Chapter 4

16 1 0
                                    

                   Nabigla ako nang biglang nagmessage sakin ang nakakatandang kapatid ni Joshua na si Ate Grace. Actually, kilala ko na siya dati pa dahil nakaworkmate ko siya sa EMI-Yazaki.
Noelyn:Bhe,nanliligaw ba sayo ang kapatid ko?
Me:Huh?Hindi po,ah... Bakit,teh?
Noelyn:Wala naman masama... Single yun... Gwapo... Marami siyang pera...
                   Ngerk! Kulang nalang ay bumingisngis ako ng tawa. Ang kengkoy talaga ni Ate Grace kahit kailan.
Me:Hala ka,teh! Okey ka lang? Tsaka parang bakla naman yung kapatid mo,eh... Mukhang mas lalaki pa ako dun...
Noelyn:Hehehe
                  Napasimangot na naman ako.

                   Hala! Anyare na sa earth?
                  Mga ilang minuto ay nagmessage din sakin si Joshua.
Joshua:Hi!
Me:Hello... Ui! Anyare kay Ate Grace? Natatawa ako sa pinagsasabi,eh...
Joshua:Bakit? Anong sabi?
Me:Kung nanliligaw ka daw sakin... Single ka daw... Gwapo... Madami ka daw pera
Joshua:Sinasabi ko na nga ba... Ano sasapukin ko na ba?
Me:Hala! Sabihin mo lang na di ka nanliligaw sakin... Ikaw na magpaliwanag para di na mag-isip ng kung anu-ano...
Joshua:Okey po=)
               Hay naku! Kakastress naman ang magkapatid na tuh...
               Pagkalipas ng ilang minuto ay muling nagvibrate ang phone ko.
Joshua:May nalaman ako
Me:Oh,ano?
Joshua:Sabi mo daw bakla ako=(
Me:Nyahahahahaha! Peace
Joshua:Paano kung inlove ako sayo talaga?
Me:Aba'y ewan ko sayo! Tsaka di mo rin naman kasalanan

                 Pagkatapos umamin ni Joshua ay nagsimula na siyang manligaw sakin. Walang problema naman sa kanya. Mabait siya at may malambing kaso nga lang minsan ang sarap sapukin.

                 Nabasted ko din siya. Ayoko munang magkaboyfriend. Honestly, hindi parin ako makamove-on kay Jeric. Tsaka at that time kakabreak ko lang kay Reymark. Gusto ko na rin magseryoso sa buhay. Gusto kapag nagkaboyfriend ulit ako yung mahal ko at mahal ako.

               Ilan beses na rin gusto niyang pumunta ng bahay pero pilit ko siyang tinataboy palayo. Ayokong mahalin ko siya at sa bandang huli ay iiyak lang ako.

How could you say you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon