"Saan ka na naman galing?" galit na tanong ni mama kay papa, "pinuntahan mo na naman ang babae mo?" masyadong malamig ang boses ni mama.
Nagkatinginan kami ni Ate nang mapagtanto namin kung saan na naman ang patutunguhan ng pinag-awayan nila. Pareho kaming napabuntong-hininga nang marinig namin ang pagdadabog ni mama sa kabilang kwarto.
"Mahal, wala akong ibang babae, hindi ko iyon magagawa sa iyo" ani ni papa na may bahid ng pagkainis ang boses, "ilang beses ko pa bang sabihin sa iyo na wala nga akong babae? Eza is my friend, just a friend! Bakit ba parati mo nalang pinagseselosan 'yon?"
"Dahil minsan mo ng minahal ang babaeng iyon, Alonzo!" biglang sigaw ni mama.
Pareho kaming nagulat ni Ate at sabay na lumabas ng kwarto at kinatok ang pintuan ng kwarto nina mama at papa.
"Sobrang tagal na nun, Gabriella!" patuloy ang kanilang pagbabangayan at hindi kami pinansin ni ate kahit ilang beses na kaming kumatok ay walang nagbukas ng pinto.
Magkalipas ang ilang minuto ay natahimik ang dalawa sabay ng pagbukas ng pintuan at lumabas si papa at nagmadaling bumaba sa hagdan, sinundan ko ito at si Ate ay pumasok sa kwarto para kausapin si mama.
"Pa!" tawag ko rito ng lumabas ito ng bahay at nagmamadaling lumayo.
Lumingon ito sa akin at bumuntong-hininga sabay paghawak nito sa kaniyang buhok at hinatak ito ng mahina. Bakas sa kaniyang mukha ang pagka inis.
"Ano ba ang nangyayari, pa?" mahinang tanong ko rito.
"Magpapaliwanag ako, anak, pero kailangan ko munang umalis saglit. May gagawin ako para hindi na namin paulit-ulit na pag-awayan ang bagay na iyon ng mama mo" sagot nito at umalis sa harapan ko.
Napabuntong-hininga ako nang mawala si Papa sa paningin ko at naglakad pabalik ng bahay para sana kausapin si mama pero pagkapasok ko pa lang ng bahay ay hagulgol ni mama ang bumungad sa akin. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap upang patahanin pero mas lalo lang naging malakas ang iyak nito.
Sa kabilang banda, kasalukuyang kinakausap ni Alonzo si Eza at ang asawa nito. Nagpapatulong si Alonzo sa plano niyang pag-ayang pagpapakasal kay Gabriella. Wala siyang ibang kaibigan na malapitan maliban sa dalawa.
"I'm really sorry kung naistorbo ko kayong dalawa, I really need your help regarding this matter"
"Ito naman parang hindi kaibigan" natatawang sagot ni Rony, ang ama ni Ella.
"Oo nga, kahit nga ilang beses na akong pinagselosan niyang asawa mo. Nagpaliwanag na nga ako sa kaniya noon na walang namagitan sa ating dalawa pero pinagpipilitan niyang minsan mo na raw akong minahal kaya ayaw niya sa akin" natatawa rin sabi ni Eza.
Napailing nalang si Alonzo sa sinabi ng kaibigan. Napatingin sila sa lamesa ng may teleponong tumunog, kinuha ito Rony at nagpaalam sa asawa na sasagutin lang ang tawag bago ito lumabas ng coffee shop.
"Anong magagawa ko? Do you need an organizers? Designers? Make-"
"Support" diretsahang sagot ni Alonzo, "I need your support" napabuntong-hininga ito bago nagpatuloy, "wala kasi akong lakas ng loob, hanggang ngayon naduduwag pa rin akong hingin ang kamay ni Gabriella"
"May anak na kayo, pare, hanggang ngayon pa rin ba naduduwag ka pa rin?" biglang singit ni Rony sa usapan na ikinatawa nilang tatlo.
"Hon, may emergency meeting sa opisina, kailangan daw ang presensya ko" paalam ni Rony kay Eza na tumango lang bago hinalikan sa pisngi ang asawa.
BINABASA MO ANG
A Treasure in Heaven (Friendship Series #1)
FanfictionIsang masayang pamilya na sinira ng isang kasinungalingan na umabot sa isang trahedya, trahedyang magbabago sa takbo ng buhay ng mga naiwan at nang-iwan. Dalawang magkaibang mundo na nagtagpo, ang isa naniniwala na tinadhana, habang ang isa, pinilit...