Sa kabila ng pinagtutulakan ko si Joshua palayo ay patuloy parin siya sa pagsuyo sakin. Minsan ay niyaya niya akong sasamahan siya pumunta sa SM Las Piñas pero tinanggihan ko siya. Ang sabi niya naman ay dadaan nalang daw siya sa bahay pagkauwi niya ngunit nag-imbento na naman ako ng i-aalibi. Pero at that time, may guitar lesson ay about basic chords kaya yun ang dinahilan ko pero ang totoo ay ala-sais pa naman. Ala-singko kasi ang regular out ng mga empleyado sa Yazaki.
Nang gabing iyon ay napag-isip-isip ko na ano kaya kung bigyan ko siya ng chance sa panliligaw?
Me:Josh,kaya mo ba maghintay? Ayoko talaga muna magkaboyfriend... Tsaka may new year resolution ako na di muna ako magboboyfriend this 2015...
Joshua:Oo naman basta may kahihinatnana ang panliligaw ko
Me:Baka di ka rin tumagal sa ugali ko
Joshua:Bakit naman? Sanay akong makisama ano pa man ugaling meron ka
Me:Sige payag na akong manligaw ka ulit...
Joshua:Sige manliligaw ako ulit
Me:Pwede bang MU lang muna? Di pa talaga ako ready magkaboyfriend,eh...
Joshua:Sige
MU nga kami ni Joshua. Ma at Pa ang CS namin. Sweet siya. Natatawa nga ako kapag binibiro niya ako. Parang OA kasi. Corny kumbaga.
Joshua:Ma,nagsaing ka na ba?
Me:Ano?
Joshua:Pakainin mo na si Junior at ihahatid ko pa yun papasok... Si bunso nakaligo na ba?
Tawa ng tawa ako. Sa lahat ng lalaking nakilala ko siya lang ang may pagkaweird. Pero dahil sa ayokong pahalata na natutuwa ako sa kanya kaya palagi ko siyang binabara. Isa pa sa nakakatuwa ay isang yaya ko lang sa kanya ay hindi man lang tumatanggi.
Me:Sama ka ba ng SM Bacoor bukas? Magkikita-kita kami ng mga kaklase ko nung highschool na andito rin sa Cavite...
Joshua:Sige,Ma... Anong oras ba?
Me:Ganun parin... Sa dating tagpuan...
Joshua:Dating tagpuan?
Me:Anyare sayo? May amnesia ka? Sa Yazaki... Ala-una... Kung ayaw mo sumama, okey lang... Kaya ko naman lumakad mag-isa,eh...
Joshua:Okey sige po,Ma...