V

10 13 0
                                    

F a m o u s

__________


*Notification Rings*


Nagising ako sa ingay ng notification nung Phone ko. Ano bang meron at tunog siya ng tunog? Hindi naman ako nag alarm ngayon dahil mamaya pa yung klase namin?


Kahit bangag na bangag ako at hindi pa ata gising yung diwa ko, pilit parin akong tumayo para abutin yung cellphone ko na tunog ng tunog kanina pa.


"1000 Unread messages"


Huh? Fota pa'no naging 1000 unread messages? Gano'n ba kadami yung manliligaw ko? Char, pero panong nangyari 'yun? Nagloloko ba yung phone ko? 


Pagkabukas ko nung Ig account ko, hindi ko pa pala nalo-log out yung isang acct na ginawa ko, pero nagulat ako sa dami nung flood messages sa'kin tapos parang puro mga fans pa 'yun ni Taishi. Loh, anong meron?


"Hey you! shut up! you a f****** stalker of my taishi!"


"Girl, shut your a** off, stop being a crazy...."


"Where did u get the audacity? You f****** who*e?!...."


Nanlalaki nalang talaga yung mata ko sa mga nakikita kong message sa'kin ng fans ni Taishi. Ano bang meron? Shuta ano bang ginawa ko? Natulog lang naman ako!


"U B**ch! I'm gonna hunt u!"


"I gotta be stalk u too!"


"Die now!"


"Punyeta, anong nangyayari? Nananaginip pa rin ba 'ko?!" sinampal ko ng malakas yung pisngi  ko sabay tingin ulit sa cellphone, pero gano'n parin. Shuta, so totoo 'to?! Pero bakit? Na-hack ba yung account ko?


"Jeya is calling you"


"Huy Cheena! Nakita mo? Trending yung baliw na stalker ni Taishi sa twitter ah?!" bungad niya agad sa'kin. Fota baliw na stalker talaga? 


"Gaga, ako ata 'yung tinutukoy nung fans ni taishi sa twitter" 


"Ha? Gaga ka! Pa'nong may nakaalam na baliw ka na stalker? Eh wala ka namang pinagsasabihang baliw ka? Ako lang may alam?" pagbibiro niya. Napasinghap ako sa inis. Shuta, ang pangit naman ng gising ko ngayong araw!


"Nakita mo ba kung kanino nagmula yung source na nagsabing baliw ako?" 


"Lol, cheena, hindi naman mismong si 'Cheonaya Francisco' yung tinutukoy na baliw dito, yung account mo lang na 'looking_at_ryou'. Gaga ka kasi, may account kana diba? Bakit gumawa ka pa ng isa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon