Mag-aalas dose na ay wala parin sa pagmamadali ang mga kilos ko. Nang magpaalam ako kanina kay Mama kung sino kasama kong gumala ang sabi ko yung tropa ko dati sa Yazaki. Nakaramdam ako ng kunting guilt. Bibihira lang talaga akong magsinungaling at madali akong makonsensiya.
Matapos kong maligo ay tiningnan ko ang phone ko. Maraming missed call. Galing kay Joshua. Hiningi niya pala yung number ko para macontact daw niya ako kapag nasa Yazaki na daw siya.
(1 message received)
From:+63932.......
Asan ka na? Andito na ako sa may Yazaki... Joshua tuh
Hini na ako nagreply. Hindi naman ako nagload,eh. Walang pagmamadali na naglalakad nalang ako patungo ng EMI-YAZAKI. Pagkadating ng overpass ay nagpalinga-linga ako bago pinagpasyahan umakyat ng overpass para makatawid sa kabila.Habang naglalakad ay panay bulong ako.Asan na yun? Andito na daw siya,eh wala naman... Enebeyen!
Nang makarating ako sa kabila agad kong napansin ang lalaking nakaupo sa may tindahan sa kabilang kalsada. Nang mamukhaan ko ay kinawayan ko ito. Pailing-iling na umakyat ito ng overpass.Nang makita ko malapitan muntik na akong mapamura.
Shit! Bakla ampupu...
Ngumiti siya sakin."Kanina ka pa?"tanong ko habang nakatingin sa mga dumaraang sasakyan.
"Oo."Tipid niyang sagot.
"Oh,ano? Ano ba sasakyan natin?"
Agad niyang pinara ang paparating na jeep na biyaheng SM Dasmariñas. Malapit sa driver ako nakaupo samantalang siya naman ay malapit sa pinto. Agad akong kumuha ng pambayad.
"Dalawa pong SM."
Napansin kong naman na inaabot ni Joshua yung pambayad niya sa katabi niya.
"Huwag na. Ibinayad na kita,"sabi ko.
Habang binabaybay namin ang daan patungong SM Dasmariñas ay pasilip-silip ako sa rearview mirror. Mula doon kitang-kita ko siya habang abala sa kakukulikot sa cellphone niya.Mayamaya pa ay biglang nagvibrate ang phone ko.
(1 message received)
From:Joshua
Okey ka lang diyan?Bigla akong napatingin sa gawi niya. Nakatingin siya sa may pinto ng jeep. Lihim na napangiti ako. Hindi ko siya mareply dahil hindi naman ako nagload,eh. Pagkababa namin ay pumasok na kami ng SM Dasmariñas. Dahil sa hindi namin alam kung saan pupwesto ay naupo na lamang kami sa isang bench. Kung anu-anong kwento at tanong niya sakin. Ako naman nakikinig at sumasagot lang. Lihim akong napatingin sa katabi namin. Pawang mga couples na naglalampungan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awkward.
"Tara punta tayo ng Mcdo. Andun mga kasamahan ko sa Networking para maipaliwanag nila sayo."
Kahit nawewerduhan ako ay pinili ko nalang sumunod sa kanya.
"Tatawid ba tayo?"
"Oo. Malapit lang yun."
"Hindi ako marunong tumawid."
Bigla siyang natawa."Madali lang. Huwag ka kasing matakot. Face your fear."
Sa totoo lang kaya ko naman talagang tumawid pero sa ganung krus na daan baka mamatay ako kapag tatawid akong mag-isa. Usually,nag-o-overpass ako,eh.
Pagkarating namin ng Mcdo di-kalayuan sa SM Dasmariñas ay ipinakilala niya ako sa mga kabataang nakpwesto sa isang sulok. Alam niyo yung feeling na awkward? Yung advance kang mag-isip? At that time talaga di ko maiwasan isipin yung reaksiyon ng mga kaibigan niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Parang gusto kong pagsisihan na nakipagmeet pa ako kay Joshua.
Nagsimula nang i-explain sakin yung about sa networking marketing. Honestly, wala akong naintindihan. Kung hindi lang ako nahihiya sa kasama ko ay nagyaya na akong umuwi.
"Alam kong mas malaki ang maitutulong nitong business namin sayo. Masasabi ko iyon dahil ako mismo ay natulungan ng business na ito. So, anong desisyon mo?" Si Jason. Isa sa nag-explain about Networking Marketing.
Blanko ang isip na napatitig ako dito.
"Uy! Hello. Ano na?"
"Pag-iisipan ko po,"tanging naisagot ko.
Pagkatapos noon ay kanya-kanya na ng order ng pagkain. French fries at Mcfloat lang ang inorder ko. Kain ng kain lang ako habang sila ay masayang nagkukwentuhan.
Bigla akong napatingin sa cellphone ko. Mag-aala-sais na. Bigla akong napatingin kay Joshua.
"Oh,ano?"aniya sabay ngiti.
"Anong oras tayo uuwi?"
"Ikaw. Ano? Ako kahit anong oras naman umuwi okey lang. Ano? Uwi na tayo?"
"Ikaw,"pabulong na sagot ko.
Natawa siya sa tinuran ko.
"Bakit ako? Eh,ikaw. Ano? Uwi na ba tayo?"
Tumango nalang ako.
Tumayo siya upang magpaalam.
"Oh,uwi na kami."
"Oh,sige ingat kayo."
Nakipagkamay sakin ang mga kasamahan niya sa Networking.
Nang muling tumawid kami ay napahawak ako sa braso niya. Napatingin siya sa akin.
"Nakalimutan ko, hindi ka pala marunong tumawid."
Ngumiti lang ako.
Pinara niya ang isang jeep at sumakay na kami. Akmang kukuha na ako ng pambayad ng pigilan niya ako.
"Ako na. Nilibre mo ako kanina. Ako naman manlilibre,"aniya.
Tumahimik nalang ako.
"Isang Anabu Coastal, isang Yazaki."
Pagkatapis niyang magbayad ay panay kwento na naman niya sakin. Tahimik lang akong nakikinig habang papapikit na ang mata.
"Gisingin mo ako pagmalapit ka nang bumaba," ani ko at ipinikit ang mga mata.
Mga ilang minuto ang lumipas ng muli kong inimulat ang aking mga mata.
"Malayo pa."aniya
Tumahimik lang ako. Actually, di ako sanay matulog sa jeep,eh. Kaya kahit papapikit na ulit ang aking mga mata ay pinigilan ko ang mga ito.
Hanggang sa bumaba na siya.
"Sige,ingat,"ani ko.
Pinagmasdan ko siya habang papatawid siya at papalayo ang jeep na lulan ko.