Chapter 6: The Secret

210 22 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

THINGS were going my way over the past weeks. Perhaps not smoothly, but it is. Alice has been staying under my wing and I have owned her—body and soul—and I have no regrets. Truth to be told, for the first time in my life full of uncertainties, she was the only one that I wanted to see my future with. That's a fact.

Alam kong mabilis. Alam kong mapanganib pero gusto ko siya. I have never felt this way to anyone before... sa kanya lang. At iyon ang kinatatakot ko—ang tuluyang mahulog sa kanya at iwan niya.

Sa katunayan, habang maaga pa ay dapat paalisin ko na siya at kalimutan. Relationships or any kind of long-term affairs don't end well in our line of work. We could get hurt badly, die without notice, or worse, we could target each other with no opportunity to chose one over the other.

Alam kong darating ang araw na 'yon. Sa katunayan, natanggap ko ang report mula kay papa kagabi. Sunod na naming sasalakayin ang lungga ng mga Brixton ngunit wala pang pinal na petsa. Nakadepende ito sa impormasyong makokolekta ng mga tauhan ko. Pero wala na akong magagawa kung hindi ang gawin ang misyon o mas maraming buhay ang magdudusa kapag pumaplpak ako.

Napalunoko ako habang naiisip si Alice. Hindi ko siya magawang paalisin. Her existence has rubbed on me deeply. I was already in love with her.

At nangyari na nga ang kinatatakot ko nang marinig ko siya mula sa kanyang kuwarto na kausap si Salvador Brixton, ang lalaking umanpon sa kanya. I was just about to bring her snacks since I was tiring her physically but I didn't expect that our time was running out too fast.

"Uncle..." Natigilan ako sa may pinto at piniling hindi iyon buksan. Ayoko mang makinig sa pribadong pag-uusap na iyon, pakiramdam ko'y may mali.

"What plan?" Sumandal ako sa dingding habang nakikinig kay Alice. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ni Salvador pero may hinala na ako. Hindi imposibleng alam na ni Brixton na may plano na rin ang kampo namin.

"W-who are you referring to?" Balisa ang tono ni Alice at nag-aalala ako nang bumalot ang katahimikan mula sa silid. Tumayo ako nang maayos at akmang bubuksan ang pinto ngunit muli siyang nagsalita, "And what if I say no?"

"B-boy toy?" Nangunot ang noo ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila? "Leave him alone. He has nothing to do with this."

Marahan kong binuksan ang pinto, nagsisiguradong walang ingay na manggagaling sa bawat kilos ko. Sinilip ko ang kuwarto at nakatayo siya sa tabi ng kama. Nakapatong ang isang kamay niya sa batok at sobrang lungkot ng ekspresyon.

Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin... pero malalaman niya ang plano ng mga leon. Hangga't maaari, gusto kong ilayo siya sa mapanganib kong mundo. Marahil ay delikado na ang buhay niya at ang pagpapataob lamang kay Salvador ang susi upang mapakawalan na siya.

At kapag natapos ko ang labang ito, sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay ni Alice... kasama ko.

I will make sure that the shackles tying our freedom will loosen up. We will be free.

Pinahid niya ang luha sa pisngi at nakita ko ang pagdidilim ng kanyang mga mata. Napakuyom ako ng mga kamao.

Alice has made her decision... and so have I.

Dali-dali akong umalis at nagtungo sa opisina ko sa baba. Inabot ko ang aking telepono ngunit biglang napansin ko ang isang email sa aking  kompyuter. Naupo ako at binuksan ang email at lalong nagusto ang aking mukha.

Kumpirmado na ang aking mga hinala. We were going to make our move, too. Binuksan ko ang aking telepono at gumawa ng tawag. Matapos ang tatlong ring, sinagot na 'to.

"Hatcham," bungad ni Ysiquel sa kabilang linya.

"Fuentes, SOS."

"Anong nangyari? Ayos lang ba siya?" Batid ko ang kaba sa boses ni Ysiquel. Ilang linggo na mula nang magkakilala sina Ysiquel at Alice at kumpirmadong si Alice Vale Brixton at Kylien Cess Fuentes ay iisa.

My woman was assumed to have died when she was born by Salvador Brixton. In other words, she was held captive for more than two decades.

"Aalis na si Alice rito sa bahay at katatanggap lang namin ng take down order sa kampo nila."

"Kailan?"

"ASAP," walang pag-aalinlangan kong sagot. Wala akong dapat itago pa kay Ysiquel lalo na at dahil sa kakambal niya.

"You have got to be kidding me."

"I wish I were, man, but that's the truth. Kailangan na rin nating kumilos. Hindi ko alam kung ano mismo ang plano nila at alam kong hindi pa 'to sasabihin ni Alice sa 'kin."

"Sabihin mo na lang kasi sa kanya kung sino ka. I'm sure she'll understand and accept you," kalamado niyang saad at napangisi ako.

"Hindi pa 'to ang tamang oras," bulong ko. "Haharapin ko pa ang totoong mga kalaban bago ko magawa ang gusto ko."

"Weakling," natatawa niyang saad.

"Shut up, asshole," agad kong sambit nang makarinig ng pagkaluskos mula sa labas. Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa may likuran ng aking upuan.

Doon ko nakita si Alice na pulos itim ang suot mula ulo hanggang paa. She looked very fierce with her attire. Hawak niya ang helmet sa isang kamay at palapit sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa aking sasakyan.

Lumingon siya sa direksyon ng kuwarto ko at kita ko ang malungkot niyang mga mata. Nakailang paglunok siya at pinahid ang luhang hindi niya napigilan sa pagtulo. Napahawak ako sa aking dibdib. I was hurting like her. I wanted to hug her and keep her away from the world.

Kung puwede lang ay gagawin ko. Ilalayo ko siya sa mundo para maging masaya na lang kaming dalawa... malayo sa mga taong gusto kaming pabagsakin at sirain sa isa't isa.

Tumalikod nang tuluyan si Alice at sumampa sa kanyang motorsiklo. She started the engine and wore her helmet. Buong-buo ang loob niya na haharapin ang panganib. She looked so amazing... and I think, I fell for her all over again.

"Still there, Hatcham?" Bumalik ako sa ulirat nang magsalita si Ysiquel.

"Yeah..." bulong ko at hindi inaalis ang tingin sa paalis na motor. Alice left and my gut is telling me that she did it to protect me against Salvador. It's a shame that I can't tell her about my true self until now. But when this is all over, I surely will. I promise.

"The war has begun." 

***

Sinong nakakahabol pa sa timeline? Hahaha!

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 03 07 2021

Eiffel's Tower (The Queen's Revenge Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon