"Mommy where's tito Harvy?" Caleb asked me while preparing for his Lola's birthday. Naghanda si ate ng small party for my mom's 54th birthday. Since the party will start at the 7PM pumasok muna ako sa trabaho. I also invited my co-doctors and my friends. They will come there daw pero mamaya pa. Madami silang gustong pumunta pero iilan lamang ang pwede dahil hindi pwedeng walang magtao sa hospital. Lalo na't pasimuno ng party si Harvy.
Siya ang gumastos ng iba sa venue ng birthday party ni mama dahil kaibigan niya daw ang may-ari ng building na iyon kaya may discount daw siya. Hindi ko naman na invite si sharina dahil wala siya rito ngayon, may pinuntahan.
"Tito Harvy will be here before the party will start" I answered him softly before fixing his white long sleeve and black slacks. Para na talagang binata ang anak ko gayong mag aanim na taon pa lamang ito. I also brushed up his hair pero dahil bagsak ang kaniyang buhok ay nahaharangan pa rin ang kaniyang magagandang mga mata.
Lumabas ito sa aming kwarto at binati ang kaniyang lola sa kabilang kwarto habang inaayusan ng mga make up artist.
"Wow. Apo niyo po ba 'yan madam? Ang gwapo" Sabi nang bakla habang nakatingin sa anak ko. "Hala! Ang ganda ng mata! kulay brown. May lahi po ba yan madam?" Tanong muli nito. Natawa lamang si mama habang nakatingin rin kay Caleb.
"Pogi talaga ang apo ko, maganda ba naman ang lola, e" Masayang sagot ni mama habang inaayusan. Binuhat ko pabalik sa kwarto si Caleb at hinayaan siyang maglaro ng kaniyang car toys.
Nagtungo na ako sa banyo upang maligo na rin at mag ayos. I went to my closet and chose some of my dresses. Hindi ako makapili kaya sinuot ko isa-isa. And I picked the fitted black dress partnered with my white sandals. Nagtungo na ako sa vanity mirror upang plantiyahin ang aking mahahabang buhok.
I looked at the mirror and take a gap on it to see my body if the dress fit me in. I also applied a light lipstick before going to our bedroom. Agad naman na napalingon saakin si Caleb habang hawak ang kaniyang laruan.
"Beautiful, mommy" He smiled as he survey my body. I went to him and carried him with me.
"Really baby?" I kissed him.
"Yes, mommy." He answered and focus again his self on his toys. I was about to placed Caleb on the bed when I heard a doorbell. Agad din na napalingon saakin si Caleb at nanlaki ang mga mata. "Mommy! It's tito Harvy!" Dali dali itong bumaba sa kama at nauna nang nagtungo sa pintuan.
Siya na rin ang nagkalalabit ng door locked para mabuksan iyon at sinalubong ng yakap ang kaniyang tito Harvy. "Tito!" Agad itong nagpabuhat kay Harvy.
"Hey!" He smiled at Caleb ang carried him towards the living room. Naupo siya sa sofa habang nakapatong sa binti niya si Caleb at yakap yakap niya. "They're done?" He asked as he saw me ready for a party. Napangisi pa ito sa suot ko at sumipol. "Sexy" Sabi nito sa anak ko bago humarap saakin.
Inis ko naman siyang sinamaan ng tingin at inambahan ng suntok. Kung hindi lamang nito hawak ang anak ko ay baka kanina ko pa siya nabato ng alarm clock sa side table.
"Sexy.." Pang-gagaya ni Caleb habang hawak ang kaniyang mga laruan. "Who tito? mommy?" Caleb looked at me before looking at harvy again. "She's beautiful," He giggled.
"Yeah! Exactly baby," Sabi nito. Sinamaan ko ng tingin si Harvy nang sandaling bumungisgis ito sa harap ng anak ko.
I suddenly pointed him and mouthed. "Mamaya ka sakin!" He just laughed at my reaction before playing with caleb.
BINABASA MO ANG
Waves of ocean
RomanceAzaira Nicole Zamora is a great dreamer. She has a lot of ambition in her life, but it all sudden change when she found out something. She was about to confess it on him, but it's too late when Charles Yrich Arguilles ended everything what they have...