Kwarentaydos

1.7K 64 3
                                        

Cy PoV

Simula ng bumalik si deanna dito sa europe hindi ko na nasilayan ang mga ngiti niya naging focus siya sa trabaho at gabi gabi rin siyang umiinom.

Bunso pede kaba makausap ni ate.

Oh ate tara upo ka. - deanna

Deans masaya kaba.

Ha ate oo naman bakit. - deanna

Deans kapatid mo ako at hindi ka marunong magsinungaling. Alam kung may problema ka.

Ate 😭😭😭. - deanna

Sigue bunso ilabas mo yan. ( sabay turo ko sa puso niya ). Nandito si ate handang makinig sayo.

Ate bakit ganon sinubukan ko namang kalimutan si jema pero nandito parin siya. Siya parin ang laman ng puso ko. - deanna

Deans siguro ito na yung time para palayain mo ang sarili mo sa nakaraan. Galit ako kay jema dahil sa ginawa niya sayo kaso kung nakikita ka naman ni ate na hindi masaya sino baka ako para hindi ko ibigay sayo ang kaligayahan na hinahanap ng puso mo.

Ate natatakot ako. 😭😭😭 - deanna

Bunso lahat tayo natatakot sumugal sa pagibig pero kung ang kapalit namin nito eh ang kasiyahan natin bakit hindi natin pagbigyan ang ating mga sarili. Deans darating at darating talaga sa point na masasaktan tayo kasama na yan pag nag mahal tayo.

Ate sa tingin mo ito na yung pagkakataon para patawarin ko na si jema. 😭😭😭 - deanna

Bunso ikaw ang makakasagot niyan. Handa ka naba na patawarin siya.

Ate. ( sabay yakap nito saakin ). 😭😭😭

Jess PoV

Nasasaktan ako bilang ama sa nakikita ko sa aking anak. Halos hindi na siya kumakain at laging nakatingin sa litrato nila ni deanna.

Anak pede kaba makausap ni daddy.

Dad. 😭😭😭 - jema

Anak malungkot si daddy kasi hindi ko kinakaya na ganyan ka.

Dad sorry po. 😭😭😭 - jema

Anak siguro hindi pa ngayon ang tamang oras para sanyo ni deanna. Malay mo pag dumating ang tamang panahon kayo pala para sa isat' isa.

Dad hindi ko kaya na makita si deanna na may mahal ng iba. 😭😭😭 - jema

Anak hindi natin macocontrol lahat ng mangyayari sa buhay natin. May mga tao o bagay na hindi natin pwedeng ipilit. Hayaan muna natin humilom ang sakit na nararamdaman ni deanna. Unahin mo muna ayusin ang sarili mo anak tignan mo oh pumapangit kana pano ka babalikan ni deanna niyan.

Dad naman eh.😭😭😭 - jema

Sigue na anak magayos kana. Mahal ka ni daddy.

Mahal din po kita dad. Salamat po. - jema

3Months Later....

Jema PoV

Naging focus ako sa trabaho ko. May mga nanliligaw sakin pero hindi ko pinapansin wala akong panahon para sakanila dahil si deanna parin ang hinahanap ng puso ko.

Maam jema may nagpapabigay po. - secretary

Sino na naman ang nagbigay nito. Diba sabi ko sanyo huwag kayo tatanggap ng kahit ano. Tsk ang kulit nyo.

Maam hindi ko po alam eh. Pasensya na po. - secretary

Itapon muna yan.

Eh maam sayang naman ang ganda pa naman ng bulaklak. - secretary

Bad girl to Good girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon