CHAPTER 6

7 2 0
                                    

"Saan ba Tayo Pupunta? Bakit ang aga Naman?" tanong ko Kay JM kasi Jusko Naman, alas kwatro pa lang ng Umaga. Yung Mama ko tulog pa sa mga Oras na to.

Sigurado magtatatalak na naman yun pag nakita na Wala Ako sa kwarto. Sasabihin na naman non na kababae Kong tao, eh taong labas Ako.

Kung Hindi ko lang to kaibigan, sinapak ko na to. Pahamak shuta!

"Luvz maka hatak ah? Ang hina, dapat nilakas lakasan mo pa para masaya" sarkasmo kong sabi sa kanya. Ano ba naman Kasi, makahila Akala mo maiiwan ng jeep e alam ko namang maglalakad kami. Buset!

"Paano ba naman Kasi Ang bagal mo na nga, Ang Dami mo pang Tanong. Ano ba naman Yung sumama ka na Lang di ba?" Aba? Siya pa may ganang umasta na Galit? Konyatan ko kaya to para maalala niya na Siya itong nambulabog sa masarap Kong pagtulog?

Pasalamat nga Siya at Hindi nagising si Mama sa ingay ng phone ko dahil paulit ulit talaga siyang tumawag hanggat Hindi ko sinasagot.

"Ah? Ganun ba? Dapat Pala pag binulabog ka ng ganitong Oras, dapat sumama na Lang Basta? Yung tipo na Kahit Hindi mo alam kung saan ka dadalhin go lang? Kahit walang paalam sa Nanay ganun ba?" Mahabang Tanong ko sa kanya

"Ang aga Mang asar luvz ah? Bad trip pa Ako sa inyo simula kahapon, wag mo na dagdagan" sabi ko pa para maalala niya Ang ginawa nila sa akin kahapon pagkatapos nila akong ihatid.

Paano ba naman Kasi pagkatapos nila akong ihatid kahapon, bigla na Lang nila akong iniwan Nung nagtext Kay Yashu yung kasamahan niya sa modeling na kailangan daw ng tulong. Tinanong ko kung sino, di man lang sinabi at parang nagmamadali pa sila.

Sa sobrang inis ko, tinalikuran ko na Lang sila at pumasok na Lang sa loob ng Bahay. Akala mo naman Kasi others eh. May pa secret-secret pa silang nalalaman. 

"Luvz Wala lang Yun. Kaibigan lang yun ni Yashu kaya di mo na kailangan pang makilala kung sino Yun" suyo niya sa akin.

Sus, Akala niya siguro hindi ko sila nahalata kahapon na para silang aligaga? Huh! Pwes Akala Lang nila Yun. Malakas Ang radar nito mga erp. Malaman ko lang Ang tinatago nila sa akin, who you sila sa akin. Sabi ko sa Sarili ko.

"Okay!" sabi ko na lang para di na humaba Ang usapan Namin about dun. Umiinit lang ulo ko.

"Basta iuwi mo lang Ako agad para di Ako masabon ni Mama. Alam mo naman Yun, gusto palagi non unang nakikita Ang maganda niyang anak sa Umaga."

"Ayy, Buti na Lang naka jacket Tayo Ngayon no? Parang lumakas Ang hangin eh, lumamig bigla." pang aalaska niya sa akin.

"Ah talaga? Malakas Ang hangin? Gusto mo masaktan? Baka gusto mong ipaalala ko Sayo kung paano mo Ako niligawan non? Huh? Siraulo to, Akala mo Hindi naghabol sa Ganda ko eh. Tsk."

"Hoy, foul na yun ah? Wag Kang ganyan. Namemersonal ka na" sabi Niya pero pagtaas na lang ng kilay Ang naisagot ko sa kanya.

Simula ng makalabas kami ng Bahay kanina, nag usap at nag asaran na Lang kaming dalawa habang maglalakad kaya Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa pupuntahan Namin.

Kung Hindi ba naman Kasi Tanga, di na lang nagmotor papunta samin. Nagtricycle pa tapos Ang Malala pa dun, di na lang nagpa hintay. Yan tuloy, naglakad kami. Tsk

Nauna na akong pumasok sa kanya Kasi Nakita Kong bukas na Ang Ilaw sa bahay Niya. Takot Kasi ako sa dilim. Pero nagulat Ako pagka bukas ko ng pinto ng makita ko Ang mga ungas na komportableng nakaupo sa sahig at Ang iba sa sofa.

Sarap buhaaaaayyy..
Sana ol di ba??

"Oh? B-bakit nandito kayong lahat?" gulat na Tanong ko sa kanila pagpasok ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend "My Secret" BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon