-aweeeeeeeeeee, nagcomment siya oh;)haha, dahil diyan, para sayo yung chapter na to♥️"my Lomi"
-Third Person
Pasado alas Dose ng hating Gabi naka labas ng Star Club Sila JM habang buhat buhat niya si Blythe sa likod niya.
"Luvz umayos ka nga, wag Kang malikot! Malalaglag ka sa ginagawa mo eh" pagalit na sabi ni JM sa kaibigan nyang lasing na lasing.
Nadagdagan kasi ang inorder niyang alak kanina para sa kanila dahil nagpumilit si Blythe ng medyo hard na inumin kahit isang bote lang. Gusto daw kasi nitong makalimot kahit saglit.
Pero ang isang bote ay nauwi sa dalawa Hanggang sa naging tatlo na ito. Pero dahil lasing na lasing na si Blythe at Hindi na kinaya dahil siya lang ang umiinom, Hindi na nito naubos ang pangatlong bote ng whiskey.
"Sa susunod talaga Hindi na kita dadalhin dito ng Ako lang ang Kasama mo. Nahihirapan Ako sayo pag nalalasing ka" himutok ni JM sa kaibigan niyang tulog pero nagsasalita.
"A-ayoko na shayo Shi-Shiro" lasing na sabi ni Blythe "ayoko na shayoooo, ang s-shakit mong Maha....Lin"
Napatigil si JM sa narinig sa kaibigan. Pinakinggan niya itong mabuti kung ano ang sinasabi ni Blythe dahil baka nagkamali lang siya ng dinig.
"A-ng shakiiiiit mong maha....lin Shiro.." umiiyak na ito "Ilang taon na akong nagma...mahal shayooooo....pero di mo nararamdaman.."
Gulat na gulat si JM sa rebelasyong narinig sa kaibigan. Kaya pala ayaw niyang magpaligaw at pumasok sa isang relasyon dahil.......dahil may mahal siyang iba...at yun ay ang BestFriend niya.. Si Shiro.. sabi ni JM sa sarili.
Hindi siya Makapaniwala na may gusto Pala ang kaibigan nyang ito sa sariling nitong best friend.
--------------------
Tulala si JM ng makauwi Sila sa apartment niya. Dito niya dinala si Blythe dahil baka pagalitan na Naman ito ng Tita Inday niya which is Mama ni Blythe.
Ayaw kasi ng Mama nito na naglalasing ang kaibigan dahil kesyo kababaeng tao nito, para itong lalaki kung uminom. Hindi titigil hanggat may alak na naka tayo sa ibabaw ng mesa.
Kaya pag nalalasing ang kaibigan, dito niya sa apartment niya ito inuuwi. Okay lang Naman yun sa kaibigan niya dahil alam nitong kahit maghubad pa ito sa harapan niya, hinding Hindi niya ito gagawan ng Mali.
Bukod sa Hindi niya ito kayang saktan o gawan ng Mali, may isang tao pa na makakalaban niya Oras na magawan niya ito ng masama.
Ang Prinsipe ng kanilang grupo. Si...Yashu. Kapatid ito Xian na BestFriend Naman ni Raven.
Alam niyang may gusto ito sa kaibigan nilang si Blythe. Hindi lang ito umaamin o nagpapahalata sa kanila. Dahil natatakot itong masira ang samahan nila.
Siguradong kasing magagalit si Raven sa kanya. Kasi kabilin bilinan nito sa kanilang grupo, "patusin na Nila ang mga ex ng tropa Nila, pero WAG na WAG lang ang Prinsesa ng samahan nila"
Dahil bukod sa mga Ina At mga Kapatid nilang mga babae sa Buhay Nila, Isa si Blythe sa mga dapat nilang ingatan.
Para sa kanila, si Blythe ang kanilang Diyamante. Ito kasi ang nagpapasaya sa grupo nila. Si Blythe ang kanilang Princess Happy Pill.May tiwala Naman ang Mama ni Blythe sa kanya kaya tinext niya na lang ito at ipinaalam na di ito makakauwi ngayong Gabi dahil nag overtime ito sa trabaho.
Kinuha ni JM ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang pantalon para itext ang Tita Inday niya.
Me: Tita, di po makakauwi si Blythe Ngayon. May biglaang overtime po Sila. Ako na lang po ang susundo sa kanya"
BINABASA MO ANG
My Bestfriend "My Secret" Beloved
RomanceMahirap magmahal sa taong alam mong kaibigan lang ang Turing sayo. Kaya hanggat kaya Kong itago, itatago ko para di masira ang pagkakaibigan Naming binuo simula ng magtagpo kaming dalawa. Pero Hanggang kailan ko makakayang magpanggap?