Chapter 2

9 1 0
                                    

"Ang tagal mo naman magbihis, akala mo pageant yung papasukan mo eh tsk.."bungad Ni Shiro pagkalabas ko ng kwarto.
"Abat kung nagrereklamo ka wag mo na ako ihatid. Hindi naman Kita inuubliga na ihatid sundo mo ako, ikaw lang nag offer nun sa akin kaya pumayag ako, pero kung ganyan lang din kagagalitan mo ako dahil sa matagal akong magbihis eh mabuti pang umalis ka na lang. Kaya kong pumasok mag isa tsk"mahabang litanya ko sa Kanya. Siraulo talaga, may gana pa syang magalit eh siya na nga itong may kasalanan kung bakit natagalan akong maligo kanina. Eh pano ba naman, pinaraos ko pa Ang sarili ko dahil nakshuta, nag init ako bigla kanina nung tinitigan Niya yung dibdib ko. Ghad! Di naman ako malanding babae, pero pagdating sa Kanya, tingin pa lang Niya nag iinit na ako pero syempre, birhen pa ako no. Wala pa akong karanasan sa mga sex-sex na ganyan. Hah! Dalagang Pilipina ata to. Sa Kanya lang naman ako nagiging malandi pero syempre, sa akin lang yun di pwedeng malaman Niya. Baka pandirian ako bigla ng taong hamog nato. Tsk!

"Hindi naman sa nagrereklamo ako Hal, Hindi Rin sa nagagalit ako dahil matagal kang maligo at magbihis, Ang sakin lang naman Kasi hindi mo naman na need na mag ayos pa ng husto. Maganda ka na okay? Wala ng dapat pang ayusin sayo Kasi perfect ka na. Para sakin.....kaya please, wag ka ng magalit? Please Hal? Bati na Tayo!" Sabay halik sa noo ko. Ganito siya palagi pag nagagalit ako, nilalambing Niya ako. Parang magjowa lang ganun, pero syempre Hindi kami magjowa, magbestfriend lang. At yun Ang masakit. Bullshit!
"Okay fine. Arat na baka ma-late pa ako pagalitan na naman ako ng walang dilig na manager namin. Alam mo naman yun, mainit lagi dugo sakin. Akala mo naglilihi eh Wala naman Asawa. Jusko, nagfifeeling ata na buntis Ang gurang na yun"sabi ko sakanya at ng makaalis na kami.

Habang binabagtas namin Ang daan papunta sa pinagtatrabahuan ko ay naisip ko na dapat na maagapan ko na tong nararamdaman ko para sa......hayst bakit ba Kasi lagi yun yung iniisip ko. Dapat talaga may maging boyfriend na ako eh para naman maiiwas ko na yung puso kong nagmamahal sa maling tao naman. Tama! Ganun nga Ang dapat kong gawin. Makikipagdate ako! Haha, kanino kaya? Ah, alam ko na. Papayag na akong makipag date Kay Xian. Yung nagpapalipad hangin sakin kaso nga lang di ko pinapansin Kasi loyal nga itong puso kong chururut sa best friend kong ito. Oo, tama kayo.

Yung bestfriend ko ngang si Shiro Ang tinutukoy ko. Mahal ko siya. Simula nung nag 15yrs old ako, ramdam ko ng Mahal ko na siya. 11yrs ng loyal tong puso ko sa Kanya pero di Niya alam. Wala pa akong naging boyfriend Kasi hinihintay ko sya. Haha, syempre pangarap ko lang yun. Imposible naman Kasi na magkagusto din sya sakin. Alam ko yun Kasi Ang dami ng naging syota tong loko na to. Naiinggit na nga lang ako sa mga nagiging gf Niya eh. Tulad ngayon, pagkatapos ako nitong ihatid, pupunta naman to sa jowa Niya. Masakit isipin pero kaya ko namang tiisin. Hehe! Wala eh, MANHID.

"Nga pala Hal, wag mo na ako sunduin mamaya. May lakad Kasi ako. Salamat sa paghatid:)" sabi ko sa Kanya pagkadating namin sa harap ng shop ng pinagtatrabahuan ko.

"At saan Naman Ang lakad mo? Sa pagkakaalam ko, maaga Rin Ang pagsaSara niyo mamaya dahil nga birthday ng anak ng amo mo?" Sabat Niya sakin habang nakataas Ang kilay. Wow, Ang cute Niya talagang tingnan lalo na kung medyo galit na siya. Haha, natatawa ako sa isip ko na kinikilig.

"Ahhh,...eh.. hehe" tawa ko habang napakamot sa ulo. Di ko Kasi masabi sa Kanya Kasi panigurado, uusisain na Naman Niya ako. Jusko, Hirap Naman pero hayaan na nga.

"Oh ano? Di mo masabi? May nililihim ka ba sakin Blythe??" Naku, tinawag na Niya ako sa pangalan ko kaya for sure, galit na to. Ganyan Kasi siya pag galit bwisit!

"Hoy wag mo nga ako madaan daan sa galit mo Shiro hah! Wala akong nililihim sayo na kahit ano. Lahat ng about sa akin alam mo. Kahit nga araw ng dalaw ko alam mo Rin. Kaya wag mo akong ganyan ganyanin na pagbibintangan moko na nagtatago sayo ng sikreto. Siraulong to. Pano ko Naman sasabihin sayo kung saan Ang lakad ko eh di ko pa nga Alam kung saan Ang date namin Ni Xian. Alangan Naman pangunahan ko siya di ba? Tsk!

"ANO?? At kelan ka pa pumayag na makipagdate? At nagpaalam ka ba sakin? Pinayagan din ba Kita? Blythe alam mo Naman na babaero yun pero bakit pumayag kang makipagdate sa Kanya? Ghad Blythe, mag isip ka nga! Pano na lang kung may intensyon pala syang hindi maganda sayo? Sige nga? Isipin mo Blythe babaero yun!! Anong gusto mo, mapabilang ka sa mga babae Niya? Yun ba Ang gusto mo? Ang maikama?" Galit na sigaw Niya sakin habang naka kunot Ang noo. Ang sakit Naman niyo magsalita. Akala mo di ko na naisip Yan. Syempre, marunong Naman ako mag isip. di Naman ako bobo. Balak ko man mag oo sa date na inaalok sakin Ni Xian pero syempre may isasama ako. Si Jay-em. Yung barkada ko dati nung high school ako na hanggang ngayon kaibigan ko pa Rin Naman. Tibo yun si Jay-em. Nanligaw din sakin dati yun pero nireject ko dahil ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Ang relasyon madaling mawala o matapos, pero Yung pagkakaibigan, hanggang sa huling hininga mo nandito parin. Mananatili hanggang sa huli.

Naluluha akong tumingin sa Kanya. Naluluha ako sa inis sa mga sinabi Niya sakin.
"Bakit Shiro? Dapat ba lahat ng desisyon ko, kailangan may approval mo? Kailangan kung di ka pumayag, di Rin ako aalis? Di ako pwedeng makipag date pag di mo gusto? Ano ba Kita? Oo Bestfriend Kita, pero di Kita magulang. Si Mama nga gusto ng magka boyfriend ako pero ikaw pinagbabawalan ako na parang Bata? Shiro, kahit kelan hindi Kita ginanyan na pagbawalan kita sa mga gusto mo. Suportado pa nga ako sayo di ba? Kasi kung saan ka masaya, dun ako. Pero bakit ikaw? Sobrang higpit mo? Daig mo pa boyfriend kung makahigpit sakin. At saka marunong akong mag isip Shiro. Di ako bobo para magpabilang sa mga babae Niya. At mas lalong di ako TANGA na magpakama sa Kanya. Di ako malandi alam mo Yan. Kilala mo ako mula ulo hanggang paa pero bakit ganyan moko husgahan? Na Parang Ang dumi ko?" Di ko napigilan na tumulo Ang luha ko sa harap Niya mismo. Ang sakit sakit ng mga sinabi Niya. Na para bang di Niya ako kilala.

"H-Hal I'm sorry. Sorry talaga! D-Di ko sinasadya. Promise di k-ko sinas-----"

"Umalis kana"putol ko sa sinasabi Niya., "wag mo na ako sunduin. Salamat sa paghatid. Makakaalis ka na" yun lang Ang sinabi ko at tumalikod na. Di ko pinansin Ang pagtawag Niya sa pangalan ko. Di ko siya nilingon. Pumasok na ako sa loob ng shop. At bumungad sakin Ang mga kasamahan ko sa trabaho na nakaawang Ang bibig. nagulat ako Kasi ngayon ko lang napansin na umiiyak pa Rin pala ako. Mabilis kong pinahid Ang luha ko sabay talikod sa kanila.

Mabilis natapos Ang araw. Di ko man lang namalayan na uwian na namin. Alas siyete na pala ng gabi at madlim na Rin sa labas. Habang naghihintay sa iba ko pang kasamahan, tinext ko si Jay-em na samahan ako ngayon.

Luvz, puntahan moko ngayon sa shop. maaga kami uuwi, magpapasama sana ako sayo. Please? Pretty please*pout* tapos sabay pindot ng send. Yes! Alam ko Naman na di ako matitiis non. Mahal ako non eh, kaso nga lang di ko masuklian. Hayst! Mahal ko Naman yun pero bilang kaibigan lang. Hanggang dun lang Ang kaya kong ibigay at naiintindihan Niya yun.
"Oo na. Nagpa cute ka pa eh. Sige na otw na ako. Hintayin mo ko dyan. Wag kang aalis. Mabilis lang ako." Reply Niya sa message ko. Ang sweet talaga ng mokong na yun. Kung Wala lang akong ibang Mahal sasagutin ko yung tibo na yun. Pero teka....bakit ko ba iniisip yung Gago na yun? Bahala siya sa buhay Niya. Di ko sya papansinin ng isang buwan. Taga Niya Yan sa bato.

My Bestfriend "My Secret" BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon