Chapter29: Coming Back

80 4 0
                                    

Eliza's POV

We're here in our condo. Hinihintay lang namin yung SB. May sasabihin daw importante eh.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Haru jusmeee. Makasigaw naman tong si Chelsea kala mo wala ng Rojan.

Nanonood kasi kami ng Mama (yung movie) eh lumabas yung itsura nung mama nakakatakot. Yuccck!

"Accccccccck!" La? Nung nangyari kay Jelena? Bat yan nagkakaganyan? Anu ba yan wrong timing eh. Sarap sarap kumain eh.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Syempre bestfriend eh.

"Oo, pero nahihilo ako. Magpapahinga lang ako saglit sa kwarto. " sabi nya.

"Hala?! Mamaya nandyan si Mama kainin ka. Ahaha." Loko loko tong si Ivy eh. Nagbiro pa.

"Psh. Dito na nga lang ako. Kainis ka Ibyang." Ahaha.

Tinuon na ulit nila yung sarili nila sa movie. Nang....

"WAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napasama ako dun sa pagsigaw ah. Pano ba naman nahulog na yung mamaya saka yung bata tapos may nagdoorbell. Kainis.

"Uyy buksan nyo na yung pinto." Sabi ni Farrah.

"Ayoko. Ikaw nalang."

"Baka si Mama yan kukunin na si Jelena. Ahaha." Ang sunga ni Ivy eh.

"Tayo nalang lahat." Ayan na naman paulit ulit yung nagdodoorbell.

Tumayo na kaming lahaf at unti unting lumapit sa pinto at...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Yung pinto bigla nalang bumukas mag-isa. Napatakbo kami sa taas at nagsiksikan. Naririnig na namin yung mga footsteps. Teka....

"STREETBOYS?!"

Kyle's POV

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Nakakatawa yung mga itsura ng KG. Parang nakakita ng multo. Ahaha.

"STREETBOYS! HUMANDA KAYO SAMIN!" Hala. Paktay. Lagot. Takbo.

Nagsitakbuhan kami pero tumawa nalang bigla yung KG. Mga baliw.

"Bat bigla kayong nagsitawa kala ko lagot kami sa inyo." Ahaha. Sabi ni Dan. Takot yan kay Jorella eh.

"Ahaha. Wala lang bakit nga pala kayo nagpunta dito? Aber!" Tanong naman ni Farrah.

"Pwede bang umupo muna?" Tanong ko. Eh sa ang haba ng ididiscuss NILA eh. Di ako kasama sila sila lang. Di ko nga alam kung bakit kami nagpunta dito eh.

"Oo nga naman." Sabi ni Abigail. Umupo kami pero si Lander tumayo sa gitna. Oo nga pala may kasama kami ditong lalaki ba o babae. Basta nakatakip yung mukha nya.

"Guys I have something to announce. He's..."

Ano ba yan pabitin king tong si Lander eh.

"He's alive." Plain nyang sabi. Sinong buhay?

Lander's POV

Hay. Salamat buti nalang nasasabi ko na sa kanila. Amg hirap kaya ng may sikreto ka sa grupo mo. Oo di nila alam.

"Bryan is Alive."

Expected ko narin na ganun yung magiging itsura nila. Si Eliza mangiyak ngiyak na.

"Nagbibiro ka ba?" Tanong nya.

"No. Actually nandito sya." Sumenyas ako kay Bryan. Kasama namin sya kanina pa. Pero pinagtakip ko muna sya ng mukha.

Tinanggal nya yung nakatakip sa mukha nya and humarap sa kanila. Lahat sila umiiyak yung iba nagulat na kung ano.

"B-bakit? ... P-pa-ano?" Tanong ni Eliza. Psh. Kasalanan ko to eh. Dapat matagal ko ng sinabi sa kanila.

Kanto Girls Vs. Street Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon