"Things might have been damaged and broken. But nothing can bring us down as long as we have love and unity."
"Good morning, everything!" masigla kong bati nang bumungad ako sa dining table.
Kumakain na ang lahat, ako na lang ang wala. Kumuha ako ng pinggan sa kusina at umupo na rin para sabayan sila.
Pero habang kumakain, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang roommate ko. Kaninang umaga, tinignan ko ulit ang higaan niya—ganun pa rin ang ayos. Ibig sabihin... hindi siya umuwi.
"Khannnn! Sama ka mamaya ha!" paalala ni Jerald.
Hindi ko siya pinansin.
"Khan, galit ka pa?" tanong naman ni Raymark.
Tahimik pa rin ako. I just glanced at them, pero hindi ko sinagot.
"Khan, sorry na. Promise, di na namin uulitin 'yon," dagdag ni Kios, halatang sincere.
Pero... sino ba naman ang hindi maiinis sa ginawa nila kagabi?
Flashback
Hesus Ginoooong ko, Mamaaaa! Alisin niyo ako dito!
Sigaw ko sa utak ko habang nakaupo ako sa gitna ng kwarto nina Jerald.
Kasi naman, sino ba ang hindi mabibigla kapag sabay-sabay silang naglap-dance sa harap mo? Akala ba nila maaakit nila ako sa ganun?
Hinayaan ko lang sila, pinapanood habang pumipiyok ang mga muscles nila sa sayaw na parang straight out of a bad TikTok challenge.
Maya-maya, tumayo si Jerald, lumapit sa akin, at inilagay ang kamay niya sa batok ko sabay sexy dance. Sht, ano ba 'tong pumasok sa kukote ng mga 'to?*
Hindi pa ako nag-react. Deadma mode. Hindi naman kasi ako naaakit sa ganyan.
Lumingon ako sa gilid—jusko! Yung babaeng katabi ko halos mamatay na sa kilig. Para siyang nanonood ng K-drama in real life.
Sunod naman, si Rios ang tumayo. Lumapit siya, handa nang ilagay ang kamay niya sa balikat ko—pero bago pa niya magawa, pinigilan ko siya.
Nagulat siya, napa-hinto sa pagsasayaw.
"Ano 'tong ginagawa niyo, ha?!" singhal ko.
Tumigil silang lahat.
Tinignan ko sila isa-isa, yung titig na naghahanap ng kasabwat.
"Para saan 'yan?!" tanong ko ulit.
Tahimik. Walang sumasagot.
Hanggang sa nagsalita si Maynard, confident pa.
"Gusto lang namin i-confirm."
"Ahhh, ganun pala 'yon."
"Pero bakit kailangan niyo pang maglap-dance?! Ano bang tingin niyo sa akin?!"
Sumingit si Derrick. "Gusto lang naming ma-confirm kung... bakla ka talaga."
Arghhh!
"Sinabi ko na kagabi, diba?! Oo, bakla ako! Ano, satisfied na kayo?! Kung gusto niyo tanungin, puwede namang diretsuhin. Hindi na kailangan ng ganito!"
Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin sila kumibo.
"At by the way, hindi effective yang sayaw-sayaw niyo. Hindi ako naaakit sa mga ganyang luma na."
BINABASA MO ANG
The Protagonist Love Story [COMPLETED]
HumorKhan Transom is a happy man, and he has a lot of dreams for his mother. When he was young, he did not know his father anymore. Because he left them, because his father allegedly cheated on his mother. And when he enters DMU (Damascus Marklin Univers...
![The Protagonist Love Story [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262313195-64-k828438.jpg)