Bigla akong napatakbo papalapit sa dagat nang sandaling makababa kami. Iniwan ko ang dalawang magkaibigan habang dinadama muli ang simoy ng hangin sa dagat. Hindi naman na ganoon kainit kaya nagpasiya akong maupo sa buhanginan kung saan inaantay ang alon ng dagat na dadapo sa may paanan ko.
It was enjoying having a ride with a plane, it's my first time riding with it. Kung hindi dahil sakaniya ay wala pa akong experienced na sumakay sa sasakyang panghimpapawid.
Niyakap ko ang tuhod ko habang nakaharap sakanilang direkyon. Masaya silang nag-uusap roon, hindi tulad ng dati na halos magsinghalan sila. Pero nabanggit saakin ni Cy na silang dalawa ni sir Kyle ang laging magkasama sakanilang circle of friends. At ang dalawa rin daw ang halos magkasundo.
Napatingin ako sa malayo habang inaalala ang lahat ng nangyare, from the start and until now. Ang masasabi ko lang ay napakabilis. Ang bilis ng panahon na lumipas at ngayon? narito kami sa dagat kung saan unang nagsimula ang lahat ng mayroon saamin.
Having him is a priceless. Wala na akong ibang hihiling tuwing kasama ko siya. Kung sa pansarili ay parang hindi ko na kayang tuparin ang pangarap ko, dahil ayaw kong mawalay sakaniya. Sapat na siguro saakin na napagtapos ko na ang ate ko na noon ay pangarap ko.
"Patabi ha?!" Bigla akong napalingon pakabila nang sandaling may tumabi saakin.
Naroon pa rin ang dalawa, nag-uusap sa bandang likod na hindi kalayuan saamin.
"Kena?!" Gulat akong napatingin sakaniya. "Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
Nang unang punta ko rito ay narito rin siya dahil mayroon daw silang photoshoot. Pero ngayon hindi ko alam kung anong rason niya, gayong wala akong nakikitang mga gamit ng mga nag sho-shoot.
Hindi naman ito gala, gayong wala rin itong makakasama. Nakakapagtaka lang.
Natawa naman ito at sandaling napatingin sa dagat. "For a reason?" She answered, but it seemed like a question.
Mukhang malungkot siya ngayon. Hindi kasi ito ganito katamlay kausap. Lagi siyang hyper at parang laging nakikipagbangayan, pero ngayon? Parang ambigat ng dinadala niya. I feel it with her aura.
"Ano namang reason yan?" Napangisi ito at humarap sa dalawa na nag-uusap pa rin.
"Kayo ni engineer Cy 'di ba?" Biglang pag-iiba nito ng topic na ikinagulat ko rin. Paano niya naman nakilala si Cy?
Nag alinlangan pa ako bago tumango sakaniya bilang sagot. "Paano mo naman 'yan nalaman?" Takang tanong ko.
"Dahil dun," Turo niya kay sir kyle na ngayon ay tumatawa habang nag-uusap sila. "Tsaka.. nakita ko na rin kayo dito last year e, yakap kayap ka pa nga niya" Napangisi ito.
"So, magkakilala pala kayo ni sir kyle?" Gulat na tanong ko. Ehh papaano nangyare 'yon?
Sabagay, friendly naman si sir kyle sa mga babae. Kaya kami nagkakilala dahil masyado siyang feeling close noon saakin.
"Hmm, oo" Sagot naman nito saakin bago napalingon muli sa likura namin, kung nasaan ang dalawa.
Napalingon rin ang dalawa saamin habang abala pa rin sa pag-uusap, mukhang ang saya nila ngayon na magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Waves of ocean
RomanceAzaira Nicole Zamora is a great dreamer. She has a lot of ambition in her life, but it all sudden change when she found out something. She was about to confess it on him, but it's too late when Charles Yrich Arguilles ended everything what they have...