Dan.
Hi! I'm Dan, short for Daniel Matsunaga. Joke lang. Pero di joke na pogi ako. Hawigin ko din sina Daniel Padilla kaya andaming chix na nanghahabol sakin.
Lakas ng karisma, lakas din ng loob!
"I"m sorry." sabi ni Jorella sakin.
"Ahm, ako nga dapat mag sorry eh. Ako yung nanguna. Sorry ha?" I tried to show how sincere I am saying those words.
"Wala na yun. Friends?"
"Friends!" AFriends na kame. Ayohoy! We can all be friends with our enemies right? Do not live in the past, enjoy the present and prepare for the future.
Oh diba?
Di ko naman maipagkakaila na maganda sya. At sa tingin ko nahuhulog na ko sa kanya. Hindi naman kasi ganon kahirap magmahal lalo na kung bukas yung puso mong magpapasok ng taong pwede ka ding mahalin.
Wag kang matakot magmahal. Matakot kang hindi ka na nakakaramdaman ng pagmamahal.
Parang ang bilis ng pangyayari. Parang kanina lang, kaaway ko sya. Ngayon, pinapangarap ko na.
"Guys, start na tayo?" Sabi ni Kolly.
"Oo nga. Tara na!" Sabi ni Maricon na kakatapos lang ayusin ang sarili nya dahil haharap kami sa maraming tao kahit na through screen.
Nandito kame sa bahay nila Kolly. Dito kame mag lilive-stream. Ini-on na nya yung pc nya at sabay-sabay kaming nag-hi. Mabuti nalang at marami na kaagad na nakaabang para manood.
"Hi guys. We're SB and KG. We're here to clear the issues between us." Sabi ni Abigail. Kalmado ang mukha nya pero may bakas ng kaba sa boses nya.
"Guys wait lang, kuha lang kameng pagkain. Kyle, Jorella, Dan samahan nyo ko. Madame kasi kukunin naten." Sabi ni Kolly.
May pa snacks si mayor!
Pero sana kanina nya pa kinuha para naman hindi nakakahiya sa mga fans namin. Baka sabihin snobero kami. A big NO! NO!
Sumama naman ako sa kanila. Pero bago ako umalis iniwan ko yung cellphone ko dun na nagrerecord at umalis na kami.
Natrip-an ko lang magrecord ng mga livestream namin at sini-cd ko. Weird pero ganon ako magkeep ng mg memories. Hehe.
Maricon.
Ay buti nalang naisipan pa ni Kolly kumuha ng pagkain. Ang balak talaga namen ay papaalisin namin sila. Dahil sasalungat kami sa plano.
Hindi kami masama. Napipilitan lang gumawa ng masama. Oo, magkaiba yon. Wala kaming ibang choice kundi ang gawin 'to.
Bakit?
To satisfy ourselves. Para naman malaman nila yung feeling na nararamdaman namin. They act like they care, but they actually don't.
Ang plano kunyare may gagawin lang kaming surprise sa kanila pero ang totoo gagawin na namin yung plano ni Eliza.
We've been waiting for this for so long! Sakto naman ang pagdating ng SB. Mas napadalu ang plano.
"Eto kase yung totoo. Natapunan ni Dan si Jorella ng kape kaya ayun galit na galit si Jorella kay Dan. At dun na nagsimula yung away." Sabi ko.
Yep, eto ang plano. Ang siraan sila sa maraming tao. Iba't iba kami ng testimony. Also to confuse people.
"Oo nga, then yun kala nyo lang ngayon bati bati kami, pero pag alis namin dito sa camera away lang ulit kami." Sabi naman ni Abigail.
"I'm sorry. We just wanted to show you a flawless group but I guess we can't."
Narinig kong may papaakyat na kaya tinapos ko na agad yung livestream.
"So yun guys, yun lang yun. Bye na. All things is clear na so Byee!" Sabi ko. Nagmamadali akong i-end ang livestream.
Alam kong ilang minuto mula ngayon, iba't ibang article na naman ang malalabas dahil sa mga pinag gagawa namin.
Would we regret this?
Actually, I don't know. Gustohin ko mang wag gawin 'to, wala. Napagdesisyunan ko na. Tama na ang pagpapa-api.
Hindi ako bida sa isang storya na hahayaang masaktan ang sarili at hintaying ang taong sasaklolo sa kanya. Dahil kaya kong ipaglaban ang sarili ko.
Pagkatapos nun ini-off ko na yung pc nya. Mahirap na. Baka dito pa kami magpang-abot.
Pero sinabe ko sa kanila na wag itong i-video para walang ibedensya na sinabe namin yun. Syempre di ko naman sinabe na para walang ibidensya. Basta sinabe ko lang na wag nilang videohan. Ang alam ko nase-save din yon e.
Pero wala namang sikretomh hindi nabubunyag. Ultimo itim ng kili-kili mo, nasisilip ng buong sambayanan.
"Guys na eto na yung food!" Sigaw ni Jorella.
"Hayss, buti naman." Sabi ko.
"Oh tapos na?" Taka nilang tanong. Napatango nalang ako bilang sagot. Masyadong umuurong ang mga dila ko para magsalit.
"Di nyo manlang kami hinintay." Pagrereklamo ni Dan. Arte mo ha? pa exposure much?
"Oo, tapos na. Ayos na nasabe ko na yung nangyare."
Na kabaligtaran.
"Ok, good. Makakapagchillax narin tayo sa wakas!" Sabi ni Kyle.
Dyan kayo magaling!
"Guys wait lang ha!" Sabi ko
"Sige". Lumabas muna ko para tawagan si Eliza. Baka marinig nila sa loob.
"Hello?"
"Eliza, mission accomplished!" Ngiting ngiti kong balita sa kanya.
"Very, very good!" Tuwang tuwa sya.
"Eh ikaw?"
"Ako? Oo naman. Ako pa ba? Haha. Sigurado na ang wagi naten." Sabi nya. Finally.
"Oo nga! For sure another issues na naman ito!"
Ok, fine kame na masama. Eh kayo ba, di pansinin yung galing nyo at minsan ginagawa kayong julalay kahit kamember nila kayo. Tas may opportunity ka na gantihan sila. Di mo pa ba igragrab?
Hindi ako perpektong tao. At isa ito sa mga flaws ko.
Well, kung hinde, bahala kayo sa buhay nyo. Pero ako, kame, oo. Goodluck nalang sa grupong ito. Kung masusurvive pa nila itong mga sunod-sunod na issues.
Mahal ko ang grupong 'to. Sila ang saksi sa mga pinagdaanan ko bago ko makamit ang mga tagumpay ko ngayon.
Pero parang nag-iba.
Siguro, ganon nga talaga. Pag nakuha na ang gusto, naghuhulog na ang mga maskara at nabubunyag ang totoong katauhan.
--
Follow me :
twitter : @jemmyxc
instagram : @jemmyxc
youtube : life of jem— it's the imagination that gives life to the story ❤️
BINABASA MO ANG
Kanto Girls Vs. Street Boys [Editing]
Teen FictionNaranasan nyo nabang main-love sa karibal nyo? Oh well, medyo mahirap diba? Pero basahin nyo kung paano ito nalagpasan ng dalwang grupong magkaribal. Makaabot kaya sila sa happy ending? Paano kung nagkaroon ng gulo between sa inyong grupo at nagkagu...