"Showing your attitude doesn't define how immature you are—it defines who you truly are."
"A-anak... mag-iingat ka ro'n, ha..." nangangatog ang boses ni Mama habang pinipilit pigilan ang mga luha. Nakatayo siya sa may pintuan ng bahay, mahigpit ang kapit sa basang panyo na kanina pa niya pinipisil-pisil.
"Ma, huwag na po kayong umiyak. Hala, baka mamaga 'yang mata n'yo niyan," biro ko, kahit ang totoo, mabigat din sa dibdib ko ang aalis. "Andiyan naman si Bunso para sa'yo. Promise, tatawag ako agad sa inyo 'pag nakarating na ako."
Pero imbes na tumigil, lalo lang siyang napahikbi. Ang mga luha niya, parang hindi na mauubos. Sa likod niya, nandoon si Annie—ang kapatid kong bunso—na halos kapantay pa lang ng balikat ni Mama, at kagaya rin niya... umiiyak.
Lumapit ako kay Annie. "At ikaw, Bunso... tigil-tigilan mo 'yang pag-iyak mo, ha? Ikaw muna bahala kay Mama. Siguraduhin mo palagi na iniinom niya ang mga gamot niya, tandaan mo 'yon."
"K-kuya... w-wag ka nang umali—s..." iyak niya, halos hindi matapos ang salita dahil sa singhot at hikbi. Lumapit ako at pinunasan ang tumutulong sipon sa ilong niya gamit ang panyo ko.
Hay naku, kahit kailan, ang drama talaga ng pamilyang 'to, napangiti akong mapait. Pero sa loob-loob ko, gusto ko ring umiyak kasama nila.
"Shhhh... tahan na kayo. Hindi naman ako mawawala. Babalik din ako," bulong ko, kahit alam kong baka hindi gano'n kadali 'yon.
"Khan, anak, nandiyan na ang sasakyan. Handa ka na ba?" singit ni Kapitan na dumungaw sa pintuan.
Huminga ako nang malalim. Bumaling ako ulit kay Mama at kay Bunso. "Ma! Tumahan naman kayo, oh. Kung ganito kayo, baka di ko kayaning umalis. Alam niyo naman... ginagawa ko 'to para sa atin. Kaya tama na ang iyak."
Mama ngumiti nang pilit kahit punong-puno ng luha ang mata. "Sige na, anak... mag-iingat ka."
"Sige, Ma... Bunso... aalis na ako. Mag-iingat kayo dito. Tawagan niyo ako agad kapag may nangyari, ha," bilin ko. Sa huling pagkakataon, niyakap ko silang dalawa nang mahigpit. Amoy ko ang halimuyak ni Mama na parang palaging amoy sabong mura, ang amoy ng bahay naming luma pero punong-puno ng alaala.
Paglabas ko ng bahay, tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Sa harap, nakaparada ang isang van—ang sasakyang maghahatid sa amin patungong Maynila. Isa ako sa mga scholar ni Mayor Batumbacal, na ipapadala sa lungsod para makapagpatuloy ng pag-aaral.
Habang papalapit ako sa sasakyan, nilingon ko ang bahay namin. Yung dingding na gawa sa kahoy, yung lumang bintana na maraming gasgas, at yung bakuran naming may mga paso ng halaman ni Mama. Sino pa kaya ang mag-aalaga sa mga 'yan habang wala ako?
Sumakay ako. Si Kapitan nakaupo sa harap, kausap ang driver. Tatlo pa kaming kasama, mga kapwa ko scholar, pero tahimik lang kami.
Sa byahe, napatingin ako sa labas ng bintana. Unti-unting lumalayo ang baryo. Nakikita ko pa ang mga puno ng niyog na madalas kong akyatin, ang maliit na tindahan ni Aling Bising, ang kalsadang lagi naming dinadaanan papuntang eskwelahan.
Sa pamilya namin, ako lang ang inaasahan ni Mama.
Iniwan kami ni Papa noong bata pa ako. Ang sabi ni Mama, nagtaksil siya. Pero kahit gano'n, gusto ko pa rin siyang makita. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong marinig mula mismo sa kanya kung bakit niya kami iniwan.
Minsan naiinggit ako sa mga kaklase ko. Kapag may school event, kumpleto ang pamilya nila. Ako, si Mama lang palagi. Siyempre, bata din ako... nangangailangan din ng presensya ng isang ama.
BINABASA MO ANG
The Protagonist Love Story [COMPLETED]
HumorKhan Transom is a happy man, and he has a lot of dreams for his mother. When he was young, he did not know his father anymore. Because he left them, because his father allegedly cheated on his mother. And when he enters DMU (Damascus Marklin Univers...
![The Protagonist Love Story [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262313195-64-k828438.jpg)