W h e n i m e t y o u
____________________
"Hi Miss, How can i help you?" tanong sa'kin nung sales lady, habang hirap na hirap ako sa pag yuko dahil sa kakahanap ng mga pang paganda sa mukha. Nakakaloka naman kase, bakit ang mamahal?
"Ah... meron po ba kayo diyan nung Best seller na facemask? Yung tipong kapag nilagay ko po sa mukha ko ngayong gabi, ay mukha na kaagad akong diyosa kinabukasan? hehe" natawa naman si ateng sales lady sa sinabi ko. Juicecolored noh! Kailangan kong gumanda ganda at mag mukhang tao bukas, dahil makikita ko na si Baby Taishi ko!
"Ah, ito Miss, Mediheal N.M.F Aquaring Facemask. Best seller talaga 'to sa'min. For sure na kinabukasan sobrang glow at moistured ng mukha mo." ako naman na medyo walang alam sa mga pang paganda, ay namangha, pero mukhang ito na nga talaga ang sagot sa wala kong pag-asang feslak.
"M-Magkano naman po 'yan?" nag aalangan kong tanong. Nako 'yung mga effective at best seller pa naman din na beauty products ay 'yun yung mga mahal! Nako make sure lang talaga na hindi 'yan mahal, dahil aatras talaga ako!
"150 pesos lang ganda..." Pagpupuri niya pa sa'kin. Wow Huh! Kapag medyo may kamahalan ang price ganda na agad ang tawag sa'kin? Anyways, medyo mahal, pero mas mahal ko si Taishi hehe.
"Sige po ate, pahingi po ng isa." Binigay niya naman sa'kin yung facemask. Tinignan ko muna yung mga nakasulat dun sa facemask. At siyempre, Korean product, wala akong naintindihan dahil puro Korean ang nakasulat. Nakakahilo ba talaga maging maganda? Charot.
Pagkauwi ko sa bahay, ipinahinga ko muna 'yung paa ko dahil napagod siya kakahanap ng mga pang paganda. Haist. May update na ba si Taishi kung totoong uuwi talaga siya sa Pinas? Baka kase mamaya niloloko lang pala ako ni Jeya eh! Inabot ko naman 'yung cellphone ko mula sa bag ko na nasa paahan ko.
"Jeya messaged you"
"Jeya missed a call from you"
Hala? Bakit tumatawag sa'kin si Jeya? Hala bakit? Hindi na ba tutuloy si Taishi na uuwi sa Province nila? Hala ka gaga!
Tinawagan ko agad siya sa messenger, at sakto naman na active siya. "Hello Jeya?!" sigaw ko. Dahil kinakabahan talaga ako.
"Hello Dzai! Confrimed! Uuwi talaga yung pamangkin ni Tita bukas!" excited niyang bungad sa'kin.
"Akala ko naman kung ano na! Tyaka anong 'Pamangkin ng tita ko'? hello, si Taishi Irigawa lang naman 'yun?" inis kong sigaw sa kabilang linya, at tumawa naman siya.
"Anyways, bukas ng umaga pumunta ka sa'min huh! Dapat maaga! Mga 9:30 am! Don't be late! Baka ma-traffic tayo sa NLEX gaga!" pag papaalala niya sa'kin. Pagkatapos no'n, nag usap pa kami ng kaunti about sa school works namin. Dahil si gaga, hindi alam ang gagawin sa mga projects dahil wala siyang ginawa kung hindi ang mag basa. Okay lang naman mag basa, kaso ang binabasa niya puro Yaoi! kakaloka 'to.
"Ay Hello! Ikaw ba si Cheena?" excited na bungad kaagad sa'kin nung isang tita ni Jeya sa labas ng gate nila. Grabe napaka warm na welcome naman nito! Feeling ko tuloy tanggap na ako ng buong angkan ni Taishi hehe.
BINABASA MO ANG
When I Met You (On Going)
Teen FictionChoenaya Francisco, you can just call her Cheena in short. She's a k-pop and J-pop fanatic girl. And also a Die Hard Fan of Taishi Irigawa. She's been a spazzer of Taishi for almost 3 years. Until she met Taishi's Younger Brother, Ryu Irigawa. What...