✨Chapter 6: Reason

177 9 0
                                    

Jem.

Time Check: 6:30 pm. Oo, andito parin kame sa elevator. Nakakainis naman oh!

Nahihirapan na talaga 'kong huminga. Ang init init na din sa pakiramdam! Ano bang klaseng mga tauhan ang meron dito? Hindi ba nila madetect na may mga tao dito sa loob?!

Iisa lang ba ang maintenance dito? Grabe naman di ba nila alam na nag i-stop tong elevator? Too much carbon dioxide na ang naiinhale namin, nakakahilo na.

"Gising ka ba?" Nabigla ako ng tanungin ako ni JC. Medyo nahihirapan na din syang magsalita.

"Ah eh. Oo, bakit mo tinatanong? Ayos ka pa ba? Nahihirapan ka bang huminga?" nagaalala kong sagot naman.

"Wala lang. Gutom ka na ba? Kaya ko pa." Halata namang nahihirapan ka na din, wag kang magpanggap na malakas.

"Oo eh, ikaw babe?"

"Oo ako rin, babe."

"Ayieee. Kayo na ba?" Bigla biglang nagtatanong si Farrah. Nakakagitlat tuloy. Pareho kaming hindi makagalaw nang marealize namin ang nangyari.

"Ha? Di 'no!" Sabi ko.

"Weh? Eh bat may tawagan kayo?"

"Ha?! Wala naman eh!" Pagdedepensa naming dalwa ni Jc. Kalma lang kasi. Easy!

O sya sige namumula na kaming dalawa. "Ehhh?! Eh anong tawag mo dun sa babe nyong tawagan?"

"Wala naman kaming sinabe ah!" Bat ang defensive namin?

Eh kasi may sinabi naman talaga kayo!

"Sus! Kunyare ka pa!"

"Wala nga eh. Ang kulet. Mas marunong pa sa may katawan eh."

Nagkaroon ng konting katahimikan. Sobrang dilim na din. Halos hindi na kami magkakitaan. Siksik nalang kami sa isang sulok. Then, biglang nagsalita si JC.

"Pwede ba?"

"Ha? Anong pwede?" Sabi ko.

"I mean pwede ba kitang--."

"Ano bat di mo masabi? Pwede bang ikaw naman ang umunan? Sure!" Pagpuputol ko sa kanya.

"Ahm pwede ba kitang ligawan?"

1

2

3

4

5..

Aray! Napakurot ako sa sarili 'ko. Totoo 'tong nangyayari! Shookt! Ano bang kailangan 'kong gawin?

"Seryoso ka ba? Bakit ako?" Kahit hindi ko maaninag ang maya nya, pinilit kong hanapin yon sa dilim. Gusto kong makita ang sinseridad nyang pag-amin.

Mahirap magmahal kung simula palang laro lang pala ang lahat. Hindi ka lang naabisuhan, dahil ikaw ang taya.

"Seryoso ako. I may not be the man of your dreams but I can make your dream into reality. It is a pleasure to court the most precious lady living in this world. And its my honor if I'll be able to have her."

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang binigyan nya 'ko ng hangin para makahinga. Masyadong mabilis pero ang sigaw ng puso ko hayaan ko sya.

Kanto Girls Vs. Street Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon