Nagsusumigaw ang utak ko na lumayo at magtago gaya ng mga kasama ni Hesus ngunit parang may sariling isip ang aking katawan na sumunod sa kawal.
Humarang ako ng isang taong sumusunod rin sa mga kawal at nagtanong. "Saan nila dadalin si —" Hindi ko makuhang banggitin ang pangalan niya.
"Sa Pretorio," sagot nito at nagmamadaling iniwan ako.
Sumunod muli ako sa kanila kahit na hindi ko gusto. Hindi ko gustong makita ito ngunit hindi ko magawang tumalikod at sumalungat sa agos ng mga tao.
Pretorio pala ang tawag nila sa kampo ng mga kawal noon. Narito ang karamihan ng mga kawal na natutuwa sa nangyayari. Nakagapos si Hesus sa isang poste. Nakakadena ang mga kamay niya nang makarating ako roon.
Hinubaran si Hesus ng isang kawal at nasisiyahan siyang humaplit ng latigo. Napapikit ako sa tunog ng latigo sa balat ni Hesus ngunit hindi siya nagmakaawang ipatigil iyon.
Nagsalitan ang mga kawal sa paghaplit sa kanya. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa poste at hinihintay ang bawat parusa na ibinibigay sa kanya ng mga kawal na Romano.
"Sige... sige pa," sigaw ng mga tao.
Mga baliw ba sila? Ano ba talaga ang kasalanan niya?
At dahil sa pagsigaw nila ay ginanahan ang mga kawal. Nagpalit sila ng armas. Kumha sila sa mga sandata nila na nakahalera sa pader. Kanya-kanya silang dampot ng gagamitin kay Hesus. Latigo na maraming galamay, isang kahoy na parang baseball bat ngunit maraming pako, latigo...iba't-ibang uri ng latigo.
Napapikit ako nang magsimula silang magsalitan ng paghaplit sa likod ni Hesus.
Tama na! Nagsusumigaw ang utak ko.
Habang natutuwa ang marami ay hindi sumigaw si Hesus ng pagmamakaawa.
"Hari ng mga Hudyo," tuya sa kanya ng mga ito.
Puno na ng dugo ang likod ni Hesus at kung wala ang poste na kinakapitan niya ay baka nabuhal na ito.
"Tama na," umiiyak na wika ng kanyang ina. Nagmamakaawa ito sa gilid ngunit pinipigilan ng mga tao na lumapit. "Maawa kayo sa anak ko."
Masakit palang tingnan at pakinggan ang isang ina na lumalaban para sa anak.
Nag-iwas ako ng tingin ngunit bumabalik ng kusa ang aking mata kay Hesus.
Isang kawal na may hawak ng latigo na maraming buntot ang lumapit kay Hesus. May ngiti siya sa labi habang pinapagpag ang latigo na napili niya.
Napalundag ang balikat ko nang ihaplit niya ang latigo sa duguang likod ni Hesus at napasigaw ako ng kaunti nang hinahin niya ang latigo na may maliliit palang patalim sa dulo na bumabaon sa laman. Natangay ang balat at ilang hibla ng laman ni Hesus nang hinahin niya ang latigo.
Doon ko narinig ang una niyang pag-iyak.
Doon ko rin narinig ang unang hiyaw ng tagumpay ng mga kawal na Romano.
Bakit? Bakit nagmamalasakit ka pa sa amin gayong hindi kami naging mabuti sa iyo?
Bakit niyayakap mo ang parusa na hindi nararapat sa iyo?
Mahirap bang talikuran kami gaya ng ginagawa namin sa iyo?
Natingin si Hesus sa akin. Sa kabila ng sakit na lumalatay sa kanyang mukha ay nakuha niyang tumitig sa akin.
"Bakit?" walang boses na tanong ko.
Pumikit si Hesus ng banayad at muling itinuon ang paningin sa harapan. Muling bumatay sa kanyang mukha ang sakit.
Dinamitan nila ang hubad na katawan ni Hesus ng palabal na pula nang magsawa sila sa paghahaplit sa likod nito.
Sila'y gumawa ng isang koronang tinik, ipinatong ito sa kanyang ulo at pinakadiin. Bumaon ang tinik sa kanyang balat at anit. Umago ang dugo mula sa sugat na gawa nito.
Nilagyan din siya sa kanang kamay niya ng isang tambo. Lumuhod ang mga kawal sa harapan niya at siya'y kanilang kinutya, na nagsasabi, "Mabuhay, Hari ng mga Hudyo!" At sila'y nagtawanan kasabay ng mga nanonood sa mga nangyayari.
Pinaglaruan nila si Hesus. Inikot ang koronang tinik, hinampas muli s alikod upang magdugo muli ang mga sugat nito. Siya'y kanilang niluraan. Kinuha nila ang tambo at hinampas ang kanyang ulo.
Panginoon ko, tama na.
Muli ay natingin si Hesus sa akin. Parang naririnig niya ang sinisigaw ng utak ko. Umiling siya sa akin. At tumango ng kaunti.
Hindi ko nakayanan ang aking nakikita. Nilabanan ko ang aking isipan at pinilit na umalis. Nakiraan ko sa mga nasisiyang nanonood at umalis Pretorio.
Nang makalabas ako sa Pretorio ay huminga ako ng malalim. Sumandal ako sa isang pader at pumikit. Kinalma ko ang sarili ko at ang kamay kong nanginginig.
Tulungan Mo po siya.
Kung talagang totoo ka, tulungan Mo siya.
BINABASA MO ANG
I am Simon
EspiritualMy name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in Him. I believe in myself. I did what I had to do to survive. I reached the top, until one day, my ba...