"Feel your heart and listen to it, because the heart tells the truest story."
"Khannnnn!!"
"Khannn!!" malakas na tawag mula sa labas ng kwarto, sinabayan pa ng sunud-sunod na katok.
Nagising ako, medyo hilo pa at antok, pero hindi puwedeng hindi bumangon. Ang lakas ng boses na parang bubulabugin ang buong boarding house.
"Khan! Si Betty 'to. Kakain na, sabi ni Nanay Rhona. Bilisan mo na r'yan!"
Kakain na? Napakunot ang noo ko. Anong oras na kaya?
Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at sinilip ang oras.
9:32 PM.
Grabe... ang lalim pala ng tulog ko! Agad kong ibinaba ang cellphone.
Bago ako lumabas, tumingin muna ako sa kabilang kama. Hmm... wala pa rin ang dormmate ko. Bakante pa hanggang ngayon. Siguro may ginagawa pa siyang project o baka late na umuwi.
Pero kailan ko kaya siya makikilala? Ano kaya siya? Let me guess... matangkad, matangos ang ilong, mabait, malinis, at higit sa lahat... gwapo! Napangiti ako sa sarili kong imahinasyon.
"Khannnn!!" mas malakas na ang bulyaw mula sa labas.
Ay, hala! Lalabas na talaga ako bago pa basagin ni Betty ang pinto.
Dali-dali akong lumabas.
"Ang tagal mo!" reklamo ni Betty, naka-krus pa ang braso at parang inaantay na ako ng matagal.
"Eh kasi... nakatulog ako," sabi ko, sabay kamot sa batok.
Naglakad siya nang una, papunta sa dining area. Ako naman ay sumunod nang mahinhin, parang bagong salta sa siyudad—well, totoo naman.
Pagdating sa mesa, nagulat ako. Akala ko kami lang nina Betty at Nanay Rhona ang kakain. Pero puno pala ang hapag! Ang daming tao.
"Oh, and'yan na pala kayo," bati ni Nanay Rhona, nakangiti habang inihahain ang pagkain.
Okay... so hindi lang pala apat ang kasama rito. Mukhang lahat ng nakatira sa dorm ay sabay-sabay kumakain.
"Everyone, this is Khan," pakilala ni Betty.
Ngumiti ako nang kaunti. "Hi."
"Hello, Khan! Ako si Pamela," bati ng isang babae na medyo kikay ang dating.
Tinuro naman niya ang iba pang naroroon. "Ito sila... Raymark, Cleo, Christian, Athena, Stacey, Dominick, Jerald, Megan, Rios, Jerrick, Nancy... sila ang mga kasama natin dito."
Napansin kong hindi binanggit ang pangalan ng magiging ka-dormmate ko. Bakit kaya?
Hindi ko muna sila tinanong. Umupo na lang ako at nagsandok ng kanin. Habang kumakain, lively ang kwentuhan.
"Khan, right?" tanong ng isang lalaki. Napatingin ako. Si Rios pala 'yun.
"Yes?"
"Can you tell us about yourself?"
Napalinga ako. Akala ko siya lang ang nakikinig, pero nang tumingin ako sa paligid, lahat sila ay nakatingin pala sa akin—pati si Nanay Rhona.
Huminga ako nang malalim.
**"Okay... hello ulit. Ako si Khan, galing ako ng probinsya. Scholar ako ng bayan namin. Actually, hindi lang ako—lima kaming sabay pumunta dito. Kaya lang, sa original na dorm namin, naubusan na ng bakante kaya dito na lang ako nilagay.
BINABASA MO ANG
The Protagonist Love Story [COMPLETED]
HumorKhan Transom is a happy man, and he has a lot of dreams for his mother. When he was young, he did not know his father anymore. Because he left them, because his father allegedly cheated on his mother. And when he enters DMU (Damascus Marklin Univers...
![The Protagonist Love Story [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262313195-64-k828438.jpg)