Deanna PoV
Nung mga oras na makita ko na may kahalikan si jema hindi ko alam ang gagawin ko halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at nakatulala lang ako.
Bumalik ako sa aking sarili ng may kumatok sa pintuan ko at si jema iyon.
Pinagbuksan ko naman ito ng pinto.
Bi magpapaliwanag ako. - jema
Hindi ko matitigan si jema.
Sasama kaba sa akin pauwi.
Bi oo sorry. - jema
Hindi ko na siya sinagot naging tahimik ang naging byahe namin.
Nandito na kami sa bahay nauna na akong bumaba. Papasok na kami ng bahay ng hilahin ni jema ang kamay ko.
Bi please magpapaliwanag ako. ( habang umiiyak ). - jema
Bukas na lang jema magpahinga na tayo. Pagod na rin ako. ( sabay bukas ng pinto ng bahay ).
Oh deans tara inom tayo. - tots
Besh nandyan kana tara celebrate natin pagkapanalo ng mga baby natin tsaka pagiging mvp nyang bi mo. - celine
Ah sigue wait lang bihis lang ako.
Yun tara bilisan mo para makarami. - bea
Sabay kami umakyat ni jema patungo sa kwarto. Niyakap ako nito patalikod habang umiiyak.
Bi hindi ko sinasadya 😭😭😭 mahal na mahal kita. please kausapin mo naman ako. - jema
Humarap ako sakanya at pinunasan ang mga luha nito.
Sigue na magshower kana hinihintay nila tayo sa baba.
Bi sorry mahal na mahal kita. ( sabay halik nito saking labi ).
Habang nasa banyo si jema hindi ko na pigilan na lumuha. Lahat naman ng sabihin niya at gusto niya ginagawa ko. Pero bakit ganon mahal ba talaga niya ako.?
Yan yung mga pumapasok sa isip ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng cr kaya pinunasan ko kaagad ang aking mga luha na tumutulo sa aking mga mata.
Oh dude tara upo na kayo. - tots
Mukhang nakakarami na kayo ah.
hindi naman dude sadyang matagal lang kayo bumalik ni jema. - bea
Sayang jema hindi mo nakita yang bi mo ang galing nya talaga. - jho
Ui love magaling din naman ako. - bea
Oo na sigue na baka magtampo kapa dyan. - jho
Oh jema mukhang umiyak ka ah. - tots
Ah a-no kasi. - jema
Ah tears of joy lang yan syempre mvp bi niya diba.
Ah oo proud na proud ako sayo. - jema
Ayy wow ha hindi ka nga nanuod. - celine
At nag kwentuhan lang kami na nagkwentuhan.
Jema PoV
Nababahala ako sa kinikilos ni deanna. Hindi ko naman sinasadya na masaktan siya. Kaya ito ako ngayon sising sisi sa nagawa ko.
Ui besh parang kanina kapa tulala dyan. ( pabulong na sabi nito sakin ). - celine
Ah besh pede ko ba kayo makausap ni jho.
Oo naman. - celine
Nagpaalam muna kami sa tatlo na kukuha ng pulutan sa kusina. Hindi ko kasi kayang magsabi sakanila na nandun sila deanna at baka umiyak din ako.
Besh may problema ba. - jho
Nakita kami ni deanna kanina na naghahalikan ni jv 😭😭😭.
Anu jema anong ginagawa mo. - celine
Mas inuna mo pa yan kaysa sa manuod ka ng game ng gf mo. - jho
Oo alam ko. Anong gagawin ko tulungan niyo ako.
Hayss jema tsk tsk tsk. - celine
Huwag ka ng umiyak dyan wala naman magagawa yang pagiyak mo dyan. - celine
😭😭😭😭😭😭😭
Niyakap ako ng mga kaibigan ko. Sobra akong natatakot na baka iwan ako ni deanna.
Jho Pov
Nagulat ako sa narinig ko kay jema. Hays itong babaeng ito talaga
Sigue na ayusin mo na yang itsura mo. - celine
Tulungan niyo ako besh ha. Hindi ko kayang mawala si deanna. - jema
Oo na umayos kana jema. Puro selos din kasi pinapairal mo. - celine
Oo napakabait ni deanna para lokohin mo lang siya.
Hindi ko siya niloko. - jema
Eh ano yun. - jho
Oo inaamin ko naman pagkakamali ko at pinagsisihan ko yun. - jema
Ui ang tagal niyo naman dyan. ( pasigaw na sigaw ni bea). - bea
Tots PoV
Brad may problema ba.
Wala namn brad napagod lang ako. - deanna
Sigurado kaba magkaaway kayo noh. - bea
Hindi naman. - deanna
Sus dude hindi ka marunong mag sinungaling. - bea
Tsaka dude hindi kasi kayo clingy ngayon eh ahahaha.
Simpleng tampuhan lang. Maayos din naman. - deanna
Ang tagal naman ng mga yun.
Oo nga eh. - bea
Bumalik na sila celine ng pasigaw na tawagin sila ni bea. Pero napansin ko na namumula ang mata ni jema.
Parang hinding simpleng away lang ang nangyari sa dalawang ito.
Deanna Pov
Oh pano mga dude tama na ito.
Isa na lang deans minsan lang naman. - tots
Hindi na pagod na rin ako.
Sus deans mukhang mapapalaban ka lang eh kaya ayaw muna. - bea
Nabatukan ko naman ng dis oras si bea puro talaga kalokohan.
Ui bea bunga nga mo talaga. - celine
Sorry naman. - bea
Sigue na deans mauna na kayo. Huwag niyo na pansinin ito - jho
Umakyat na kami ni jema. Pumasok muna ako sa banyo para gawin ang night ritual ko.
Paglabas ko sumunod naman si jema.
Nakahiga na ako sa kama at naramdaman ko na lang na yumakap patalikod sakin si jema.
Bi sorry patawarin mo ako. - jema
Humarap ako dito at hinawakan ang kanyang pisngi at pinunasan ang mga luha nito.
Tapos na yun magpahinga na tayo. Pinapatawad na kita.
Oo alam kung mali yung ginawa ni jema pero mahal ko siya kahit masakit yung ginawa niya sakin. Alam ko naman at nararamdaman ko na nagsisi siya sa nagawa niya pero may sakit parin sa puso ko.
Bi mahal na mahal kita at salamat. - jema
Mahal din kita. Sigue na matulog na tayo.
Hinalikan ako ni jema at lumalim ang halikan namin. Pero kusa kong hiniwalay ang aking labi hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari.
Sigue na po bi pahinga na po tayo.
Bi ayaw mo ba. - jema
Hindi sa ayaw pagod lang talaga ako. Good night.
Good night bi mahal na mahal kita.