✨Chapter 8: Bunny Couple ♡

200 8 6
                                    

A/N: Itatry kong pakiligin kayo so eto bawi ko. Lovidabs. Kanya kanya silang chapter para mahaba haba okie? Vote and Comment.

P.S. Huy kiligin kayo hahahahha! Okay, ang demanding ko. Hahahaha. Chos! Lavyou.

Eliza.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Bryan. At wala din naman akong balak syang kausapin. Close kami, close? -.-

Open talaga. -,-

Bat pa kasi ako sumama sa lalaking to?! Sobrang boring kasama eh. Hindi man lang naimik. Pipe ba 'to? Hala, baka umurong na dila. Opps.

"Oy pipe ka ba?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin saka bumalik ulit nang tingin sa daan.

Nako, ayusin nya lang pagdadrive nya. Mahal ko pa buhay ko :--((

"Oy anong pipe ka dyan? Ikaw din naman hindi nagsasalita. Mapanghusga ka ha?" pinutol nya kaagad ako.

"Opps! Hinay hinay lang. Baka wala pa tayong nakakain, busog na ko sa pambabara mo? Trip na trip mo talaga 'ko no? Tss."

Crush ako ne'to hays.

"Kung hindi lang kita gusto baka naihagis na kita sa kalsada nang wala sa oras. Pasalamat ka."

*BOOGSH!

Sinapak ko sya.

Tugtug

Tugtug

Tugtug

Wag kayong ano, puso ko yan 🙄

May kabayo na ba sa puso ko? Bakit ganon naririnig ko? May nagkakarera ba don? Hala, abnormal na ba 'ko?

"O bat mo naman ako sinapak?"

Tanong nya habang nakahawak sa ulo nya. Medyo napalakas ata yung sapak ko? Hehe. E sya naman kasi e! Bumabanat.

"Che!"

Pagtataray ko sa kanya. Ayokong mahalata. Natahimik din ako sandali saka kusang lumabas sa bibig ko ang...

"Gusto din pala kita."

"Eh tingnan mo mahal mo din pala ko? Pakipot ka pa a? HTG lang?"

*PAAAAAAAAAAAK*

"Ano na naman?!"

"Wala kong sinabing mahal kita! Sabi ko, GUSTO! G-U-S-T-O! Like!"

Likey, Likey Likey...

Okay, insert Twice's Likey Song 😂

"Uy joke lang. Ito naman hindi mabiro. Hehehe. Amazona ka din pala?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Yung kayang makapatay. Mapatay sa kilig.

"Sa susunod wag mo kong bibiruin ng ganyan."

Natahimik sya pagkatapos non saka nagpatuloy na nagfocus sa pagdadrive. Di naman ako galit a? Tss. Bahala sya.

Syempre pakipot mode muna. HTG on nga kasi! Pa-hard to get.

"Tayo na ba?"

BLAAAAAAAAAG!

Oo, sinapak ko po sya.

"Walang tayo huy. Anong taon na. Di na uso assuming kuya."

"Dahan dahan ka naman oh. Nagdadrive ako. Sige sabihin nila till death do us part tayo."

"Napaka-corny mo. Mahilig ka ba sa mais? May iba ka pa bang gusto? Pakasalan mo 'na. Hindi mo pa nga ko nililigawan, tayo agad? Lakas mo huy."

"Eh kasi galit ka agad. Gusto mo ligawan kita?"

"Oo naman. Pero please satin lang muna to. Wag ka munang masyadong pahalata. Like masho-shock sila nang superduper mega shookt."

Then humawak sya sa kamay ko at nagsabing.

"I promise!"

Then tahimik kame buong byahe habang hawak padin yung kamay ko. Still, my face is amused how this thing happened to us.

"We're here!"

Nagising nalang ako sa pagda-daydreaming ko ng halikan nya ko. Sa lips.

Huy shet! First kiss ko!

"Ano ka ba?" Angal ko sa kanya.

"Ang tagal mo kasing matawag! Kanina pa tayo nandito. Hahahahaha."

"You know, that's my first kiss? Argh. I hate you na!" sabi ko.

I always dreamed of my first kiss being romantic... not this way.

Sabay labas ng kotse nya at sumunod. Narinig ko na tinatawag nya ko but I dont care. Then biglang may humigit sakin then nakita ko si Bryan.

"Galit ka ba Babe?"

Aba't nanlalambing sya ngayon ha? Bahala sya! Manigas ka dyan!

"Anong babe ka dyan? At oo galit ako."

Papakipot muna tayo mga bes. Fine ako na mean. Eh kasi yung first kiss ko huhu.

"Sorry na." panlalambing nya.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Nagwalk out na ko sa sobrang inis. Pero ayoko naman talagang maging ganito e. Pero syempre, importante yon sakin.

Then di ko namalayan na may saging kaya ayun nadulas ako.

"Ang sakit."

Bakit ba kasi may saging dito? Anong trip 'to?

"Sa susunod kasi wag kanang pakipot, yan tuloy napapala mo."

Nabigla ako sa sinabi nya. Oo si Bryan yun.
Binuhat nya ko papunta sa kotse nya.

"Thank you!" Sabi ko habang hinihilot nya yung paa ko.

"Sorry na."

"Sige. Please wag mo yung ipagsasabi." -

"Promise. Pwede bang tawagan natin Bunny?"

"Ahahaha. Bunny? Ang korni."

"Ayaw mo? Sige wag na.

"Sige na nga, Bunny♥"

Sige, pagbigyan natin kahit corny talaga. Wala e.

"I loveyou Bunny!"

"Love You too Bunny!"

A/N: Ahahaha. Ayos lang ba? Kinilig ba kayo? Ako kasi kinilig dun sa dalawa. Ahahha. Pakicomment naman oh?! Lovidabs. Vote and Comment. :))

Follow me :
twitter : @jemmyxc
instagram : @jemmyxc
youtube : life of jem

it's the imagination that gives life to the story ❤️

Kanto Girls Vs. Street Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon