✨Chapter 7: Rome

169 8 0
                                    

Maricon.

After all the mess we made, napatunayan namin na wala pala talagang nakakatibag sa samahang tiwala ang pundasyon.

Nakakaproud na sila yung mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ng iba kung sa kanila namin gagawin yon.

We now know our lessons and we will keep it in our hearts. Alam ng nasa taas kung gaano kaming nagsisisi sa mga kasalanan namin.

Nakakatuwa lang na hindi din sila gumanti ng galit samin. Sana pala noong una palang nagsabi na kami. Edi sana nakaisip kami ng solusyon sa maayos na sitwasyon.

Flashback

"Sorry talaga guys. Sobra kong nakokonsensya sa ginawa ko. Ako ang may kagagawan ng lahat."

Paulit ulit na sabi ni Eliza sa lahat.

"Nandamay pa kami ng ibang tao. Pasensya na talaga. Napakalaking gulo nitong ginawa namin. Sana mapatawad nyo kami."

Pigil-luha ko namang paghingi ng tawad sa kanila.

Minsan talaga inuunahan tayo ng galit kesa magkaroon ng maayos na paliwanagan.

"Ang mahalaga natuto ang lahat. Let's all end the hate and let this be the key to our new start."

"Cheers for Kanto Girls!"

End of Flashback

Kasalukuyan kaming nasa condi ngayon dahil nagpatawag ang manager namin. Alam nya ang nangyari at hindi daw sya makapaniwala na magaganap ang lahat nang yon.

Kami din, hindi namin inaasahan na mangyayari yon.

"Guys I have something to announce for the better." Bigla biglang nagsalita si manager. Nakuha nya naman ang atensyon naming lahat.

"Ano po yun manager?"

Nagsalita si Ivy. Halos a week na rin simula nung nangyari yung gulo. Napahupa na din ang mga issues na nagliyab. Nagpublic apology din kami.

Though ang laking impact sa grupo namin yung nangyari.

Hindi naman maiiwasan yon e. Nakatanggap kami ng bashers pero saludo ko don sa mga taong patuloy kaming hinahangaan at pinagtatanggol.

Bati na kami lahat. Wala na kaming gulo. Nag promise rin kami sa isa't isa na walang ng lihiman or secrets. Mas magiging open na din kami sa isa't isa.

"I resigned as your manager. But dont worry I found a new manger for you that will surely help you guys. His name is Rome Covar. He is a true friend of mine."

Nakonsensya tuloy ako. Bakit kaya nagresign si Manager? Baka dahil samin. Hindi ko tuloy sya matingnan ng ayos diretso sa mata.

"But why? Parang biglaan naman yata." Takang tanong ni Jelena. Kahit ako.

"It is for your own sake and mine. Kailangan kong pumunta ng ibang bansa para mas kumita ng malaking pera alam nyo naman ang lagay ng pamilya ko."

May sakit ang anak ni manager. Samantalang ang asawa nya ay ang nag aalaga sa anak nila. Minsan din kaming bumibisita sa kanila dahil fan daw namin ang anak nya. Proud na proud pa nga ito noong maging manager namin ang tatay nya.

Kanto Girls Vs. Street Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon