III

16 13 0
                                    

S t a l k   h i m

_____________

Isang malaking S-H-U-T-A nalang talaga sa nasayang kong oras kagabe. Nag puyat ako para sa wala, tapos bumagsak pa'ko kanina para dito sa taong 'to na hindi kilala si Taishi?! 


"taishi.s_waifu: Oh, firstly, i'm sorry for the misunderstanding, Secondly, please change your Username, because taishi's brother is trending now. A lot of fans might misunderstand you as well. Lastly, please be always active on social media so you could know more about Taishi irigawa okay? Thanks." sabay block na agad sakaniya. Uminit ulo ko sakaniya, letse siya.


"Pa'no ko ba siya makikita?!" sigaw ko habang sinasabunot ko 'yung buhok ko. 


*Notification Rings*


Inis kong kinuha yung cellphone ko na muntik ko ng mabato kanina dahil sa nang-scam sa'kin. Char lang, hindi niya naman siguro sadya 'yun, ni hindi niya nga kilala si Taishi eh, yung kapatid niya pa kaya? 


Chineck ko 'yung twitter ko, at hindi na'ko magugulat na Top 1 Trending world wide si Ryu. Hanggang sa may nakita akong tweet ng isang spazzer.


"taishi_cutie: Y'all, i saw Ryu's account! just take time to scroll on Taishi's following on Ig, Lol #TipsOfBeingAStalker"


Oo nga 'no? Ba't 'di ko naisip 'yun kanina? Siguro dahil lang nairita ako dito sa wannabe na 'to. Anyways, let's test our stalking skills!


Lumipas ang tatlong oras kaka-stalk, hindi kaka-review, ay may nahanap akong parang undefine na profile. Basta parang blank na white lang yung dp niya sa account niya tapos nakasulat pa in Japanese yung bio niya. Buti nalang talaga may Google translation na barok.


"what_ryu_looking_at" bigkas ko sa username niya. Wow, feeling ko talaga, malakas feeling ko as in, siya na siguro 'to! Pero, nung ini-stalk ko yung profile niya, wala naman siyang posts, or tags sakaniya nung mga kaibigan niya. OMG! Gano'n ba siya ka delicate para hindi makita ng media? Or sadyang introvert lang siya?


Well, hindi naman yun ang mahalaga, ang mahalaga nakita ko na ang account niya at hindi na ako nakapag review dahil sa mga kagagahan ko.


"taishi.s_waifu: Konbanwa! Ryu-kun ^_^"  dapat pa-cute lang sa unang chat


"taishi.s_waifu: Kailan po kayo uuwi ng Pinas, hehe XOXO"  loh, jejemon yarn?


"taishi.s_waifu: Kuya, notice me fleece" 


Tinadtad ko siya siguro ng mga 50 messages pero wala parin siyang say. Siguro 'di niya naiintindihan sinasabi ko kasi tagalog 'no? Pero lumaki sila ng Pinas tyaka Half-pinoy siya kaya 'wag siyang ano dyan. Iyaq


Haist, 5 days ago na since nung una akong nag chat kay Ryu, pero wala paring respond. Araw-araw ko naman siyang chinachat, daig ko pa nga may jowa sa sobrang update ko sakanya, parang bawat function ng lungs at ng iba pang organs sa katawan ko sinasabi ko na sakaniya mapansin niya lang ako!


"Ms. Francisco, are you listening?" shet na malagket special mention na naman ng prof namin ang ate niyo girl. Nasa klase pala ako, hindi ako nainformed.


"Y-yes po Miss." kalmadong sagot ko. Para hindi masyadong halata na hindi ako nakikinig, lol


"Oh really? Could you explain to us what was the topic i just discussed now?" bingo na talaga! Buti nalang may naka-sulat na topic and lesson si Miss sa white board, simpleng tingin muna ako syempre. Bwisit ka Ryu, naboboang na grades ko sa'yo.


Klinaro ko muna 'yung boses ko bago magsalita. "D-Dressler's Syndrome po Miss." confident na confident ako sa sagot ko, tapos shuta biglang tumawa 'yung buong klase, tapos tinitigan pa'ko ng masama ng prof namin. Lol, anong mali ro'n sa sinabi ko, eh 'yun yung nakalagay sa whiteboard, boang ba sila?


"Miss Francisco, mukhang naliligaw ka ata ng building. Nasa Pericarditis na kami, nasa Dressler's Syndrome ka pa rin? Aba, binibigyan mo ata ako ng Heart Attack." lalong umugong 'yung ingay sa klase sa sarkastikong biro na 'yun ni Miss. Shuta, na-scam ako nung white board ah!


"Well, speaking of. Looks like nakikinig talaga sa'tin si Cheena about sa 'Dressler's Syndrome, can you gave the definition of it, to all of us?" nakahinga ako ng maluwag, dahil kakabasa ko lang nung nakaraan about sa topic na 'yun.


Napa-sign of the cross ako on the spot bago sumagot, kaya tumawa silang lahat. "D-Dressler's Syndrome is an uncommon condition that may occur after a heart attack or heart surgery. It is also called as Postinfarction Syndrome. It is thought to be an autoimmune disorder. The symtoms of it might appear any time between a few days or sevaral weeks after the surgery. And i thank you." 


kinabahan ako kasi walang react si Miss tyaka 'yung mga echosera kong blockmates. Mali na naman ba yung sagot ko? Dahil kung mali 'yun, nako bhe, baka ako yung magkaro'n ng heart attack dito.


"Very well said Miss Franciso. You may be seated." napapalakpak yung mga echosera kong blocmates sa sinabi ko. Buti nalang naalala ko pa yung binasa ko nung nakaraang araw, kahit pala pa-chillin' like a villain lang ako sa bahay, may pumapasok pa rin pala sa utak ko.


*Camera Shutters*


"taishi.s_waifu: Look, i'm now at Bay side here in Philippines. Ang ganda dito! Sabihan mo si Taishi na umuwi na siya dito sa Pinas. Hindi na kamo ako galit. ems.


Weeks have been past, and still, constantly pa rin akong nagchachat kay Ryu. I always update him about things. Kulang nalang talaga gawin kong Diary yung account niya. Pati ata nung pinagdakot ako ni mama ng tae nung aso namin, sinabi ko pa sakaniya. Haist, kailan ko ba siya mauuto?


"Try ko kaya siyang tawagan?" ano ba 'yan, naloloka na'ko kakaisip kung pa'no yung gagawin ko sa group research namin, pero parang mas naiistress pa'ko kakaisip kung pa'no niya ko mapapansin.


*Ring*


Ngek 'di niya naman sinasagot? Hindi kaya hindi lang nag nonotif sa phone niya? Or ineend call niya talaga?


"what_ryu_looking_at blocked you. See more..."





A/N: Stalking on someone's profile is really a bad idea. Please be always mindful to our actions, thank u ^^

Resources from the topic: The British Medical Association Complete Family Health Encyclopedia Book. You can also research all about Dressler's Syndrome and Pericarditis.\




-Moonxx__

When I Met You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon