***
NAPAMULAT ako nang may nagmamadaling bumangon mula sa aking ibabaw ngunit nanatili akong pikit. Nasisigurado ko namang si Alice iyon dahil marahan ko siyang binuhat upang pumaibabaw sa akin. Mukhang nasorpresa ko nga siya sa bigla kong pagsulpot.
Sa halip na magsalita o gisingin ako, maramdaman kong inayos niya ang pagkakadapa sa ibabaw ko. Her warm hands were still on my chest and it was making it hard for me to pretend to still be asleep. Gusto ko na siyang makita pero gusto kong malaman kung anong sunod niyang gagawin.
Ang tanging hiling ko lang ay makisama ang pintig ng puso ko at paghinga. Baka mabuking ako nang wala sa oras dahil sa aking kasabikan na makita na ang aking kasintahan.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kanyang daliri sa aking noo at lumandas patungo sa tungki ng aking ilong. Bumaba pa ito sa aking labi na siyang lalong nagpakaba sa akin. Lumalakas ang kalabog ng aking dibdib.
My whole body has woken up. Everything.
"Asshole," pabirong bulong ni Alice at pinipigilan kong mapangiti. Hindi ko iyon inaasahan. I was hoping that she would say 'I love you' instead of a curse.
"Huwag ka na nga magpanggap na tulog. Sasapakin kita r'yan, e!" asik niya.
"Miss mo 'ko, 'no?" mapaglarong tanong ko habang nananatiling pikit. I could really feel the warmness of her body against mine.
Ramdam ko ang marahang pag-angat ng kanyang katawan at hindi nito napigilang kumiskis sa aking dibdib. Pinagdikit niya ang aming mga noo.
Kung kanina ay nakadapa siya sa akin, ngayon ay nakaupo na siya sa tiyan ko at napagigitnaan ng kanyang mga hita. Marahan kong hinaplos ang kanyang balingkinitang katawan at patungo sa kanyang pang-upo. I heard a gasp from her.
"Hindi kaya ikaw ang naka-miss sa 'kin?" mapang-asar na bulong ni Alice.
Nagmulat ako ng mga mata at tinagpo ang mga mata ni Alice. Kahit na bagong gising pa lamang, napakaganda talaga niya. Lubhang kaakit-akit.
"You're so beautiful," bulong ko bago isinabit sa tainga ni Alice ang ilang hibla ng buhok na humahara sa kanyang magandang mukha. "You have no idea how much I missed you, sweetheart." Napansin ko kung paano siya mapakagat sa ibabang labi.
"You're right. I have no idea," mapaglarong turan ni Alice. Akmang tatayo na siya nang hapitin ko siya sa kanyang pang-upo.
"Saan ka pupunta?"
"Titingnan ko kung gising na ang anak ko," mataray niyang saad habang nilalaro ang ilang hibla ng buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.
It felt weird that she called our child hers. Maybe it was intentional? Maybe she's testing me?
"Anak natin, sweetheart," pagtatama ko. "We both made our baby."
Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Mukhang tama nga ang naiisip ko. Sinisigurado niya kung ano ang nasa isip ko patungkol sa anak namin. Kahit na anong mangyari, anak namin ni Alice si Liam.
BINABASA MO ANG
Eiffel's Tower (The Queen's Revenge Prequel)
Short StoryMysterious and dangerous, Eiffel only wants to gain freedom in his life. But when he meets Alice in Paris, his world turns upside down. With the undeniable attraction between them, can Eiffel mend his wounded heart and be honest with his real feelin...