Chapter 14- Saint Longinus

206 24 1
                                    

Lumipas ang mga araw na nakakulong lang ang sa condo. Gumaling na rin ang ubo at sipon ko. Ang mga hate comments ay nanatili. Nagpapadeliver na lang ako ng grocery, food at iba pang kailangan ko. I am in total isolation but I have never been in this peace for a long time. I am starting to have peace with myself and my mind starting to have peace as well.

Bandang hapon nang mag-ring ang telepono sa bedside table ko. Hindi ko pinansin ito ngunit nag-ring na naman pagkaraang dumeretso sa voicemail. Ibinaba ko ang Ipad na hawak ko kung saan ako nagbabasa at sinagot ang tawag.

"Hello."

"Mr. Simon delos Reyes po?"

"Speaking. Sino sila?"

"Sa Hospital po sa Bulacan. Regarding po sa test na pinagawa po ninyo. Nasa email na po ang result. Na-receive po ba?"

"Ay, sandali, i-check ko, Miss."

I checked my email and saw that there is one email from the hospital.

"Na-receive ko na Miss. Maraming salamat."

"Pinapasabi po ni Doc. Na bumalik kayo sa hospital for further check-up. Kailan po kaya kayo makakabalik para ma-schedule ko?"

"Bakit kailangan ng further check-up?" wala sa loob na tanong ko habang binubuksan ang result ng lab.

Halos gano'n na lang ang pagkatulala at panlalambot ko nang mabasa ko ang result.

NEGATIVE.

"Miss, sigurado ba kayo sa result?"

"Sir, iyan po yata ang ipapakipag-usap sa inyo ni Doc. Kailan po kayo makakapunta?"

"Ngayon. I am on my way."

"Ay, sige po sasabihan ko si Doc para hindi na muna umalis. Urgent case po kasi kayo."

Umipas ang limang minuto na nakaupo lang ako sa kama habang nakatitig sa nakabukas na lab result sa tab.

Negative?

Kinuha ko ang lab result galing sa kilalang hospital dito sa Manila. BInasa ko iyon ngunit positive pa rin ang nakalagay doon. Sino ang nagkamali? O baka walang nagkamali? Baka isa itong milagro?

"Thank you," bulong ko sa kawalan.

Alam kong naririnig niya ako. Alam ko dahil nakita ko na siya.

Nakatingin ang mga tao sa hospital ng Bulacan nang makarating ako. Agad na tinuro sa akin ang office ng doctor.

"Mr. Delos Reyes, mabuti at nakapunta ka kaagad dito?"

"Doc., 'yong tungkol sa result?"

"Negative," sagot nito agad. "Pina-check namin ito sa isang laboratory sa UP."

"Hindi po ba kailangang ulitin? Ito po ang test result galing sa isang hospital sa Manila."

Ibinigay ko sa kanya ang copy ng laboratory result na nakaphoto copy. I kept the original as evidence... no, as a reminder that a miracle happened.

"Kung kailangan po ninyong ipa-check ulit kahit sa tatlong laboratory," suggestion ko.

"It is the same laboratory," wika ng doctor. "Iisa ang nag-test ng samples mo."

"Baka po may mix-up?"

Umiling ang doctor at tiningan ang dalawang lab result na nasa harapan niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumuntong hininga siya.

"Okay, we will seek third, fourth, and fifth opinions."

"Thank you," I replied.

I was in limbo while driving. Para akong half-asleep, half-awake. Natagpuan ko na lang ang sarili ko muli sa maliit na chapel. I kneeled in front of the altar and weep.

My mind just keeps saying 'Thank you' and 'I'm sorry'. Nakaluhod kao s amarmon, ang noo ay nakadantay sa sahig. Ang dalawang kamay ay nakasaklop sa isa't-isa. Sa ganoong ayos ako nakita ni Father Perry.

Hinintay akong kumalma ni Father at binigyan ng tubig na maiinom. Niyaya niya ako sa likod ng simbahan, sa isang grotto. Hindi siya nagsalita, bagkos ay hinayaan niya akong gamutin ng katahimikan.

May isang oras na kaming naroon, nang kalmado na ako ay doon ako nagkwento. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng naging kasalanan ko hanggang sa ginugto kong magpakamatay at tumalon sa bangin. Kinuwento ko sa kanya ang mahiwagang pangyayari sa Jerusalem. Ipinakita ko sa kanya ang pilat ng balikat ko nang buhatin ko ang krus. Nakinig si Father nang walang panghuhusga.

"Hindi ba may kakaibang paraang ang Diyos upang kausapin ka," wika niya. "Huminahon ka muna, Simon. Maitatama mo ang mga mali mong nagawa. Hindi pa huli ang lahat dahil binigyan ka ng bagong buhay. At gaya ni Saint Longinus, ikaw ay nagamot."

"Iyon ang pangalan ng sundalo?"

Tumango si Father sa akin.

"Ipagdadasal kita, Simon. Ako ang unang matutuwa kapag lumabas na ang resulta ng mga laboratories mo at ito ay naging negatibo. Ang pagpapala ng Diyos ay suma iyo. Gamitin mo sana ang pangalawang pagkakataon na ito sa tama."

Bumalik ako sa condo nang magsisilim na. Ang una kong ginawa pagkapasok ko sa condo ay kuhanin ang Ipad at hanapin si Saint Longinus." 

I am SimonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon