C r a m m i n g
_____________
Yippie! Rest day weekend! Sunday na naman! Asa'n na ba yung honey butter chips ko?! Kakabili ko lang nun kagabi, imposibleng mawala agad 'yon! Tinaas taas ko yung kumot kong nakakalat lang sa buong kama ko, hanggang sa natagpuan ko yung chips ko na natatakpan lang pala nung bag ko.
"Sarap manood ng drama kapag ganito" napapailing na sambit ko habang binubuksan ko yung laptop ko. Mahigit pitong oras din na ganun lang ang ginagawa ko buong mag araw. Napaka healthy ng life style.
"W-wo ai ni!" shet! umamin na siya! Bakit ngayon lang kung kailan mamamatay na yung lalake?! kakainis, mugtong mugto na naman mata ko nito!
*Notification Rings*
Natigilan ako sa ginagawa ko nang biglang tumunog 'yung phone ko. Nung una hindi ko pa mahanap kung asa'n siyang destinasyon. Gano'n na ba kakalat yung kwarto ko at parang lahat ng gamit ko hindi ko na makita?
"Good pm class, i mentioned last friday that you'll have a post test tomorrow. Please be on time on my class. Thank you." umatras ata bigla 'yung kaluluwa ko sa nakita kong message ng prof namin. What the shet talaga! Hindi pa naman din ako nag review kahapon tyaka ngayon! Nawala sa isip ko bwiset!
Ano nga ba ulit yung topic namin last week? Shet, Major sub 'to, bawal ako bumagsak dito! Puro scenes sa chinese drama tyaka kanta lang ni Taishi naalala ko! Patay!
Napapakamot na ko sa ulo ko, bwiset, nangangamote na 'ko ngayon dahil 10 pm na ng gabi girl. Tapos ngayon palang ako mag rereview. Nakakaloka ng malala.
"Hello Jeya! Anong topic last week?" nag sisimula na'kong pag pawisan. Daig pa ng chiller namin yung lamig ng kamay ko ngayon shuta. Sana alam din ni Jeya yung topic.
"Nakalimutan ko na eh?-- ay hindi, naalala ko tungkol 'yun sa first aid dressing. Pero yung iba, nakalimutan ko na, lol, yaoi is life." gaga talaga 'to! Walang pakielam sa post test! First time in my life na nag cram ako ng ganito! Kakaloka, hindi ko kakayanin kung babagsak ako bukas!
Sinimulan ko ng buksan yung libro tyaka notes ko na parang hindi naman makakatulong sa post test ko bukas, dahil wala siyang kalaman laman! Umabot sa mahigit 2 hours yung pag babasa ko pero haggang ngayon walang pumapasok sa utak ko.
"What are the type of dressings?..." Potcha inisip ko pa yung tanong sa libro ko kung ano 'yon, dahil nakalimutan ko na naman. 5 times ko ng inulit ulit yung 4 types of dressings sa libro, nakakaboang.
"Yung una, Adhesive Bandages... tapos yung pangalawa, gauze, tapos non-stick--" tapos shuta, hindi ko na maalala yung susunod dahil tunog ng tunog yung notification ng cellphone ko. Itu-turn off ko na sana para hindi ako ma-distract pero may nag pop up na notification.
"Taishi_Irigawa posted a new photo"
Kaysa i-turn off ko yung notification nung cellphone ko, aba nakikita ko nalang yung sarili kong kinikilig habang nag iiscreenshot ng picture ni Taishi sa Instagram. Aba magaling talaga, nawala na sa isip yung nirereview ko.
"With my brother Ryu."
"Ryu?" bigkas ko habang binabasa 'yung caption nung post ni Taishi. May bata pa palang kapatid si Taishi? Ngayon niya lang ba sinabi or talagang hindi ko lang alam? Chineck ko yung twitter account ko, at nakita kong trending agad si Taishi tungkol dun sa caption niya.
"ris_i: Y'all, who can tell?! What's the ig account of Taishi's lil bro?"
"hiro_o: Even we didn't saw Taishi's lil bro because of the sticker on his delicate face, i surely knew he's handsome. Y'all Irigawas are lit."
Ako naman na gaga, ay naintriga sa nakikita. Kung hanapin ko kaya yung kapatid niya? Tapos kakaibiganin ko ganoon para lalo ako mapalapit kay Taishi? Tapos hindi na'ko naka-review ano?
Hinanap ko mula Facebook, Twitter, Hanggang Instagram pero wala parin, kahit sa Weibo walang Ryu Irigawa! Hanggang sa may nakita akong ang Username ay 'Ryu_irgw'. Hindi naman ako sure na siya 'yun, pero wala namang masama kung i-chachat diba?
Inistalk ko yung account, marami siyang followers pero siguro mga nasa 100 plus lang. Legit naman ba kaya 'to? Wala rin naman siyang post about sa mukha niya, meron siyang post pero Quotes lang tapos nakasulat pa in Japanese. Kakaloka.
*Alarm Rings*
"6:30 Am"
-Moonxx__
BINABASA MO ANG
When I Met You (On Going)
Teen FictionChoenaya Francisco, you can just call her Cheena in short. She's a k-pop and J-pop fanatic girl. And also a Die Hard Fan of Taishi Irigawa. She's been a spazzer of Taishi for almost 3 years. Until she met Taishi's Younger Brother, Ryu Irigawa. What...