Chapter 6 (DMU)

800 53 1
                                        

(A/N: so ayon nga Hindi me nakapag UD simula nong sabado at kahapon sowey naman Si lord kasi inuna ko ehh , Dahil Jan babae I ako sa inyo AYAN na hah mataas taas ang UD natin ngayon , btw guys comment kayo haha para naman malaman ko Kung may nag babasa pa, then comment kayo Kung lalagyan ba ng P.O.V. si Thaddeus o Hindi show your opinions my dear readers....lablots😘)

***

KHAN's P.O.V.

"Khan, kaya mo bang pumasok?" nag-aalalang tanong ni Kios sa 'kin.

"OO nga! Kulit ha, kanina pa kayo," inis kong sagot.

Kanina pa nila 'ko kinukulit. Pare-pareho lang ang tanong nila: "Kaya mo na bang pumasok?"

Kailangan ko talagang pumasok ngayon kasi first day of school sa DMU.

"Ayaw lang naman naming maulit yung kagabi..." singit naman ni Megan.

"Ano ba naman kasi... ok na nga, diba?" sagot ko ulit. "Tara na, alis na tayo baka ma-late pa tayo," sabay labas ko ng dorm. "Ohhh ano pang hinihintay niyo, bagyo!?"

Mukhang natauhan sila sa sinabi ko kaya sabay-sabay kaming lumabas. Hindi na kami sumakay ng sasakyan, naglakad na lang kami.

Habang naglalakad kami, napansin ko ang dami ring students na naka-DMU uniform.

Kagabi kinuwento nila sa 'kin ang history ng DMU. Sabi nila, elite school daw 'to. Hindi basta-basta nakakapasok dito. Lucky daw kaming mga scholars kasi DMU gave us this opportunity para makapag-aral dito.

"Omgeee ang gwapo ni fafa Christian!" rinig kong tili ng mga babae sa unahan namin.

"Mas gwapo yung fafa Jerrick ko!" sigaw naman nung nasa likuran. Dahil sa sigaw niya, napatawa ako.

"Pftttt... hahahaha..." pinipigilan ko ang tawa ko.

"Siege, tumawa ka pa at tatampalin kita d'yan," masungit na pahiwatig ni Jerrick.

"Sorry naman, akala ko ako lang nakarinig. Hindi ko alam na may pagka... ano itohh..."

Nasa harap na kami ng DMU. Ibang-iba na itsura ngayon kaysa kahapon—may mga banner at tarpaulin ng mga graduates last year. May mga picture pa ng mga senator.

Pagkapasok sa gate, nagsisigawan na ang mga students.

"We love you, Dads Christian!" Ayyy sikat!

"Ganda ni Queen B!" Sino naman 'tong Queen B?

"Ang hot ni Stacey! Love pa rin kita Stacey kahit masungit ka!" Wow, ang Stacey niyo naka-yuko lang. Kung ako 'yan sinabihan ng ganyan? Easy lang. Kaway-kaway lang, haha!

"Jerrick, Je t'aime!" sigaw nung isang lalaki sa gilid. Shana all, ang gwapo nung sumigaw!

Andami pa nilang sigaw. Ayoko nang isa-isahin. Kapoy oy!

Habang naglalakad kami sa hallway, may mga bulungan akong naririnig.

"Sino yung kasama nila?"

"Ayy oo nga, sino 'yan? Halatang hindi mayaman."

"Ay mga sis, baka katulong nila 'yan na pina-aral nila kasi kawawa."

"Hala, so it means kasama niya sa iisang bahay ang Team Fame?"

Grabe dito, kinain na sila ng sistema ng pagiging judgmental. Kala mo naman lahat sila mayaman—oo na, mayaman kayo, ede wow.

Una sa lahat, hindi ako katulong. Duhhh. Sino bang famous 'tong mga kasama ko? Sila nga unang lumapit sa 'kin. Oo, hindi ako mayaman, alam ko 'yon. Pero kahit hindi ako mayaman, nabuhay ako ng nanay ko na mag-isa lang siya—and I'm proud of that.

The Protagonist Love Story [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon