***
"IS THIS the last of it?" tanong ko kay Phillip, ang anak ng tauhan ni papa. Maayos siyang nakatindig sa aking harapan habang hinihintay akong matapos sa pagbubuklat ng mga papeles na sisirain.
Si Phillip ang kinuha kong advisor habang sinasanay ko ang aking sarili sa paghawak sa kabuoan ng Lions. Noong buhay pa si papa, bilang lang ang galaw ko sa loob ng organisasyon perk ngayon, ako na ang may hawak sa lahat-lahat.
Parang sa chess, ako ang pawn. I was at my father's disposal. Yet I proved him wrong. The pawn he thought he could sacrifice at any time was the stongest in his board. He replaced the king.
At dahil nag-iisa akong anak ni papa, sa akin niya iiwan ang kanyang mga ari-arian. Sa loob ng halos anim na buwan, puro pagsasalin ng kanyang ari-arian at pangalan ang aking ginagawa.
He left a will but it was taking longer since he wasn't married to my mother. Wala siya sa birth certificate ko at walang marriage certificate na maipakita. Kinailangan ko pang magpakita ng ebidensya na anak nga ako ni papa. Kaya kahit labag sa aking loob, ginawa ko pa rin.
At kapag natapos na ang lahat, ido-donate ko ang karamihan dito. Hindi ko rin naman kailangan dahil may sarili akong negosyo at pera. It's just that... I didn't want the government or anyone else to take over everything without breaking a sweat.
Iyon na ang ginawa nila sa mga pagmamay-ari ng mga Marzon dati at hindi ako papayag na mauulit pa iyong muli. Matagal din bago ko nabawi ang lahat na dapat kay mama.
But I managed to retrieve it all. At kahit may ilang properties akong kinailangang bilhin pang muli, walang kaso na iyon. Sakim mang pakinggan, gusto kong mabawi lahat na dapat sa mga magulang ko... at sa sarili ko.
I don't need to go through all the trouble yet I did. Perhaps it was retribution on my end to appease my mind of what I've done. Maybe I was this selfish like my parents.
Maybe.
"Yes, sir. Everything else has been destroyed like you have ordered. The only copy in the world is in your hands," magalang niyang sagot bago kinolekta ang mga papel at nilagay sabrown envelope. "Do you need anything else, boss?"
Sumandal ako sa aking upuang gawa sa leather at malalim na nag-isip.
"Let's see," usal ko at muling pinagmasdan ang silid. "What's next?"
Kinuha ni Phillip ang kanyang phone mula sa likod ng kanyang pantalon at sinilip ang mga sinulat niya roon. I made the correct choice in selecting him despite the other names of the Lions popping here and there. He was really organized.
Pakiramdam ko'y wala na naman akong kailangang gawin. Mukhang makauuwi na ako matapos ang halos isang taon kay—
"We need to establish your name as the new Lion, sir," usal niya.
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Sinusuri kung nagbibiro ba siya ngunit hindi nagbago ang kanyang ekpresyon.
"Is that even necessary?"
BINABASA MO ANG
Eiffel's Tower (The Queen's Revenge Prequel)
Short StoryMysterious and dangerous, Eiffel only wants to gain freedom in his life. But when he meets Alice in Paris, his world turns upside down. With the undeniable attraction between them, can Eiffel mend his wounded heart and be honest with his real feelin...