Nakahinga ako ng maluwag ng sandaling maakalis ang dalawa. Para akong nabunutan ng nakabaon na tinik, ngunit sa bandang dulo ay mayroon pa ring isang nakasabit.
I'll talk to you later...
Puro buntong hininga ang ginawa ko ng sandaling makaalis sila. Hindi ako mapakali sa salitang binitawan ng mayroong magagandang mata. Hindi ko na lamang inisip at bumalik na sa aking trabaho.
Inumpisahan ko na lamang ang mga kailangan kong gawin upang matapos ko ito ng maaga. Marami akong kailangan tapusin ngayong araw.
Apat na oras ang nakalipas at nadama ko ang sakit ng batok ko. I stretch my arms and even my body. Nakakangalay. Buong araw na kailangan sa keyboard at screen nakatutok. Madami akong kailangan e incode at kailangan ko matapos iyon buong araw dahil kailangan na daw nila ng copy! Mabuti na lamang sa iba ay hindi na ako gaanong nahirapan dahil kinopy ko lang ang mga 'yon.
"Zayi, tara na" Pagtawag saakin ni sharina. Tapos na rin siya sa ginagawa niya dahil nag-yayaya na siyang kumain.
Tumayo na ako at shinutdown ang computer wala naman akong files na naka draft, sinave ko naman na lahat kaya pwede ko na siyang e-off. Baka kasi may lokong mangialam ng pc ko lalo na't may galit ang iba kong katrabaho saakin simula noong nasabon sila ni sir Cy ng dahil saakin.
Lagi nilang sinasabi na pabibo at bida-bida daw ako rito. Big deal rin sakanila ang pagpunta ng dalawang gwapong lalaki kanina rito at base sa chismiss nila, Nilalandi ko daw ang dalawa. Hindi ko nalang pinapansin ang walang kwenta nilang sabi-sabi, dahil baka kumulo lang ang dugo ko 't ayon pa ang dahilan ng pagka highblood ko.
"Saan tayo niyan kakain?" Tanong ko habang naglalakad sa labas dahil puno na ang karinderyang kinakainan namin parati.
"Doon nalang ohh" Turo niya sa kabilang banda.
"Tatawid pa tayo" Reklamo ko. Medyo malayo pa kasi ang nasabi niyang karinderya. Kukulangin kami sa oras dahil marami pa 'kong kailangan balikan na trabaho.
"Gusto mo mag restaurant nalang tayo" She suggested.
"Wala akong pera" Sagot ko habang nakatakip ang isa kong palad sa may bandang noo, napakainit.
Sinimulan ulit naming maghanap bg karinderya, ngunit halos lahat ay puno na. Tumutunog na ang tiyan ko sa gutom ngunit wala pa rin kaming mahanap na makakainan, pwera nalang sa mga mamahaling restaurant.
BEEPPPP!!! BEPPPP!!
Bigla kaming nagulat na dalawa ni sharina nang sandaling makarinig kami ng sunod sunod na busina ng sasakyan.
Inis itong lumapit roon at kinatok ang driver! "Hoyyy!! Buksan mo 'to! Nasa gilid kami tapos bubusinahan mo ng pagkalakas-lak-" Bigla siyang napahinto ng buksan nito ang bintana.
Biglang nagbago ang reaction ni sharina nang sandaling makita niya ang masungit na boss namin sa sasakyan.
"Ahh sir, p-pasensiya n-na p-po" Parang naging anghel bigla si sharina at duon ko hindi napigilang matawa.
"Where are you two going?" Tanong ni sir habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa mabibela.
Bigla naman akong nagulat ng sandaling isilip ni sir Kyle ang mukha niya sa kabilang bintana. Hindi rin nakasingit si sharina na sumagot kay sir, Cy, dahil kay sir, Kyle na kumakaway.
BINABASA MO ANG
Waves of ocean
RomanceAzaira Nicole Zamora is a great dreamer. She has a lot of ambition in her life, but it all sudden change when she found out something. She was about to confess it on him, but it's too late when Charles Yrich Arguilles ended everything what they have...