Chapter 1

22 4 0
                                    


Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko, kinuha ko ito at in-off. Akmang matutulog ulit ako ng may naalala ako.

"Shit! First day of class pala ngayon"

Nagmadali akong maligo at magbihis, hindi na rin ako nag agahan kahit maaga pa naman. Ayokong ma late sa first day, lilibutin ko pa ang bagong eskwelahan na papasukan ko kasi kakalipat ko lang ng bagong paaralan.

Pagkarating ko sa labas ng school, binasa ko ang pangalan ng paaralan na nakapaskil sa isang wall.

"Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School"

'nakakamiss din pala rito sa Cebu' isip ko.

Matagal na akong umalis at hindi nanirahan dito, bata pa lang ata ako 'nun. Naisipan ko lang bumalik dito galing Manila dahil sa nangyaring hindi maganda.

Nasasaktan pa rin ako sa tragedyhang nangyari isang taon ang nakalipas, napabuntong hininga ako at papasok na sana ng gate ng biglang may nakabunggoan akong babae na tingin ko ay nagmamadali.

"Hala! sorry, gadali man gud ko" sagot nito sa'kin at tinalikuran ako at tumakbo papalayo.

'anudaw? sorry lang naintindihan ko', natatawa ako sa sarili kong naisip.

Nagsisi tuloy ako na hindi ko seneryoso ang pagtuturo nila papa sa akin ng Bisaya noon, ilang taon din lang naman ako nag i-stay dito noon, siguro apat na taong gulang palang ako.

Napatingin ako sa orasan at nagulat ng alas sais na! Bakit kasi ang dami kong iniisip?

Bigla akong napahinto ng humarang ang guard sa papasukan kong gate.

"Bakit po?" tanong ko rito na may pangambang naramdaman.

"Uniform?" tanong nito sa akin.

"Ah... kasi po ano... bago po ako rito, kuya guard" nahihiyang tugon ko at napakamot sa batok.

"Dili ko nimo maatik, dae" sagot nito na lalong nagpakaba sa akin, hindi ko alam kung anong sinasabi ni kuya guard! Naiiyak ako sa sobrang kaba.

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan, kuya"

"Ah tagalog? Transferee ka nga, oh sge pasok ka" nagpasalamat ako rito at umalis na ito sa harap ko at nagpatuloy sa kaniyang gawain.

Napabuntong hininga ako, hindi ako masanay sanay sa paligid, ang daming estudyante. May nakikita na akong magkakaibigan na nagkukumpulan, nagtatawan, nagkwekwentuhan. Siguradong mahihirapan akong makahanap ng kaibigan dito.

Kung kailan huling year ko na sa Junior High dun din ako kailangan lumipat ng bagong paaralan. Ang hirap pa naman mag adjust sa bago kong pinapasukan dahil pakiramdam ko iba ako sa kanila.

Nilibot ko muna ang paaralan at hindi pa ako nangangalahati ay nakarinig ako ng anunsyo na kailangan ng pumwesto para sa flag ceremony.

Nakita ko ang isa sa mga kaklase ko na nakasabay kong pumasok sa silid kanina nung hinahanap ko ang section ko kaya pumwesto ako sa likod niya. Tahimik akong naghihintay sa mga gagawin ng bigla akong nilingon ng babaeng nasa harapan ko.

"Uy, karon pa tika nakitan, bag-o ka diri?" sabi nito sa akin na may ngiti sa labi.

Napakagat ako sa aking ibabang labi, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, naiiyak ako. At dahil hindi ko alam kong anong isasagot ko ay ngumiti lang ako at sakto namang sinimulan na ang ceremony kaya hindi na ulit ito nagtanong sa akin.

Pagkatapos ng seremonya ay may mga anunsyo pang ibinigay ang mga guro at principal para sa pagsisimula ng bagong taon para sa mga mag-aaral. Nakikinig lang ako dahil wala naman akong makausap.

Pagkabalik namin sa silid, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Hindi ako makaintindi masyado sa mga taong nasa paligid ko.

Maya-maya, dumating ang adviser namin at pinakilala ang mga transferee, nung una nagtaka ako kasi feeling ko ako lang naman ang transferee pero may pumasok na isa pang babae na morena. Ang ganda niya at halatang anak mayaman.

Pinakilala kami sa harap at nung ako na ang magpakilala ay bigla akong nilukob ng pangamba at takot.

"Ahm.. Hi guys... I am Gemini Valdero but you can also call me Gem, and I'm from Manila, so I can't really understand you talking Bisaya but I'm really trying my best to learn your language and that's all" pakilala ko at ngumiti sa lahat.

Masaya naman ako dahil mukhang masaya silang nakilala ako ngunit binalikan ako ng kaba ko ng biglang may nagtanong.

"Bakit ka nag transfer?" tanong ng isang babae na nasa likuran naka upo, I know her, siya yung nakabangga sa'kin sa labas ng gate.

"Ah, I think that's a personal question" sagot ko nalang dito.

"You two can have the two seats over there" biglang sabi ng adviser namin at itinuro ang dalawang bakanteng upuan na magkatabi na nakapwesto sa harapan.

Sabay kaming umupo nung babaeng transferee rin, Ella ata name nito. Nilingon ko ito at tahimik lang itong nakaupo at nakatanaw sa labas ng silid. Nakakatakot naman ang katahimikan ng katabi ko.

At dahil hindi ako makatiis na maging tahimik, kinalabit ko si Ella. Nilingon ako nito ngunit walang salita akong tinalikuran. Jusko, mahihirapan akong kausapin ito.

"Ella, woy" kinalabit ko itong muli at nilingon ako nito.

"What?" suplada nitong tanong

"Hi, I'm Gemini but you can call me Gem" pakilala ko rito at ngumiti ako

"Alam ko" tinalikuran ako ulit

Aba! Lord, bakit naman pinapahirapan mo ako ng ganito? Gusto ko nalang tuloy umiyak. Gusto ko lang naman ng kaibigan, Lord.

Tinignan ko ang mga kaklase ko na may kaniya-kaniyang grupo at napabuntong hininga ako, sana pala nanatili nalang ako kung saan ako galing. May mga kaibigan pa naman akong naiwan doon.

Tatlong oras ang nakalipas ng tumunog ang bell hudyat na recess na, napatingin ulit ako sa mga kaklase ko, may mga kaibigan sila, hindi ko pa naman kabisado lahat ng pasikot sikot dito, baka mahuli pa ako sa klase kaya naisipan ko nalang manatili sa silid.

Napatingin ako sa katabi ko ng bigla itong tumayo, siguro mag re-recess ito. Papalabas na ito ng pinto ng tinawag ko ito, nagugutom na talaga kasi ako.

"Ella!" sigaw ko at napatingin pa ang ibang kaklase ko dahil nasa harapan ako kaya himingi ako ng pasensya rito at ngumit saka nilingon muli si Ella.

"What now?" ang suplada talaga ng babaitang ito.

"Pwede pasabay? Wala akong kaibigan dito eh, saka hindi ko sila masyadong naiintindihan" sana naman pasabayin ako nito.

"Sure" ang tipid magsalita, sisirain ko katahimikan ng buhay mo Ella.

Nang makarating kami sa canteen, namangha ako sa laki nito, ngunit kahit anong laki nito andami pa rin tao.

"Kaya mo bang makipagsiksikan?" tanong ko kay Ella, kasi sure akong galing itong private school eh, tingin ko mayaman ito, yung tipong hindi na kailangan makipagsiksikan para maka kain.

"Ah... I-im not sure" oh she's stuttering, well mabait naman ako.

"Ano ba gusto mo? Ako na bibili? Pero dapat ilibre mo ako ha" pabiro ko pang sabi sa kaniya

"Sure" agad nitong pag sang-ayon

Grabe naman ang babeng ito, andaling utoin. Hinawakan ko kamay niya at hinila sa kung saan maraming tao.

"W-wait... Where are we going? Too crowded" arteng sagot nito

"Ano ka ba, masaya to. Magandang experience ang ganito, kahit hindi naka private yung school, marami pa rin ang magandang nangyayari at mangyayari, So, let's go" at inakay ko siya sa kung saan maraming tao at nagtatawanan lang kami nung makarating kami sa tindahan kung saan may siomai.

Tawa lang kami ng tawa sa mga nangyari, may muntik pa kaming nakaaway na younger student dahil aksidente kong naapakan ang medyas niya at tumawa lang kami ni Ella pagkatapos namin manghingi ng patawad ng bigla kami nitong inirapan at tinalikuran.

Pagkarating namin sa silid, kami nalang ata ang wala doon kaya umupo na kami at nagsimulang kumain ng tahimik.

Pagkatapos ng tatlumpong minuto, nagsimula na silang mag elect ng officers. At nakasama si Ella sa na-nominate as president at nanalo ngunit ayaw niya ng mabigat na responsibilidad kaya sinabi niya na sa Vice President nalang siya at pumayag naman si Ms. Villahermosa.

Pagkarating ng lunch, kaunti lang ang mga studyanteng nasa canteen dahil 1st day pa lang naman, ngunit masaya ako kasi may kasabay ako, si Ella.

Nung nag alas dos, may pina fill-up si ma'am sa amin, registration ata yun, I don't know basta naglagay lang ako ng name ko dun at iba pang informations tungkol sa akin.

Nung nag bell na, hudyat na pwede ng umuwi ang mga students, ako ang huling uuwi dahil nasa akin ang susi ng silid, responsibilidad na naman, nakakaiyak.

Pagkatapos mag linis, isinara ko na ang pintuan at nagulat ako paglingon ko kasi nasa harapan ko si Ella.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko rito habang naglalakad kami pababa ng hagdan

"I only knew you here, so yeah" arte talaga, nahihirapan na nga ako mag Bisaya nag e-english pa ang isang ito.

"Ah, sabay ka sa'kin? Saan ba bahay niyo?"

"Ah diyan lang malapit sa isang rentahan ng room" aba malapit lang pala kami ng tirahan.

"Marunong ka pala mag tagalog pinapahirapan mo pa buhay ko" natatawa kong sabi

At nung nakarating na siya sa tapat ng bahay nila at nagsimula na akong maglakad pauwi ay tinawag niya ulit ako.

"Gem!" nilingon ko ito at tinanong kung bakit.

"Sabay tayo bukas ah" sabi nito at ngumiti saka ito pumasok sa bahay nila

'What a good day! Hindi naman pala mahirap kaibiganin ang isang 'yun' napangiti ako sa naisip.

:>

A Treasure in Heaven (Friendship Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon