***
"ALICE VALE BRIXTON," I mumbled as I scanned her profile. She's the adopted daughter of Salvador Brixton, a name at the bottom of my targeted list.
I dragged her photo on to my software to see if there's a match. May kamukha talaga 'tong si Alice ngunit nabablangko ako kung sino. Napasandal ako habang hinihintay ang resulta. Sana may malaman pa ako habang nagpapahinga siya sa taas.
Laking pasasalamat ko nang tumunog ang computer. Umayos ako nang upo at sinuri ang resulta. Nabigla ako nang makita ang larawan ng isang kilalang pamilya—ang mga Fuentes.
Napasandal ako sa aking upuan habang nakatitig sa mga larawan. Halatang-halata ang pagkahahawig nila sa isa't isa, lalo na sa nanay nila. Maybe I should contact my old friend, Ysiquel, about this. Should I?
Pinili kong magpadala ng email kay Ysiquel. Umaasa akong matatanggap niya iyon at mababasa sa lalong madaling panahon. Sa lahat ng grupo sa mundo, isa ang Skull Rose na nasa pangangalaga ng mg Fuentes sa hindi namin magagalaw dahil sa impluwensya at awtoridad nila.
Muli akong napabuntong-hinga ako at saka tumayo. Mabuti pa ay mag-ensayo na lang muna ako. I need to get rid of all the uneasiness in my mind.
Nagbihis muna ako sa work-out attire ko at saka nagpunta sa gym sa baba ng bahay ko. I started doing squats and boxing. Agad akong pinagpawisan sa sobrang tagal kong nag-eensayo. Hinubad ko ang suot kong sando at nilapag sa bakanteng upuan.
I did push-ups next. I noticed a pair of eyes watching my every move, but chose not to say a word. Hindi na ako nagtataka kung sino iyon dahil kami lamang ni Alice ang nandito sa bahay.
"Care if I join?"
After an unconventional time of warming up by myself, I turned to her and she was indeed looking at me. Nakasuot din siya ng damit na pang-ehersisyo.
"You sure? Baka mapa'no 'yan," sambit ko sabay turo sa braso niyang nakabalot pa rin ng benda.
"Oo naman," kampante niyang sagot.
Inabot ni Alice ang dalawang patpat sa tabi na ginagamit ko minsan sa pag-eensayo. Hinagis niya ang isa sa akin at agad ko namang itong nasalo. Tinali ni Alice ang kanyang mahabang buhok kaya't nasilayan ko kung gaano ka-fit ang katawan siya. She's definitely a woman who works outs a lot.
I saw how her eyes moved stealthily from my abs and immediately turned away. Napangisi ako nang mapansin ang pamumula ng pisngi niya. Aasarin ko pa sana siya ngunit mukhang ako pa ang nahuli niya.
"You ready, sweatheart?" mapaglaro niyang turan.
"Always, sweetheart," pabiro kong sagot.
Our exchange commenced and it seemed like we were dancing with every attempt to hit each other. Mukhang pinaglalaruan din kami ng pagkakataon nang magsimulang tumugtog ang Versace on the Floor ni Bruno Mars. Inasar pa ako ni Alice na ganitong mga musika ang aking pinakikinggan ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
Nag-iingat pa rin ako na hindi ko siya matamaan nang direkta dahil bukod sa sugat niya ay isa siyang babae. I would never raise a hand towards a woman but Alice was proving it difficult for me.
Bawat atake niya ay ubod nang seryoso at walang pagdadalawang-isip na atakihin ako. Batid ko iyon sa kanyang mga mata. I've seen the same pair of eyes before filled with conviction and no reservation.
Ah, they were the same with my eyes—eyes that knew survival and winning.
Nakikita ko ang aking sarili sa kanya. Kahit na pag-eensayo iyon, ay kailangang manalo. Walang puwang sa pagkatalo... kahit sa ensayo pa ito.
Pansin ko kung gaano kapulido ang bawat hakbang niya. Parang sumasayaw si Alice habang pilit akong sinisibat at kinakalkula ang sunod kong gagawin. Mabilis ko namang naihaharang ang patpat at nakaiilag sa kanya.
With her advances and the sensual beat of the music, I could tell that Alice is a professional in this game. Her precise movements tell me that she had gone through heavy training like myself. Hindi siya natatakot na gamitin ang buong katawan niya sa depensa at opensa.
Like any fights, I wasn't going to lose. At nasisigurado kong pareho kami ng naiisip—kailangang tapusin na ang laban. At nang akala niya ay mananalo na siya laban sa akin, hinawakan ko siya at kapwa kami natumba sa sahig.
The next thing I knew, I was towering over her without bodies close to each other. Dahil sa sobrang lapit namin, nararamdaman ko ang dagundong ng puso niya at maging ang akin.
It felt... weird. Weird in a good sense. Though my eyes just wanted to stare at her undeniable beauty for a longer time.
Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman ang ganito sa ibang tao. Mali. Parang ngayon pa lang ako makararamdam ng ganito sa iba.
Kapwa naghahabol kami ng paghinga habang tumutulo pa rin ang aming mga pawis sa sahig. I could feel how her chest rose up and back down up close since I didn't have my top on.
I won against her and I wanted to feel her lips against mine again. Soon enough, the distance between us disappeared and our lips were tangled with each other. And what made my chest go crazier was when she started responding to my kisses with her beautiful eyes closed. Ramdam ko rin ang paglalakbay ng kamay niya sa palibot ng aking leeg senyales na gusto niya rin ang nangyayari sa amin.
Hinapit ko ang katawan niya sa akin at hindi tinigilan ang paglasap sa kanyang nakakaadik na labi. Gaya noong unang halik namin, napakalambot at tamis pa rin ng labi niya. Nakababaliw.
Ilang sandali ang nakalipas bago ko napagdesisyunang paghiwalayin ang aming mga labi. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at kapwa naghahabol pa rin kami sa paghinga. I saw how she averted her eyes away and swallowed several times.
"I won," pag-uulit ko at lalong namula ang mala-porselana niyang mukha. Muli kong naalala ang kanyang larawan at buong pangalan—Alice Vale Brixton—isang tauhan ng mga Brixton na magiging target ko sa hinaharap.
Marahil ito ang pagkakataon upang mailayo ko siya sa kapahamakan na kayang gawin ng kampo ko lalo't walang sinasanto ang The Lions. Susugod na lang kami nang walang babala at tatapusin ang target namin. At ayaw kong mangyari iyon na si Alice ang manganganib ang sitwasyon dahil sa 'kin. It's not something I would want to risk even if I barely know her.
Pakiramdam ko ay may koneksyon siya sa pamilya ni Ysiquel at iyon ang dapat kong alamin sa lalong madaling panahon. I just hope that douche will respond to my message soon.
Marahan niya akong tinulak paalis sa ibabaw niya at nagpatianod na lamang ako. Hindi pa rin niya ako tinitingnan sa mata. Bigla siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid nang walang babala. Iniwan niya akong nakaupo sa gitna ng silid at may bagong musikang tumutugtog.
Napangisi ako sabay kagat sa aking ibabang labi. Alice got me wrapped on her palms and so do I. And I would be lying if I say that I don't want it to happen again but I sure do.
Maybe helping her hide here in my place would be a great feat. Maybe I did make the right choice.
***
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 30 06 2021
BINABASA MO ANG
Eiffel's Tower (The Queen's Revenge Prequel)
ContoMysterious and dangerous, Eiffel only wants to gain freedom in his life. But when he meets Alice in Paris, his world turns upside down. With the undeniable attraction between them, can Eiffel mend his wounded heart and be honest with his real feelin...