? Sigaw Ni Mama sa kusina. Dinig na dinig ko Ang boses Ni Mama dahil maliit lang naman Ang bahay namin. Tag isa kami ng kwarto na tama lang na magkasya kami sa bawat kwarto namin at maliit na kusina at maliit na sala lang naman kaya kahit siguro bulong lang ay madidinig ko pa. Hayst, Ang hirap talaga ng buhay. shite!
Bakit pa Kasi di meant to be Ang parents ko, Yan tuloy naghiwalay sila. Namimiss ko na si Papa kahit galit ako sa kanya Kasi iniwan Niya kami Ni Mama nung maliit pa lang ako, siguro mga 5yrs old ako nung huli kong nakita Ang Papa ko at pagkatapos nun ay Hindi na nasundan pa.
"Shite naman! bulong ko.
Ang aga aga pa naman Ma pero Yung boses mo abot hanggang palengke ng San Fernando jusko! Dagdag ko pa. Ganito Kasi lagi si Mama, dinadaan lagi sa init ng ulo kunwari Ang pag gising sakin para tumayo na agad ako. Ikaw ba naman makarinig ka ng armalite na bunganga sa umaga, ay talagang babangon ka na kesa naman pagtwanan na naman ako ng mga kapitbahay naming mga baliw na laging sinasabi na sinabon na naman ako ng Mama ko ng maaga Ang masaklap pa Wala man pinambanlaw. Tsss."Hoy Blythe kung ayaw mong buhusan Kita dyan ng malamig na tubig wag mo akong masagot sagot ng ganyan. Bumangon ka na dyan at nandito na si Shiro maghihintay sayo. Ihahatid ka daw Niya. Buti pa yung maghahatid nandito na pero Yung ihahatid nandito pa, Wala pang ligo at naka bukaka pa kung matulog. Diyos ko anak, mahiya ka nga Hindi ka na Bata para gumanyan. Mamaya Makita ka Ni Shiro na ganyan naku, pagtatawanan ka na naman nun" panenermon Ni Mama pagkapasok sa kwarto ko siguro dahil sa narinig Niya Ang pagsigaw ko. Hehe, inaantok pa Kasi ako kaya ganun ko nasagot si Mama. At about naman Kay Shiro, bestfriend ko yun. Bwiset na yun, Ang aga aga pa di pa nga nag aalarm cellphone ko nandito na agad? Bahala siya sa buhay Niya, panira ng tulog tsk.
"Hayaan mo sya dun maghintay sa labas Ma, tutal di pa naman oras ng pag Alis namin pero Ang aga niyang dumating. Asar, panira ng tulog. bigyan niyo pa ako Mama ng konting oras para matulog. Pagod pa po ako Ma, please? Nag alarm naman na po ako, I love you Ma. Nakiusap ako Kay Mama baka sakaling pumayag. Jusko, 6am pa lang umaga pero parang akala mo alas dose na ng tanghali kung makasigaw yung mudra ko. At salamat sa Mahal na emre dahil lumabas din Ang aking Mahal na taklesang mudra. Hayssss Ang sarap matulog.Bandang 8am ay naalimpungatan ako dahil naiihi ako. Asar na pantog to oh, istorbo din sa tulog. Hays! Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Di ko napansin si Mama kung nadaanan ko ba Kasi medyo pikit yung mata nung naglakad ako papunta dito sa CR. Pagkatapos ay dali dali akong bumalik ng kwarto at nilock ito. Medyo mainit Ang pakiramdam ko kaya hinubad ko Ang t-shirt ko na suot at itinapon ito kung saan. At dali dali akong bumalik sa higaan ko at pumikit. Pero bigla akong may naamoy na familiar na pabango. Iminulat ko Ang mata ko at inilibot Ang paningin ko sa kwarto ko at hinanap ko kung saan galing Ang amoy na yun baka Kasi naiwan na naman Niya Ang panyo o jacket Niya dito sa kwarto ko pero laking gulat ko ng nakita ko syang komportableng nakaupo sa upuan habang nakatitig sakin. Sa gulat ko ay napasigaw ako.
Ahhhhhhhh, bwisit ka talaga Shiro. Papatayin moko sa gulat. Gago ka talaga, bugok, tang ina mo! Mura ko sa Kanya pero Ang siraulo tumawa lang at tumayo at naglakad papunta sakin. Hinawakan Niya yung mukha ko at parang may tinanggal sya dun at Ang nakita ko, shuts, muta ko lang pala. Tss. Nakakahiya.
"Hal, kalma ka lang, ako lang to okay? Wag kang high. Hindi ako nagbantay dito sayo para lang murahin mo haha. Nga pala, umalis si Tita namalengke lang saglit at pinabantayan ka sakin baka daw Kasi matagalan siya at tanghali ka na naman daw magising kaya pinapa gising ka Niya ng mga 9am. So gumising ka dyan tutal malapit naman na mag 9am at maligo ka na Rin o baka naman gusto mong ako pa magpaligo sayo?" mahabang litanya Niya sakin habang naka titig sakin ng malalim. Nagtaas baba Ang kanyang dibdib at pansin ko sa kanya na medyo balisa siya.
"Hal are you okay? Bakit parang balisa ka? May problema ba? Tanong ko sa Kanya ngunit di niya ako sinagot. Bagkus dali dali siyang yumuko sakin at kinumutan niya ako. Duon ko na pagtanto kung bakit parang balisa siya, yun ay dahil sa Wala akong damit pang itaas kundi tanging bra lang. Hayssss, kainis naman ohh. Nakaka hiya Kay Hal. Yes, HAL nga Ang cs namin mula ng naging magbestfriend kami. Pagpapaikli daw ng MAHAL Sweet siya sakin palagi samantalang ako, kabaliktaran sa kanya. Kasi Ang buong salita ng HAL sakin ay HAL-IMAW. Hahhahahaha. Natatawa talaga ako pag inaasar ko sya at lagi siyang pikon sakin. Haha pero sorry siya, ginusto Niya maging bestfriend ako kaya magdusa siya. Sobrang bait nitong tao nato sa lahat lalo na sakin. Sweet at maalaga din ito sa lahat ng oras. Kaya diko maiwasan na lalong mainlo----NO,NO,NO. Di pwede yung iniisip ko asar. Walang ganun, bawal yun, pagkausap ko sa sarili ko.Nagbibihis na ako ngayon dahil di ako tinantanan Ni Shiro hanggat di ako nagigising dahil sabi Niya malilate daw ako kung sakaling di ako maliligo ng maaga. Hayst, kainis...akala mo boyscout na laging handa pero pag sinapak laging palpak wahahahaha...de, echossss lang yun syempre.
Kahit siraulo yun minsan eh di ko ipagkakailang bestfriend ko talaga yun.Lagi Niya akong hinahatid sundo sa trabaho khit noong nag aaral pa kami, dapat lagi kaming magkasabay pumasok at uuwi. Siya palagi Ang tagapagtanggol ko pag may nambubully sakin nung high school. Siya Rin Ang taga libre ko pag Wala akong baon haha. Kaya alam ko, Mahal ako ng bestfriend ko. Kaso nga lang di gaya ng pagmamahal ko s---........ Hayssss erase, erase Yan. Bawal Ang nega dahil may pasok pa ako sa trabaho. Baka mahalatang stress ako, nakuuuuu kagagalitan na naman ako ng manager kong Walang dilig ng dalawang dekada dahil sa sobrang sungit... hayssss, hirap naman ng may masungit na manager:(
BINABASA MO ANG
My Bestfriend "My Secret" Beloved
RomanceMahirap magmahal sa taong alam mong kaibigan lang ang Turing sayo. Kaya hanggat kaya Kong itago, itatago ko para di masira ang pagkakaibigan Naming binuo simula ng magtagpo kaming dalawa. Pero Hanggang kailan ko makakayang magpanggap?