II

14 13 0
                                    

E x a m   D a y

_____________

"Hala shuta! Hindi na'ko naka-review!" sigaw ko habang tumitingin sa madumi kong surroundings. May kalat kalat na tissue na ginamit ko kagabe sa pag singa dahil dun sa pinapanood ko na drama, tapos mugmog nung chips sa kama ko, tapos yung dalawang bote ng C2 litro. Grabe magnu-nurse ba talaga ako nito? Napaka healthy talaga ng lifestyle ko, walang kadudaduda.


"Cheena! Bumaba kana at akala ko ba ay may Post test kayo?!" Sigaw ni Mama mula sa baba. Buti pa si mama aware na may post test kami, samantalang ako hinde!


Pababa na sana ako ng kwarto ng makita ko yung reflection ko sa salamin. Grabe, hindi ako mukhang tao. Hindi rin ako mukhang mabuting mag aaral, kailangan ko ng maligo!


Pagkalabas ko ng CR, tinapik kaagad ako ni mama ng medyo malakas sa puwetan ko. Tatakbo na sana ako paakyat ng hagdan pero nag react muna ko. "Ouch." tumawa naman ng malakas si mama. Loh happy pill niya 'ko?


"Late reaction? O ikaw ang Late ngayon?" sarkastiko niyang banat. Dali-dali agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nag bihis.


"Woah, fresh na fresh, mukhang hindi puyat." pang iinis sa'kin ni Jeya habang nag lalakad kami sa gilid nung carpark. Tumingin ako sa reflection ko run sa isang window. Mukha akong miserable.


"Puyat sa review? o puyat sa boylet?" panghuhula ni Jeya. Aba aba! Alam niyang may bagong post si Taishi sa Ig ah! Updated ang gaga?


"Puyat sa Kapatid nung boylet." tugon ko. Pinanlakihan niya 'ko ng mata pero nag paalam na'ko kaagad sakaniya dahil mag sisimula na yung major sub ko.


"These dressings consist of a nonadherent contact layer of perforated polyethylene or viscose with an impregnated gauze pad backing..." naiiyak nalang ako sa nababasa ko sa test paper namin. Shuta Number 1 palang ako, samantalang 'yung iba kong kaklase nag ba-backflip na ng test paper.


Kaya ko 'yan! Stock knowledge nalang gagamitin ko! Tamang hula hulahoop muna 'ko ngayon. Lord, patawarin nawa. St. Martin De Porres, bless me!


Sa loob ng 30 minutes, natapos ko naman siyang sagutan. Hindi lang talaga ako sure sa mga sagot ko! Dahil habang binabasa ko yung mga tanong, kusang nangangati yung ulo ko, hindi ko alam kung may kuto ba 'ko today, o sadyang nangangamote lang takaga ako, lol.


"Francisco, Choenaya! hindi pa ako nag che-check ng test papers niyo, pero unang kita ko palang sa papel mo, nangangamoy 75 na!" lahat ata ng brain cells, tissues, at organs sa katawan ko tumigil sa pag function. Dzai! Kabado akizkiz mula talampakiz hanggang anit. Di q pa keri majulie vega ni Miss na hindi ako nag review kagabe.


"Halika dito Ms. Francisco at mag-uusap tayo. Class dismiss!" napapayuko nalang talaga ako habang naglalakad papunta sa table ni Miss sa sobrang kakahiyan. Grabe, hindi ko na 'to uulitin. Para 'kong pinagsakluban ng langit at lupa today!


"What happened to you Ms. Francisco? You're one of my great and top Students among the class. Dean's Lister ka. And what happened to you today?" hindi ko naman pwede aminin kay Miss na kaya ako bumagsak ngayon ay dahil hindi ko naalala na may Post test, at nanood lang ako ng drama nung weekend, at hindi ako tuluyang nakapag review dahil may inii-stalk akong lalaki diba?


"A-ahh, Miss sorry po talaga, hindi po ako nakapag review dahil pinahinga ko po muna yung sarili ko dahil sobrang dami po naming group works and school works last week po, sorry po talaga Miss." pagdadahilan ko. Well totoo naman kasi 'no. Andami ko kayang research na ginawa last week. Mukha na nga akong Predictors of family. Charot.


"Okay. Bibigyan kita ng Second Chance tomorrow. And be sure na maipapasa mo na 'yun okay? Dismiss." nakahinga at nakadaloy na ulit ang hangin sa lungs ko. Juicecolored. Hindi ako pwedeng ma cake sa Dean's List, baka mawala scholarship ko. 


"Thank you po talaga Miss." pag papaalam ko. Pagkatapos no'n. Tumakbo ako papunta sa next class namin. Nakipag marathon pa 'ko sa ibang students sa corridor, eh pag dating ko wala pa naman pala si Sir. 


"Huy, Jeya, may idea ka ba sa kapatid ni Taishi?" pangungulit ko sakaniya habang nag lalakad kami papuntang botanical garden. Pero si gaga, walang pakielam, titig na titig sa cellphone. Mukhang nag babasa na naman ng yaoi. Muntik pa nga siyang makabunggo ng Teacher kanina.


"Wala nga, kulet nito, butete ka ba? Kung kay taishi nga wala akong idea na pamangkin pala siya ng tita ko, yung kapatid niya pa kaya?" inismiran ko siya. Kakainis 'to. Lapakels sa mundong ibabaw. Nacu-curious tuloy ako lalo.


"Eh 'yung tita mo kaya may idea about kay Ryu?" pangungulit ko ulit. Hindi na napigilan ni gaga at pinatay niya na yung cellphone niya dahil hindi siya makapag-focus sa kakakulit ko, lol.


"Eh ikaw? May idea kaba kung kailan kita sasapakin?" rebat niya. Pinanlakihan ko siya ng mata, at sabay kuha sa cellphone niya.


"Hindi mo ibibigay 'yan, o hindi kita isasama sa probinsya kapag dumating si Taishi?" pananakot niya. Kainis naman, olats agad ako sa rebat niya. Alam niyang weakness ko si Taishi eh! Duga ah!


"Ito naman! Hindi mabiro hehe." paglalambing ko. Pag'tapos naming mag asaran kumain muna kami sa Carpark. Nung mag aala sais na, hinatid niya 'ko sa sakayan sa Espanya. Iba kasi yung way niya pauwi, kaya mas nauuna akong umuwi kesa sakanya.


Paguwi ko sa bahay. Tom jones na tom jones parin ang sikmura ko, kaya kumain ako ulit. Buti nalang may nakahain na na foods sa lamesa. Pagkatapos no'n nag palit muna 'ko ng pang bahay tyaka namahinga ng payapa sa kwarto.


"Nag chat na kaya siya?" kinuha ko yung phone ko at binuksan yung DM ko. Shet! Nag reply siya sa chat ko kaninang madaling araw! Omg, this is it pancit!


"Ryu_Irgw: Hello."


Shuta naman siya, sa dami nung tadtad ko na hi hello sakanya, Isang 'Hello' lang ang reply? Wala pang emoji? Nako, ekis agad, ekis!


"taishi.s_waifu: I saw your quotes. It's Great. Superb!" pang uuto ko. Sauce, 'di ko nga mabasa 'yung quotes niya kase japanese eh, lol.


"Ryu_Irgw: Thanks."


Juicecolored, mahaba pa ata yung baby hair ko kesa sa reply niya! Totoong kapatid ba 'to ni Taishi myloves? Nako nag sasayang lang ata ako ng oras dito.


"taishi.s_waifu: r u a brother of Taishi Irigawa?" straight to the point na agad. 'Wag na mag pabebe. Mag rereview pa'ko 'no.


"Ryu_Irgw: No. Btw, who is Taishi Irigawa?"




-Moonxx__

When I Met You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon