CHAPTER 4

9 3 2
                                    

#Dedicated ko to para sa mga unang naging viewers ko:) thank you kasi sinilip niyo yung first story ko😘














"Blythe" tawag sa akin ni JM pero di ko siya pinansin. Okupado kasi ng nangyari kanina ang isip ko. Nasaktan ako sa sagutan Namin ni Shiro. Sa lahat ng naging away Namin, ngayon lang kami nagkasagutan ng ganito kalala. At ayoko ng ganito. Natatakot ako na baka magalit siya sa akin at bigla niya akong layuan at di na magpakita. Natatakot ako na baka.......baka iwan niya rin ako gaya ni Papa.

"Blythe.....uyy Luvz!"tawag ulit ni JM sa akin na di ko alam kung pang ilang ulit na niya yun na tawag sa akin.

"O-oh? B-bakit? May sinasabi ka ba?"

"Luvz, may problema ka ba? Bakit tulala ka dyan? Ni hindi mo nga namalayan na huminto Tayo. Sabihin mo, may nangyari ba sa Inyo ni Shiro?" Malumanay na Tanong sa akin ni JM.

"W-wala Naman. Bakit? Bakit mo naman naitanong yan?" Shuta Naman, bakit Ako nautal ng ganun? Kalma self okay? Wag Kang kabahan si JM lang Yan.

"Wala? Talaga? Eh bakit ganyan ka? Tignan mo itsura mo, daig mo pa sawi sa pag ibig. Namumugto ang mga mata mo" pasimple ko Naman hinawakan ang mga mata ko.

"Wala Naman ah? Eye bags lang yan, puyat kasi Ako kaya ganyan" palusot ko sa kanya. Ayokong malaman niya ang tungkol sa pinagtalunan Namin ni Shiro. Paniguradong gulo yun. Ayaw kasi nila JM na umiiyak ako. Ayaw nilang nasasaktan ang prinsesa nila. Nag iisa kasi akong babae sa barkadahan Namin. Dalawa sana kami kung straight na babae lang to si JM eh kaso, baliko kaya naging prinsesa nila Ako. Pero sa buong magbabarkada, bukod Kay JM, si Raven ang tagapag tanggol ko. Parang kapatid na kasi ang Turing nun sa akin kaya ayaw niyang nasasaktan Ako. Isang beses nga dati may nambastos sa akin at sinumbong ko sa kanila, galit na galit sila Lalo na si Raven. Hindi kasi Ako nasundo ni Shiro kasi may sakit daw si Mica, yung girlfriend niya. Kaya Sila Raven ang umupak sa walang hiyang matandang hukluban na manyakis na yun. Umabot pa sa Baranggayan kasi nireklamo Sila nung nambastos sa Akin na parang akala mo Wala siyang ginawang Mali. Kaya ang kinalabasan Sila yung mali pero syempre tumistigo Ako at inireklamo din yung matanda na yun. Kaya na abswelto Sila. Kaya simula non, di na Ako Basta Basta nagsusumbong sa kanila at baka maging gulo lang ulit.

"Sus, tigil-tigilan mo ako Blythe ah? Pag Ako nainis sayo, isusumbong kita sa tropa" pananakot niya sa akin. Alam na alam talaga niya na iniiwasan Kong makarating sa tropa na may problema Ako o kung ano pa man. Ayokong dumagdag sa problema nila Lalo na at personal na problema ko ito.

"Luvz, okay lang Ako ano ka ba? May tampuhan lang kami pero magiging maayos din kami. Okay? Salamat sa concern. Tara na sa bar baka mawalan Tayo ng pwesto." Aya ko na lang sa kanya para di na siya mangulit pa at baka humaba pa ang usapan. Nandito pa Naman kami sa tabi ng kalsada. Mahirap na at baka may dumaang patrol at mahuli pa kami.

--------------

Pasado alas nuebe ng gabi ng makarating kami sa Star Club. Isa itong public na club kaya maraming tao. Pagbukas mo pa lang ng pintuan maaamoy mo na Ang halo-halong usok ng sigarilyo at makikita mo na ang mga nag MOMOL na mga kupal ayy Este couple. Kaya kung maselan ka, di ka bagay dito.

Nakipag siksikan kami sa mga taong nagsasayaw sa gitna para lang makahanap kami ng pwesto. May nakita kaming available na table kaso sa tabi mismo ng table na dalawang nagmo-MOMOL,. Di man lang nahiya sabi ko sa isip ko.

Tumingin ako sa iba pang lamesa baka may mapwestuhan pa kasi ako na lang ang nahihiya sa dalawang taong gumagawa ng milagro sa gilid ko kaso iba ang nakita ko. Ang sakit sa mata, para akong dinudurog. Di ko maintindihan ang mararamdaman ko. Kung matatawa ba ako sa sarili ko kasi simula kanina di Ako mapakali kung pano ba Ako hihingi ng tawad sa kanya sa mga na sabi kong mali samantalang siya nandito, nagsasaya Kasama ang girlfriend niya. Akala ko kanina nasaktan ko siya. Kasi yun ang nakita ko sa mga mata niya, mali pala ako. Nagkamali pala ako ng nakita, mali pala ako ng akala.

Kaya Wala akong nagawa kundi doon na lang pumwesto sa tabi ng dalawang nagme make out, Maya-maya rin siguro aalis din sila para maghanap ng privacy para makaraos. Alam na alam ko na yan kasi ganyan din ang mga nababasa ko sa Pocket book dati at sa mga napanood Kong movies.

"Dito ka muna ha? Wag kang aalis, order lang ako ng iinumin natin" paalam sa akin ni JM. Tinanguan ko na lang siya ng di tinitignan. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Alam kong nakita niya kanina sila Shiro pero di lang siya nagsalita.

Maya-maya dumating siyang may dala-dalang isang bucket ng San Mig Light. Yun lang kasi ang lagi naming iniinom pag kami lang dalawa ang magkasama. Hindi kasi siya pwedeng magpakalasing kasi siya yung magdadrive pauwi at maghahatid sa akin. Pero pagkasama Naman sila Raven, halos magpaka lunod na to sa alak. Sinasamantala lagi pag Kasama ang buong tropa kasi wala daw siyang aalagaan. Kaya minsan pag sinasabi niya Yan sa akin lagi ko siyang sinasapak at binabatukan. Naiinis kasi Ako Ako. Parang pinapalabas niya na alagain Ako pag kami lang dalawa ang magkasama. Inaawat lang kami lagi ni Raven. Hayyyy, sayang nga lang at Wala sila. May mga trabaho pa kasi, yung iba busy sa kanya-kanyang ganap sa buhay.

"Himala, One bucket! Naks, yayamanin. Sana ol" biro ko sa kanya kasi parang seryoso siya simula kaninang pagpasok namin dito.

"Wala, sige lang. Uminom ka lang. Wag ka ng magtanong" Wala sa tonong sabi niya. Wala sa tono means, bad trip siya. Parang may nangyari na Hindi maganda kanina. Halatang bad trip siya eh. Madilim yung awra niya pero ampogi pa rin niya. Kung Hindi niyo kasi nalalaman, si JM yung uri ng tibo na di niyo aakalaing tibo talaga. Kasi kung titignan niyo siya, malayo man o malapitan, masasabi niyong gwapo siyang lalaki kahit hindi siya macho gaya ng ibang lalaking pinapangarap niyo. Katamtaman lang ang katawan niya, maputi, matangos ang ilong, makinis ang mukha at kulay brown ang mga mata niya na minana niya sa Papa niyang si Tito Harry. Mabait siya, maaasahan at magaling makisama. Yun nga lang, mailap sa babae. Ewan ko ba dito kung bakit parang diring-diri sa mga babae pero pagdating sa akin, okay naman siya. Niyayakap pa nga niya Ako minsan eh. Hayyyy ewan ko rin ba kung bakit pati pagiging mailap niya sa mga babae iniisip ko pa. Tsk

"Tsk, mukhang Wala tayo sa tono ah? Anyare?" Mahinahong Tanong ko sa kanya. Baka kasi pag dinaan ko sa pang aasar, baka mapikon bigla.

"Wala. Sumama lang talaga bigla ang timpla ko. Hayaan mo na, tapusin na lang natin to at ng makapag pahinga ka na. Masyado ng gabi, maaga pa Ako bukas" sagot niya sa akin habang naka kunot ang kanyang noo.

Di na lang Ako sumagot at uminom na lang.





















-----hello guys! Sana nag improve Ako kahit papano. At sana nagustuhan niyo yung part na to. Comment Naman po kayo kahit emoji lang kung nagustuhan niyo. Thank you! Mwuah 😘

My Bestfriend "My Secret" BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon