"Hmmmm..."
Aray... ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi. At isa pa—nasaan ako?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kisame agad ang tumambad sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid—nasa loob ako ng isang kwarto? Anong ginagawa ko rito? Sino ang nagdala sa akin dito? Ang huling naaalala ko, inaya ako ni AJ na lumabas. Pero hindi, kinuha ako ni Thaddeus mula kay AJ dahil may masama raw siyang balak sa akin.
"Hmmmm..."
Isang boses ng lalaki. Agad akong napalingon sa tabi ko. May tao?! May katabi ako sa kama?! Dahan-dahan kong sinilip ang ilalim ng kumot...
OH MY GOD!
Wala akong saplot!
Diyos ko! Sino itong katabi ko?!
Dali-dali akong nagsuot ng damit at shorts. Habang nagbibihis ako, bigla siyang nagising at...
"What the f*ck?! Who are you?!" sigaw niya sa akin.
Diyos ko po! Baka ipapulis pa niya ako!
"Anong ginagawa mo rito?!" tanong niya sa matinis na boses.
"Anong ginawa mo sa akin?!" galit na galit niyang sigaw. Nanginginig ako sa kaba at takot.
"H-hindi ko alam... l-lasing ako," pautal kong sagot. Dahil ni ako mismo, walang malinaw na alaala kung anong nangyari.
"WHAT THE HELL?! Pinagsamantalahan mo ako dahil lasing ako?! Ganyan ba kayong mga bakla?! Pinagsasamantalahan niyo ang taong walang malay?!"
Lumapit siya sa akin—galit na galit—at...
BLAG!
"Aray!" daing ko sa sakit. Ang bigat ng pagkakabagsak ko sa sahig. Pero hindi ko na iyon ininda.
"Nakakadiri ka! Bakla ka!" sigaw niya sabay suntok sa tiyan ko.
Napasigaw ako sa sakit, pero wala akong lakas para lumaban. Isa pang suntok sa tiyan...
"Tang*na mo! Binaboy mo ako!"
Akala ko'y muli niya akong susuntukin, pero hindi. Tumayo lang siya sa harapan ko, nanginginig sa galit.
"Hindi kita binaboy! At hindi kita pinagsamantalahan! Wala akong maalala! Huwag mo akong sisihin! Oo, bakla ako—pero hindi ibig sabihin noon ay may masama akong intensyon! Nasaan na si Thaddeus na hindi mapanghusga? Bakit ganyan ka agad?"
"Wag ka nang magpakita sa'kin, bakla! Baka mapatay pa kita!" galit na sigaw niya.
"Oo! Hindi na ako magpapakita sa'yo! Akala mo ha?! Sayang... minahal pa naman kita. Pero ngayon, aalisin ko na 'yon sa puso ko. Dahil mali pala ako ng taong minahal. Oo, tang*na, minahal na kita! Pero ano'ng ginawa mo?!"
"Ito na ang huli mong makikita ako!"
Kahit nangingilid ang luha ko, pinilit kong tumayo. Pinunasan ko ang dugo sa aking labi. Bago ako umalis, hinarap ko siya at buong tapang na sinabi:
"WALA AKONG ALAM SA NANGYARI! PERO HINUSGAHAN MO AKO AGAD! TANDAAN MO ITO—KUNG MAGKITA MAN TAYO ULIT, WAG MO NANG ASAHANG KIKILALANIN PA KITA. DAHIL SIMULA NGAYON, PINUPUTOL KO NA ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN!"
Matapos ang mga salitang iyon, mabilis akong lumabas ng motel, bitbit ang sakit at lungkot sa puso.
BINABASA MO ANG
The Protagonist Love Story [COMPLETED]
Hài hướcKhan Transom is a happy man, and he has a lot of dreams for his mother. When he was young, he did not know his father anymore. Because he left them, because his father allegedly cheated on his mother. And when he enters DMU (Damascus Marklin Univers...
![The Protagonist Love Story [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262313195-64-k828438.jpg)