Chapter 9- Taga Cyrene

227 20 2
                                    

Sa umiiyak na ina ni Hesus nadako ang paningin ko. Sinusundan niya ang kanyang anak at nagmamakaawa sa lahat na pakinggan siya.

"Wala siyang kasalanan," sigaw ni Maria.

Kung sana ay lahat ng ina ay katulad mo.

"Maawa kayo, ako na lamang. Ako na lamang."

Pinipigilan si Maria ng mga babaeng kasama niya. Ang ina ni Hesus ay nakahandusay sa daan ay nagmamakaawa sa lahat na iligtas ang kanyang anak ngunit walang nakikinig.

"Namili raw ng pinakamabigat na krus ang mga Romano," wika ng dumaang mga Hudyo sa harapan ko.

Bakit sila natutuwa?

Bakit pa sila nagagalak sa nangyayari?

"Ayan na ang sinungaling," sigaw ng mga tao. Nakita ko ang dulo ng kahoy— ng krus.

Ang paa ko ay kusa muling gumalaw ay nakipagsiksikan. Habang ang iba ay nagpupugay sa bawat pag-usad ng krus, may isang ina na tumatangis at nakikisiksik upang makita pa muli ang anak.

"Paraan, makikiraan." Parang bingi ang mga tao sa mga naririnig sa paligid. Natutuwa pa sila na may taong magwawakas ang buhay.

Nang magawi si Maria sa akin ay hinawi ko sa abot ng makakaya ang mga tao upang makaraan siya.

"Salamat, ginoo," wika niya.

Hindi ako nakapagsalita.

Nagyuko ako ng ulo at iniwas ko ang mata sa paparating na parada.

Para akong si Pedro na nagtago at umalis sa pila.

Ilang beses akong umiwas ngunit nakikita ako ang sarili kong bumabalik sa pila at nakikisingit.

Habang pasan ni Hesus ang krus ay walang tigil sa paghahampas at pagsisipa ang mga Romano sa kanya.

Hindi ba sila naawa?

Hindi ba sila natatakot?

Napaluhod si Hesus bagay na hindi ko na pinagtatakahan. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang iniwan kong si Maria. Nakatingin siya sa kanyang anak at marahil ay patuloy pa rin sa pag-iyak.

Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Umaasa pa rin ako na isang panaginip lang ang lahat.

Muling itinayo si Hesus ng mga Romano at nagpatuloy ang kalbaryo. Nagpatuloy ang parada na magwawakas sa kanyang buhay.

"Patayin ang huwad na hari," sigaw ng mga tao.

Akon a hindi ko kinilala si Hesus sa aking panahon ay may kurot na nararamdaman sa mga nakikita.

Nagpatuloy ang pang-aalipusta; nagpatuloy ang pagpapahirap kay Hesus. Ilang dip amula sa akin ay natatanaw ko na ang duguang mukha ni Hesus. May sugat ang mga mukha at ang kanyang damit na puti ay naging kulay dugo na dahil sa mga dugong dumadaloy mula sa kanyang sugat sa likod.

Wala pa ring hinto ang mga Romano sa paghaplit ng latigo kay Hesus.

Maawa ka sa iyon ina, mahinang wika ko sa akin isipan.

Napahinto si Hesus sa paghakbang at tumitig muli sa akin. Nanayo ang lahat ng balahbo ko sa katawan. Parang naririnig niya ang pagtatalo sa aking isipan.

Isang Romano ang umakyat sa krus at sinipa si Hesus. Nabuhal siyang muli at hindi na napigilan ang isang babae na humakbang upang punasan ang mukha ni Hesus na puno ng dugo.

Ang mga sundalo, nang makita ang babae ay agad nilang hinila palayo kay Hesus ang babae na may hawak na puting pamunas.

"Ikaw," sigaw ng Romano sa gawi namin. Napatingin ang mga tao sa akin. "Buhatin mo ang krus. Tulungan mo siya."

"Ako?" natatakot na tanong ko. Humakbang ako palayo ngunit hindi ako makatakas dahil pinigilan ako ng mga tao sa akin likuran.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ng isang sundalo sa akin.

"Simon," wika ko.

"Taga Cyrene iyan," ani ng mga tao sa aking likuran.

"Simon na taga Cyrene, buhatin mo ang krus."

Bakit ako?

Ano ang lakas ko?

Kasalanan ko ba? Bakit ninyo ako idadamay?

Sa kalituhan ko ay napatingin muli ako kay Hesus. Nakaluhod siya sa daan, duguan at nanghihina. Napatingin ako kay Hesus... Anon a lang ang lakas na natitira sa kanya?

Sa naguguluhang isipan ay napasunod ako ng Romano.

Halos hindi na makatayo si Hesus nang hilahin siya patayo ng mga sundalo. Ang isang mata niya ay halos nakapikit na. Maraming sugat ang kanyang mukha na halos nakikita na ang buto.

It didn't make sense. Kung siya ang anak ng Diyos, hindi dapat mangyari ito.

Sa kawalan ng magagawa, napilitan akong sumunod at sa unang paglapat ng krus sa akin balikat, doon ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng bigat na kanyang pinasan. 

I am SimonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon