Jema PoV
Hindi ko inakala na mangyayari ang lahat ng ito nagpapasalamat ako kay deanna dahil pinatawad niya ako sa pagkakamali ko.
Dad.
Wow anak ang ganda mo naman. - jess
Ahahah dad salamat.
Nandito kami ngayon sa Bridal botique nagsusukat kasi ako ng isusuot ko sa kasal namin ni deanna.
Nak dapat pagtapos ng kasal bigyan nyo na kaagad ako ng apo. Baka mamaya niyan hindi ko na maabutan magiging apo ko sanyo. - jess
Dad naman ikakasal pa nga lang kami eh.
Namiss ko magalaga ng baby. Tignan mo ikaw dati inaalagaan lang kita ngayon ikakasal kana. - jess
Baby mo parin naman ako dad.
Basta anak ha pag may problema kayo ni deanna pagusapan agad at nandito lang ako para sanyo. - jess
Oh dad huwag kana po umiyak. Nawawala kapogian mo. Opo dad aayusin namin kaagad ni deanna ano mang problema ang dumating samin.
Mabuti kung ganon o siya anu yan naba ang kukunin mo. - jess
Opo dad.
Deanna PoV
Anu dude uuwi naba tayo. - bea
Bwicit kasi nagkaproblema pa sa materyales.
Kaya nga eh. May dinner pa naman kami ng pamilya ni celine ngayon. - toys
Ganito na lang tawagan na natin sila jema. Hindi naman natin pede na iiwan itong problema dito baka anu pa masabi ni Mr.cobb.
Hi deans/tots/bea
Hi mich. - bea
Hi. - tots
Hi mich anu ginagawa mo dito.
Ah pinapunta ako ni dad dito kasi nagkaproblema daw sa nabiling materyales. - mich
Oo nga eh.. - bea
Oh pano nakausap nyo naba ang engineer tungkol dito. - mich
Yun na nga eh bigla na lang hindi nagpakita yung engineer magkano din ang nakuha niya na pera. Kaya tignan mo ang papangit ng materyales na binili.
Anu gagawin natin ngayon. - mich
Nagpapahired na ako ng bagong engineer tapos itong mga materyales pinabebenta ko para kahit papano eh mabawi natin yung pera.
Anu dude uwi na tayo. Kahit naman magstay tayo dito wala ng mangyayari. - tots
Teka hindi naman pede yun. Kailangan pa natin icheck yung iba baka mamaya may anumalya pang ginagawa ang dating engineer dito. - mich
Ah mich baka pede ipabukas na lang yan. - bea
Wait tandaan niyo may contrata tayo dito. Kung puro ipapabukas natin ang trabaho hindi natin matatarget ang deadline sa opening ng resort natin. - mich
Sigue mich. Pero magahanap mo na tayo ng matutuluyan.
Sigue.
Dude tara nga dito. - tots
Hindi ako pede na hindi umuwi deans. Magagalit sakin si celine. - tots
Sigue ganito na lang kami na lang ni bea ang magstay dito mauna kana.
Ui deans sasama ako kay tots. - bea
Aber bakit naman. Tandaan niyo tayo tayo magkakasama dito sa negosyong ito tapos iiwan nyo ako kaya ikaw bea maiwan ka.