Chapter 8(February 7,2015)

14 1 0
                                    

Nasalukuyang nasa Mary Help of Christian School ako. Isinama ako ni Mama para manood daw sa program. Foundation day kasi sa school na pinag-aaralan ng alaga ni Mama na si Gaby.

Medyo naiinip na rin ako kaya nagmessage ako kay Joshua at inaya ko siyang gumala.

Pagkatapos namin maglunch ay sumabay na rin ako kay Ate Kheiy gayung pauwi naman siya. Bumaba ako ng Shopwise.

"Sige po,Ate Kheiy,"paalam ko sa amo ni Mama."Salamat po."

"Sus! Makikipagdate ka,nuh?"nakangiting tanong ni Ate Kheiy sakin.

"Hala! Hindi po."

"Oh,anong oras kauuwi?"

"Mga ala-singko po."

"May susi ka ba? Wala pa si Mama mo nun."

Ngumiti ako.

"Wala po."

"I-save mo number ko then text ka nalang sakin. Nasa bahay lang naman ako. Ubusin kong panoorin yung mga bagong tapes."

"Sige po. Salamat."

"Ingat ka. Saan ba kasama mo?"

"Hintayin ko po sa Puregold."

"Sige. Ingat ka,huh? Gagala ka ang init-init."

"Okey lang po. Para po bukas di na po ako umalis ng bahay."

"Sige. Text mo nalang ako mamaya."

"Sige po. Salamat." At lumakad na ako patawid ng Shopwise patungong Puregold.

Ala-una palang. Kaya nagpasya akong pumasok ng Puregold para magpalamig. Naisipan ko rin bumiling favor kong kitkat para ibigay kay Joshua. One week nalang din at Valentine's na,eh.

Ang tagal kung naghintay. Kanina pa ako lakad ng lakad pabalik-balik sa harapan ng Puregold. Sobrang init pa. Parang gusto ko na nga lang umuwi,eh.

Mayamaya pa ay natanaw ko na siya. Bigla akong nagtago sa poste. Bigla akong natawa ng sinilip niya ako. Iniabot ko sa kanya yung Kitkat.

"Para kanino,tuh?"nakakunot-noong tanong niya.

"Sayo,"nakangiting sagot ko.

"Dapat kinain mo nalang."

Hindi ako sumagot.

"Saan tayo?"tanong niya.

"Ikaw."

"Hala bakit ako? Ikaw na."

Tiningnan ko siya. Parang feeling ko may nag-iba,eh.Napasimangot ako.

"Ayaw mo ata akong makita,eh. Sige, uwi na ako."Madali talaga akong magtampo.

Natatawang hinila niya ako."Hala ka! Hindi,ah."

Hindi ako umimik.

"Nakapunta ka na ba ng Luneta?"

"Hindi pa,"nakasimangot na sagot ko.

"Tara Luneta tayo. Nakakasawa na kasi sa Cavite."

"Hala! Malayo ata yun."

"Hindi. Malapit lang."

"Two hundred lang dala kong pera,"giit ko.

"Sagot ko pamasahe. Ano tara!"

Tumango nalang ako.

Matapos namin pumasok ng Puregold para mag-CR ay nag-abang kami ng masasakyan. Nang may dumaan na van na biyaheng Lawton ay pinara niya ito.

How could you say you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon