Chapter 3

8 1 0
                                    

Habang naghihintay ako sa pagdating Ni Jay-em, umupo ako sa labas ng shop ng pinagtatrabahuan ko. Ang tagal Naman ni Luvz. Nakakainis. Sabi ko sa sarili ko. Maya maya ay may tumigil na XRM na motor sa tapat ko. Akala ko si Jay-em na kaya tumayo ako at sinalubong ko siya. "Bat Ang tagal mo Naman Luvz? Tae to, kanina pa ako dito eh. Masasapak Kita ng Wala sa oras dahil pinagkakagat na ako dito ng lamok." Hindi siya nagsalita. Naka helmet kasi kaya siguro di niya ako naririnig.

"Luvz, tanggalin mo nga yang helmet mo. Nakakainis ka, di mo ako naririnig kaya di ka sumasagot. Dali na." Pero laking gulat ko ng tanggalin Niya Ang helmet Niya, nakita ko na Naman Ang taong ayaw kong Makita ng isang buwan. Hayst! Shite! Umatras ako pero hinablot Niya bigla Ang braso ko. Sa pagkabigla ko ay napahawak Ang isang kamay ko sa dibdib Niya. Napalunok ako ng dalawang beses dahil pakiramdam ko bigla akong nauhaw sa hawak at titig Niya.

"A-anong ginagawa mo d-dito? D-diba s-sabi ko, w-wag mo na akong sunduin?"matapang ngunit utal-utal na sabi ko sa Kanya. Shit! Bakit ganito? Sobra akong kinakabahan sa sistema namin nato. Sobrang lapit namin sa isat-isa.

"Sinong Luvz Ang tinutukoy mo? May iba ka pa lang hinihintay? Sino siya? Kilala ko ba? At bakit Parang nagulat ka na pinuntahan Kita rito? Eh gawain ko Naman talaga na sunduin ka di ba??Hmmm Hal? " Malambing niyang usal sakin. Jusko, bakit Ang bango ng hininga ng tao nato? Nakakapaglaway...Parang Ang sarap amoy-amoyin at parang ang sarap halikan ng mga labi Niya. Parang Ang lambot. Ahhh shit na malagkit! Pero teka?! Bakit pinupuri ko tong hayop na to? At bakit nagpapadala ako sa lambing ng pananalita Niya? NO FVCKING WAY! wow english yun mga besh. Futa! Nakakapagpatalino pala minsan Ang galit.

"Bitiwan moko! Kundi masasapak na talaga Kita. At kung may hinihintay man ako, Wala ka na dun. Hindi mo dapat pinapakialaman Ang mga bagay na ginagawa ko Kasi di Naman Kita pinapakialaman. Gets mo? At kung tinatanong moko kung bakit nagulat akong nandito ka, eh marahil siguro di ko iniexpect na Ang kapal pala ng mukha mong magpakita at magpunta pa dito pagkatapos ng mga sinabi mo sakin kanina. Kaya kung pwede, bitiwan moko. Baka Hindi lang sapak Ang abutin mo sakin"matapang kong sagot sa Kanya. Hah! Akala Niya siguro madadala Niya ako sa lambing ng boses Niya pwes nagkakamali siya.

Sobrang sama ng loob ko sa Kanya dahil pinagsalitaan Niya ako ng ganun. Samantalang kilalang kilala Naman na Niya ako. Alam niyang NBSB ako tapos kung pagsalitaan Niya ako kanina daig ko pang lalakero. Hayuf lang! Kaya manigas siya dyan kung ayaw ko syang makausap. Di kami close.....sa ngayon...bahala siya.

"Hal, sorry na. Nabigla lang ako kanina. Kasi Naman, unang beses mong maglakas loob na makipagdate pero dun pa Kay Xian na alam nating pareho na babaero? Ayoko lang Naman na mapahamak ka kasi importante ka sakin alam mo Yan. Please Mahal, patawarin mo na ako. Please!! Gusto lang Naman kitang protektahan" sabi Niya sakin ng may pagsusumamo. Na para bang Humihingi siya ng tawad sa taong Mahal na Mahal Niya. Shite! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako na nakikita ko syang nagkakaganito. Gusto ko na syang patawarin pero meron akong pangambang nararamdaman. Pangamba na baka di na ako makaahon sa nararamdaman ko para sa kanyang pagmamahal na alam ko Naman na di Niya kayang suklian kailanman. Masakit isipin pero tanggap ko na. Tanggap ko ng di talaga kami pwede.

"Alam ko Naman yun Shiro. Pero Sana naiintindihan mo Rin na nasa tamang pag iisip na ako. Gusto ko Naman maranasan kung pano mahalin at kung anong feeling na may kasama ka sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Yung tipong....kaya ako pasayahin sa ibang paraan. Hindi na ako Bata Shiro. Gusto na Ni Mama na magka boyfriend naman ako o Asawa para mabigyan ko na siya ng apo. Gusto ko lang Naman tuparin yung gustong mangyari Ni Mama pero sa magandang paraan, sa taong alam kong mamahalin ako higit pa sa pagmamahal ko sa Kanya. Sana maintindihan moko Shiro. Alam mong ayaw kong nag aaway Tayo pero sa nangyari kanina, sa mga sinabi mo sakin, di ko matanggap eh. Masakit. Lalo na at nanggaling sayo" sabi ko sa Kanya ng di tumitingin. Masakit kasi eh. Sobrang sakit kasi nang galing mismo sa taong Mahal ko Ang masasakit na salita na yun. Oo, siguro nga mababaw ako Kasi ganun na lang Ang hinanakit ko sa mga sinabi Niya sakin. Pero siguro, kung kayo nasa kalgayan ko maiintindihan niyo ako.

"Hal, I'm sorry. Please! Hindi ko Naman sinasadya na masabi yun sayo. Nadala lang ako sorry! Hal bati na tay-----"

"Umalis kana. Gusto ko munang mapag isa. Wag mo na Rin akong susundiin bukas. Salamat. Ingat ka sa pag uwi"putol ko sa sinasabi Niya. Ayoko mins siyang Makita. Mas mabuti na Rin siguro to para Naman maibaling ko sa iba Ang atensyon ko.

Hindi pa man siya nakakaalis ay dumating din si Jay-em.
"Luvz sorry medyo natagalan ako. Na flatan kasi ako ng gulong papunta dito kaya nagpa vulcate pa ako. Teka si Shiro ba yang kasama mo?...uyy pards, kamusta? Sinusundo mo ba si Blythe?"tanong ng bugok na to. Daming sinasabi.

"Hindi....n-napadaan lang ako. S-sige mauna na ako. Mukhang may lakad pa kayo eh."sagot Ni Shiro Kay Jay-em.

"Tara na Luvz. Baka mas Lalo lang tayong gabihin eh. Bilis na."aya ko Kay Jay-em. Di ko pinansin si Shiro hanggang sa makaalis siya.

My Bestfriend "My Secret" BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon