Chapter 14

6 3 0
                                    

Napuno ng takot ang buong puso ko ng marinig ang sinabi ng Doctor. Hirap akong pigilan ang sarili ko hanggang sa nailabas ko ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Napabaling sa akin ang atensyon ng dalawa na kanina lang ay nag-usap. Mabilis akong nilapitan ni Papa at mahigpit akong niyakap habang pinapatahan.

"I gotta go, alalahanin mo ang mga sinabi ko sa iyo Mr. Valdero" bilin ng Doctor bago ito lumabas.

Hindi pa rin ako matigil sa kakaiyak, hinahaplos ni Papa ang likod ko habang may binubulong itong mga salita, sinusubukan akong patahanin pero masyado akong nadala sa mga sinabi ng Doctor.

"Papa.." mahinang tawag ko sa kaniya, bumitaw ito sa yakap saka ako tinignan ng may kalungkutan ang mga mata, "Papa, mawawala na ba ako? Papa.. ayoko! Ayaw kong iwan ka.. paano ka.. paano ka kung mawawala.. ako?"

"Shh.. hindi ka mawawala, anak. Hindi mo maiiwan ang papa, mananatili ka, diba? Magiging sikat na writer ka pa tulad ng plano niyo.. ng ate mo" my papa's voice broke.

Lumipas ang ilang minuto at nanatili akong tahimik, iniisip kung anong mangyayari sakaling mawala ako, kung sakaling mamaalam ako. Hindi man naging perpekto ang naging takbo ng buhay ko, minsan man akong nasaktan, minsan akong lumuha, pero hindi ko rin maitatanggi na misan din akong sumaya. 

Si Ella.. gusto ko siyang kausapin, gusto kong maging maayos kami sakaling may hindi magandang mangyari sa akin. Nasaktan ako, oo, pero nanatili ang pagmamahal ko sa kaniya. 

"Anak.. may bisita ka" napabaling ako sa pintuan kung saan nakatayo si papa na hindi ko man lang naramdaman na umalis siya sa aking tabi sa dami ng iniisip. 

"Gem.." Sheena's sweet and soft voice fills my ear, her voice is so calming, I didn't even notice that I gave her a smile. 

Tumakbo ito papalapit sa akin at marahan akong niyakap, I sigh in relief when I hug her back. I love this girl, always. Napakunot-noo ako ng naramdaman kong mahina itong humihikbi, bumitaw ako sa yakap at tinignan siya.

"Why are you crying?" 

"Sorry.. sorry kung sa time na kailangan mo ng kaibigan, wala ako" umiiyak pa rin ito at hawak niya ang kanang kamay ko kung saan nakaturok ang IV ko. "Nahihiya kasi akong lumapit sa'yo, kasi mukhang okay ka lang naman, kaya si Ella ang sinamahan ko kasi parati siyang umiiyak. I thought you were fine, I thought you can handle yourself, the pain. But I was wrong, naalala kong wala ka pa lang kasama sa bahay, wala kang mapagsasabihan kapag nahihirapan ka na, wala kang makakapitan. Sobrang nahihiya ako kasi hindi ko alam kung anong klaseng kaibigan ako. I'm so sorry, Gem, simula ngayon hindi na ako mawawala sa tabi mo. Pangako" itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang pisngi ko saka ito ngumiti.

"Hindi ko maipapangako na mananatili ako sa tabi mo, Sheena" ngumiti ako sa kaniya at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka, "And you're right, sa mga panahon na kasama mo si Ella, hinihiling ko na sana may makakasama rin ako, na sana may masasandalan din ako kasi si Ella sana iyon eh pero siya pa iyong nanakit sa akin, iyong taong pinagkatiwalaan ko, siya ang nagwasak sa akin. Ang hirap, Sheena" hikbi na nauwi sa iyak ang nagawa ko, pero natigilan ako bigla ng kumirot bigla ang puso ko. 

"Papa.. masakit.." napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit na tila ba may kutsilyong sumaksak dito ng ilang ulit. 

"Sheena, pakitawag ng Doctor sa labas, pakibilisan" utos ni Papa kay Sheena na dali-dali naman nitong ginawa.

Ilang segundo lang ang lumipas ng bumalik si Sheena na may kasamang Doctor at Nurses, dali-dali itong lumapit sa akin at sinuri ang katawan ko. Hindi ko alam kong bakit pero nahihilo ako, at nang hindi ko na mapigilan ay bigla ako nawalan ng malay. 

"Tito, she will be fine naman diba?" Sheena's voice is the first one I hear when I start opening my eyes slowly, "she will get better soon naman Tito diba?" her voice sounds that she's so worried.

"Pa.." tawag ko kay papa na nakaupo sa kanang banda ng katawan ko.

"Gem, are you okay? Do you need something? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Ano?" mabilis na tanong nito saka lumapit at umupo sa kaliwang banda ng katawan ko at hinawakan ang kamay ko, "Do you need something?" 

"I'm fine, I'm not hungry" sagot ko, "but I do need something from you" 

"Sure. What is it? I'll do and give anything" 

Ilang minuto pa akong natahimik, iniisip kong tama ba ang desisyon na gagawin ko, pero wala na akong maiisip pa kundi ito. Itong gagawin ko nalang ang natitirang pag-asa.

"I want you to talk to Ella, papuntahin mo siya rito, I want to talk to her" diretsong sagot ko.

"Gem, anak.." bago pa man maituloy ni Papa ang kaniyang sasabihin ay naunahan ko na ito.

"Pa, please.. I want to talk to her. I don't even know kung magigising pa ako bukas, I badly want to talk to her. Kung mamamatay man ako, I want to die in peace, ayaw kong may sama ng loob akong dinadala kung saan man ako dalhin ng tadhana. I don't want to bring this pain anymore, pa. I want to let this all go, I don't want to suffer. I just need a words from her and I'll be fine.

"Sheena, can you do it for me? Pwede mo ba siyang kausapin na pumunta rito?" tanong ko sa kaniya na may pag-asa ang mga mata, nagbabakasakaling maaayos pa ang lahat.

"Gem, I don't want to hurt you-"

"Please?" I pleaded, "diba sabi mo gusto mong bumawi? Ito na iyon, I just want to talk to her. I just want to be free, never ako magiging masaya at malaya kung hanggang sa kamatayan dala-dala ko ang sakit" 

"Hindi ka mamamatay, okay?" may bahid ng galit ang boses niya.

"Hindi natin hawak iyan, Sheena. But can you do it for me? Please.."

"Fine! I'll do it, for you. Promise me one thing" tumango nalang ako at hinayaan siyang magsalita, "you'll live. Don't you dare leave me, Gem, please" she's crying! Bakit ang bilis umiyak ng babaeng 'to? She's so soft! 

"Of course, I promise. A-attend pa ako ng concert mo eh" I hug her and she hug me back, she's still sobbing silently.

"Promise me you'll live, a-attend pa ako ng book signing mo" napahinto ako sa sinabi niya.

"How did you know about that?" I asked her with confusion in my eyes, I never share that to anyone, including Ella!

"Si Tito" ngumingiting sagot nito. I shifted my gazr to my father who's now silently laughing. And when he catch me looking at him, he smiled at me innocently, like he didn't say anything wrong. 

"What? Hindi ba pwedeng sabihin 'yon?" 

"Papa naman eh... nakakahiya" 

At doon nagsimula ang asaran namin, na umabot pa ng ilang oras bago umuwi si Sheena na ipinangako niya naman sa akin na susubukan niyang kausapin si Ella para sa akin.

Oras na ng pahinga at natutulog na rin si Papa pero ang diwa ko, gising na gising pa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali pero lahat ng kaba ay nasagot pagkalipas ng gabi.

Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ni Sheena, ngumiti ako sa kaniya, pero hindi nagtagal ang ngiti na iyon sa labi ko dahil sa nakita ko. She's not alone, she's with someone. I expected her to be here, but not this soon. 

"Labas na muna ako, mag-usap muna kayo" rinig kog sabi ni papa.

Ang paningin ko nanatili sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko, nanatili ang paningin ko kay, "Ella" bulong ko. 

:'>>



A Treasure in Heaven (Friendship Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon