Chapter 7: The Flaw

217 22 4
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"I TOLD you that I hate weaklings! Tu es un faible!" sigaw ni papa sabay hagis ng mga papel mula sa kanyang mesa. Nanatili akong nakatindig sa kanyang harapan at pinanood ang pagliliparan ang mga papel at nagkalat sa sahig.

"This will be the last mission, papa," kalmado kong usal. "I don't care if you disown me after this. I will look for her."

Tinanggal ko ang emblem na ilang taon kong hinawakan bilang pinuno ng The Lions.

Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Tinalikuran ko na siya at aamg bubuksan na ang pinto nang magsalita siya, "Tu vas le regretter!"

Lumingon akong muli kay papa at mapait na ngumiti. "No, I won't, papa. Never."

Lumabas na ako ng silid at nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo. Dinig ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga gamit sa opisina ni papa. May ilang tauhan niya ang nagmamadaling pumasok doon habang palayo ako nang palayo.

The plan to infiltrate the Brixton's will happen in the next twenty-four hours and I need to be there. Pakiramdam ko ay manganganib si Alice at kailangan ko iyong pigilan. I don't want my woman getting hurt, not even a scratch.

Nagmamadali akong umalis ng Pransya gamit ng isang private plane patungo sa Pilipinas. Kasama ko ang ilang miyembro ng The Lions upang tapusin na ang misyon ko. Pagkatapos nito, si papa na muli ang kanilang boss, hindi na ako... at ayos lang sa akin 'yon. I've lived in the shadows for far too long. Oras na para lumabas at lumipad palayo.

Paglapag sa Pilipinas ay dali-dali kaming nagtungo sa lungga ng mga kaaway. Kahit na jet lag pa kami sa mahabang biyahe, simula na ng laban.

Bukod sa kampo ko, naroroon din ang Skull Rose na pinanghahawakan ni Ysiquel. May plano na kami at gagawin ang lahat upang manalo at mailigtas si Alice.

The moment we entered the Brixton's manor, an all out fest commenced. Marang palitan ng putukan ng mga baril at maging ang marka ng kamao sa mga pisngi.

Halos bente minutos na rin ang nakalilipas magmula noong nagsimula kami ngunit wala pa ring senyales o balitq kung nasaan si Alice o si Salvador.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng manor ng mga Brixton. Nag-aalala ako kay Alice dahil wala pa rin akong report mula sa mga tauhan ko kung ayos lang siya.

At pagsapit ko sa isang silid, narinig ko ang pamilyar na boses ni Salvador mula sa loob. At nang makita kong tinutukan na ng baril ni Salvador sa mukha si Alice, nagdilim ang paningin ko. I fired at his back.

"You, mongrel!" sigaw ni Salvador, animo'y alam niyang mababaril ko siya ngayon.

Napabuga si Salvador ng dugo at puminta ito sa sahig. Bumalik ang tingin ni Salvador kay Alice at akmang hihigitin ang gatilyo at hindi ako nagdalawang-isip na barilin ang kamay ni Salvador. Tuluyan niyang nabitiwan ang baril at nahulog sa sahig. Napaluhod na ang duguang matanda.

Eiffel's Tower (The Queen's Revenge Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon