Chapter 12

5 3 0
                                    

Hindi pa nagpapakita ang araw ay gising na ang buong diwa ko. Kahit pagod, pinilit ko ang sariling tumayo at maligo. Hanggang sa banyo ay wala ako sa sarili, tulala at malalim ang iniisip.

'Paano kung hindi maging maganda ang kahahantungan pagkatapos namin mag-usap?'  napabuntong hininga ako sa naisip. Natatakot na baka mawala ng tuluyan sa akin ang nag-iisang taong unang tumanggap sa akin.

'At paano naman ako nakakasiguro na totoong tinanggap niya ako?'  napatigil ako sa naisip, parang gusto kong umiyak na hindi. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman, kung tama pa ba ang lahat o tama na para sa ikakabuti ng lahat. 

Tinapos ko ang pagligo at pagbihis saka umupo sa kama ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bedside table ko. Kinuha ko ito at binasa ang mensaheng galing kay Ella. 

Napabuntong hininga ako matapos basahin ang mensahe niya. Bumaba ako para kumain ng makita ko sa hapagkainan si Aling Lorna - ang may-ari ng rentahan- na naghahanda sa lamesa. 

"Oh Gem, kaon na diri, dungan nalang ka namo" napangiti ako sa imbitasyon niya kaya hindi na ako nagdalawang-isip na umupo.

Kasama ko sa hapagkainan sina Aling Lorna, dalawang kasama ko sa rentahan, at ang dalawang apo ni Aling Lorna na sina Andrea at Adrean. Nakakatuwang makita na masaya ang pamilya nila. 

"Gem, okay raka?" nabigla ako sa tanong ni Aling Lorna, dahil minsan ko lang naman ito nakakausap o nakakahalubilo.

Ngumiti ako saka nagtanong, "oo naman po, napagod lang po ako sa eskwelahan".

Nagdasal, at kumain kami ng sabay hanggang sa naalala ko na magkikita pa pala kami ni Ella kaya binilisan ko na ang pagkain, saka nagpaalam kay Aling Lorna kung pwede na ba akong mauna. 

"Ah sige lang ija, ibutang lang diha imong gigamit, kami na bahala ana" ngumiti ako at nagpasalamat saka bumalik sa kwarto para magbihis ulit. 

Alas nyube ng umaga ng nakarating ako sa Milktea shop na kakabukas lang at sa lugar kung saan kami magkikita ni Ella. Dito niya naisipan na makipag-usap sa akin dahil kakanta siya rito bilang guest sa opening program ng shop. Hindi rin naman ako magtataka dahil bukod sa maganda siya, maganda rin ang boses niya. 

Maraming tao ang nasa loob, at kitang-kita ko rin si Ella na nasa isang maliit na stage at nag-aayos ng gitara, 'mukhang magsisimula palang siyang kakanta'. 

Pumasok ako sa loob at pumwesto sa lugar na hindi niya mabilis mahagilap ang presensya ko. Ngayon ko palang siya makikitang kakanta sa harap ng maraming tao, sobra ang saya na nararamdam ko ngayon, tila bigla akong nakalimot sa tunay na rason kung bakit ako nandito ngayon. 

"Ahm.. hi guys" bati nito sa lahat at kinakabahang ngumiti bago nagpatuloy, "It is my first time singing in front of so many audience, nasanay kasi ako na iyong mga malalapit lang sa akin ang nakikinig kapag kumakanta ako" saka ito ngumiti. "My second song is dedicated to my favorite person" 

'Second song na pala? Akala ko una pa lang, at saka sinong favorite person? Wala naman akong nakikita o nalaman na may nanliligaw kay Ella' kunot-noo kong tinignan ang paligid at dahil marami masyadong tao, hindi ko nakikita ng mabuti ang mga tao sa harapan. 

Napabaling lang ulit sa harapan ang atensyon ko ng marinig ang pagkanta at paggamit niya sa kaniyang gitara. 

'Can't count the years on one hand
That we've been together
I need the other one to hold you
Make you feel, make you feel better' 

Simula palang ng pagkanta niya, alam ko na agad kung anong gusto niyang sabihin sa taong pinaglaharan niya ng musika. Ngumiti ako habang pinapanood ang kaibigan kong kumakanta sa harapan. Mas lalo siyang gumanda habang nag gigitara, mas lalo kong nakilala si Ella sa pamamagitan ng musika. 

A Treasure in Heaven (Friendship Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon