"You want to talk to me?" bungad niya sa akin ng makalapit siya. Her voice is cold as ice, her eyes is fierce as fire.
"Ella.. I'm sorry" iyon pa lang ang nasabi ko pero gusto ko ng umiyak, gusto ko ng humagulgol at hindi na titigil pa.
Parang ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, parang anumang oras pwede ako atakehin sa puso, na pwede akong mamatay. Pero kahit ganun, tinitiis ko kasi ito na iyon, ito na ang oras na hinihintay ko, ang maka-usap ang taong minsang nagwasak ng buhay ko.
"I know masakit 'yong mga salita na nasabi ko, but I was too hurt, sobra mo akong nasaktan Ella, sarado ang puso't isipan ko na kahit ilang sorry ng ibang tao hindi ko matatanggap. I'm sorry if ngayon lang kita naisipang kausapin, natakot ako eh, natakot ako na baka okay ka na, na baka hindi na kailangan ang paliwanag ko" unti -unting nagbabagksakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, luhang hindi ko na kayang itago pa.
"I was so disappointed, bestfriend kita eh, pero bakit mo ako sinaktan? Akala ko ba, walang iwanan at walang sakitan? Pero bakit ganun? Paano mo nagawang makatulog sa gabi ng hindi man lang nakokonsensiya?" my gaze are blurry, I can't see her clearly due to my unshed tears.
I looked at her, but I stunned when I saw her crying, I saw her vulnerable side na nagpapahina na naman sa akin, "I just don't know kung sino ang mapagbubuntungan ko ng galit. I know I was selfish kasi mas pinili kong kampihan ang paniniwala ko, I know I'm at fault kasi sayo ako nagalit. But can't you consider my feelings? Nasaktan din naman ako, nasaktan ako sa nakita ko noong araw na iyon! I am too spoiled from my parents and I can't help losing them both kaya natakot ako noong araw na iyon, dahil akala ko mawawala ang isa sa kanila sa akin dahil sa Papa mo" her voice, she's mad. "I was just too scared, like you, na baka tuluyang masira ang pamilya na meron ako. But it turns out, ako pala ang sisira noon" ngumit ito ng mapait sa akin bago napatuloy, "I lost them now, Gem, I lost them. Noong umalis ako sa bahay, I cut all my ties from them dahil gusto kong gumanti, gusto kitang gantihan. And now, hindi ko na sila makita, hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila. I want my parents back" umiiyak na ito sa harapan ko.
Hindi ko alam kung hahatakin ko ba siya papalapit sa akin at yakapin o hayaan siyang umiyak sa harapan ko. I can see hatred and pain in her eyes. Her every sobs want me to hug her tight, so I did. Hinatak ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. I didn't realize that I, too, is crying so hard.
"I know you hate me, you can hate me all you want Gem. I don't deserve your kindness, but I deserve your wrath. That slap Sheena gave me woke me up" mahinang sabi niya sa akin, pero iba ang narining ko.
Bumitaw ako sa yakap at hinarap siya, "Sheena slapped you?" takang tanong ko at tumango lamang ito bilang sagot. Why would she do that? She's her bestfriend for God's sake!
"Sabi niya na naka confine ka, she slapped me noong hindi ako naniwala and she show me a picture of you, lying in this bed, looking pale" she look at me intently before she continues, "pero aaminin ko, natakot ako, natakot ako noong nakita kong hindi ka okay, natakot ako noong sinabi niya na may sakit ka. Kasi.. babawi pa ako eh" she starts to cry, again, "I am so sorry kung masyadong makitid ang utak ko, forgive me please?" hinawakan niya ang kanang kamay ko at umiyak ng malakas.
I just hug her, comforting her, trying to tell her that everything's going to be alright. Hindi ko alam kung saan ako ilalagay ng tadhana sa mga susunod na araw, hindi ko nga alam kung masisikatan pa ako ng araw. I just want my bestfriend to be happy.
"Ella, I know how much you love your parents, and I love you too, that's why pinahanap ko sila. Papunta sila dito, Ella, miss ka na ng mommy mo" nakangiting sabi ko sa kaniya.
She just looked at me like I said something unbelievable. I laugh when I saw her tears fell. I do really love seeing this girl receives her happiness, she deserves the world. The pain she cause me is now nothing to me, and that's how love change me.
BINABASA MO ANG
A Treasure in Heaven (Friendship Series #1)
FanfictionIsang masayang pamilya na sinira ng isang kasinungalingan na umabot sa isang trahedya, trahedyang magbabago sa takbo ng buhay ng mga naiwan at nang-iwan. Dalawang magkaibang mundo na nagtagpo, ang isa naniniwala na tinadhana, habang ang isa, pinilit...