IV

8 13 0
                                    

B a b y   P i c t u r e

_________________

"Huy Cheena, tulungan mo naman ako run sa Project namin. Sa makalawa na deadline non eh. Sige na please." Pagmamakaawa sa'kin ni Jeya habang kumakain kami ng kwek kwek. Inirapan ko lang siya dahil andami ko kayang ginagawa, tapos siya na walang pakielam kay Taishi, magmamakaawa sa'kin?


"Sige na fleece, sa bahay tayo ni tita reya gagawa ng project dahil nirerenovate bahay namin. Diba kilala mo naman si Tita Reya? Yung close na tita ni taishi!" oh kitams, alam na alam niya ang weakness ko. Ano pa nga bang magagawa ko eh nandyan na 'yan, kailangan nalang panagutan, char.


"Basta ikaw sumagot ng pamasahe ko huh. Alicia Mayer na tayo, baka magbago pa isip ko."  Inubos muna namin yung kwekkwek namin bago kami sumakay ng jeep. Mahigit Thirty minutes din kami bago makapunta sa bahay ng tita niya dahil Mula Espanya hanggang Caloocan, mejo malayo talaga.


"Sugoi!" wala sa sariling sambit ko habang napapanganga ako sa mga nakikita kong albums at pictures ni Taishi sa bahay nung tita ni Jeya. Grabe, apakadami, sana lahat.


"Pasok kayo, pasok kayo, pinaghanda ko kayo ng meryenda, hintayin niyo muna sa sala okay?" pinapasok kami nung tita ni Jeya na si Tiya Reya. Grabe, mukha rin siyang Japanese, ang cute hehe.


"Tita, nga pala, Siya si Cheena. Yung kwinekwento ko sa'yo na die hard fan ni Taishi." pagpapakilala sa'kin ni Jeya. Nginitian naman ako nung tita niya. Huhu, kinilig tuloy ako, feeling ko tanggap nako ng buong angkan ni taishi, charot. 


"Ikaw pala si Cheena. Dibali, next time 'pag nagkausap ulit kami ni Taishi ay ipapakilala kita sakaniya." Grabe lalo akong kinilig na na-excite. Para akong maiihi sa sobrang tuwa. Huhu, this is it na talaga! Tanggap na'ko ng buong angkan, si taishi nalang hindi.


"Oh sige iha, gumawa muna kayo ni Jeya ng project, at mamaya ay itotour ko kayo sa buong bahay para makita mo rin yung mga pictures ni taishi hehe." motivated na motivated akong tapusin agad yung project ni Jeya. Grabe ang bait nung tita niya, tapos parang kakagaanan mo agad ng loob. Kaya naman pala malapit sakaniya si Taishi eh.


Lumipas ang dalawang oras, nagtatalo na kami ni Jeya dahil ayaw niyang makinig sa idea na design ko para sa project niya. Ngayon, uulit tuloy siya. Sumasakit na talaga yung lalamunan ko kakasita sakaniya, pero kinakalmahan ko parin kasi, lalo kaming tatagal, at baka hindi kami lalo matapos.


"Sa wakas! Natapos din!" sigaw niya habang nagiinat ng braso. Habang ako nakatulala dahil ako lang naman yung tumapos ng project niya, dahil nag basa lang siya ng Yaoi buong mag-araw! 


"Sa wakas, tapos kana rin sa binabasa mo." Sarkastiko kong biro. Ngumit naman siya na akala mo mabait na tupa. Che! Kung wala lang kami sa bahay nung tita niya, kanina ko pa siya iniwan!


"Tapos na ba kayo mga iha? Halina't ito-tour ko na kayo sa bahay." Para 'kong nabuhayan talaga sa sinabi ni tita reya. Tumaas ata yung dopamine level ko!


Umakyat kami sa taas, aba pagkapasok pa lang namin sa isang kwarto ron, mas marami pa palang pictures dun si Taishi. Nandun lahat ng Graduation Photos, Totoy days photos, Old albums niya and yung pre-debut photos niya. Grabe, ang pogi niya nung bata siya, tapos mas pogi pa siya ngayon! Kinikilig ako malala!


Pinakita rin sa'kin ni tita reya yung mga baby pictures ni Taishi, ang cute niya talaga mukha siyang siopao, ang sarap niya kainin, rawr!


Habang tinitignan namin yung mga baby pictures at family pictures ni taishi, napansin kong kamukhang kamukha niya talaga yung papa niya. Carbon Copy malala!


"Tita Reya, sino po 'to?" na-curious ako ron sa nakita kong picture ni Taishi. Kasama niya yung Ate niya tyaka yung isang bata na maliit. Cute rin siya, kahawig niya si Taishi. Pero mukhang mas pogi yung bata kesa kay taishi. Wait, what the fact talaga? hindi kaya si, Ryu 'to?!


"Ah, si Ryu 'yan iha, yung bunso na kapatid ni Taishi." natulala talaga ako sa sinabi ni tita reya. Omg, ibig sabihin, mas pogi pa siya kaysa kay Taishi? Pero bakit ayaw niya maging artista? Ayaw niya bang gayahin yung kuya at ate niya?


"A-ah tita may picture pa po ba kayo ni Ryu?" nagbabakasakali lang ako dahil hanggang ngayon hindi parin ako chinachat nung Ryu na 'yun, blinock pa'ko. Apaka sungit! ems.


"Pasensya na iha, hindi kasi talaga mahilig magpakuha yung batang 'yon. Masyadong mahiyain, haha. Pero may baby pictures niya 'ko, eto oh." pinakita sa'kin ni tita reya yung baby pictures ni Ryu. Grabe ang cute. Para siyang tuta na bagong panganak, charot lang. Pero sa true talaga, may mas popogi pa pala kay Taishi!


Habang may hinahanap pa si tita reya, pasimple kong pinicturan yung baby picture ni ryu na nakatawa siya tapos walang ipin. Ang cute niya talaga ron, ipapakita ko nga sakaniya 'to pag-uwi sa bahay.


Pagkatapos sa'min ipakita ni tita reya yung mga pictures ni Taishi, binigyan niya ko ng isang picture. Isa 'yung picture na yun na pinaka special kay Taishi. 'Yun ata yung araw na maga-audition siya, and 'yun din yung araw na natanggap siya as a trainee.


"Sigurado ba kayong hindi na muna kayo kakain ng hapunan? Baka nagugutom na kayo?" tanong sa'min ni tita Reya habang nag hahanda na kami palabas. Pero hindi talaga kakayanin kung magi-stay pa kami run ni Jeya, dahil mag aalas dyis na ng gabi. At baka mahirapan pa kami umuwi.


Pagkauwi ko ng bahay, dumeretso agad ako sa kwarto, wow talaga cheena! Parang hindi pagod! Mas uunahin ko pang gumawa ng bagong account para i-chat si Taishi kesa kumain? Grabe na talaga. Bakit ko ba 'to ginagawa? Gano'n ba talaga ako ako ka-tanga?


Gumawa ako ng panibagong ig account dahil for sure na hindi ako iu-unblock nung Ryu na 'yun. Mejo matagal bago ako makaisip ng Username, dahil lahat ng naiisip kong maganda, unavailable na! 


Nakaisip ako ng Magandang username na sumasagot din sa username ni Ryu. Hays, ang taba talaga ng utak ko. Nasobrahan ata siya sa katangahan.


"looking_at_ryou: Sent a photo" sinend ko sa dm yung baby picture niya na kinunan ko kanina sa bahay ni tita reya. Sana pala hiningi ko rin 'yun noh? lol.


"looking_at_ryou: Hey, ang cute mo dito!"





-Moonxx__


When I Met You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon