Gumuho ang mundo ko sa isang iglap. The hate on social media is too much. Romelie manipulated the people. She's now on TV telling lies about how I gave her HIV.
"Sinungaling," may galit na bulong ko habang nanonood ako ng interview niya. Unknown numbers are calling me and I thought some are helpful. I answered the phone and received death threats and hate comments.
I can't take this... This is not how suppose to be. Ako dapat ang humihingi ng justice at tulong. Bakit parang lumalala ang mundo?
Isa ka nga sa kanila, huwag kang ipokrito.
Police are knocking on my door. An invitation to court has been sent to me. People have prejudice even before they hear me.
Depression and anxiety follow me. A voice telling me to end everything. Wala nang patutunguhan ang buhay ko. I want to revenge... I want to look at people who write hate comments about me and give them HIV.
Paano kaya kung hawahan ko sila? Tutal masamang tao rin naman sila.
As I look at their profile, I saw children on their pictures... children that will be fatherless or motherless kung hahawahan ko ng sakit ang magulang nila. Maiiwan sila, gaya ng nangyari sa akin. At hindi madali ang buhay... hindi madali ang pinagdaanan ko para mabuhay.
Hindi makakapili ang bata ng magulang. Sa unang pagkakataon, inisip ko ang ibang tao at hindi na tinuloy ang balak kong panghahawa ng HIV.
One moonless night, I sneak out from my condo drive away from the city. The depression and anxiety are already killing me.
"Anak ng pokpok, anak ng pokpok."
"Iniwan ng nanay."
"'Di ka love ng nanay mo."
"Hindi ka pwede dito, squatter."
Ibangga ko na lang kaya ang kotse? Pero baka kumalat ang dugo ko at makahawa pa.
Natawa ako ng mapakla. Kailan pa ako nagkaroon ng concern sa ibang tao? They are cruel. They are monster.
Nakarating ako sa bandang Rizal. Sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Mapuno... maraming puno.
Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa magubat na lugar. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Sinusundan ko lamang ang galit na nararamdaman ko.
Ginawa ko ang lahat para makaahon sa hirap. Pikit mata kong ginawa ang mga bagay na sinasabi nilang kasalanan hanggang sa nasanay na ako. Natuto akong maging gaya nila— mga walang pakialam sa iba basta umangat lamang. Nang binigay ko sa kanila ang mga ginagawa nila sa akin, ako ang naging masama. Nang maramdaman nila ang ganti ko, ako ang masama.
Romelie... mamamatay ka rin.
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang bangin. Tanaw ko ang ilaw na nagmumula sa Maynila mula sa kinakatayuan ko. Tunatawag ako ng bangin...
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang bangin. Tanaw ko ang ilaw na nagmumula sa Maynila mula sa kinakatayuan ko. Tunatawag ako ng bangin.
Tumalon ka! Wakasan mo ang buhay mo. Walang maghahanap sa'yo. Walang nagmamahal sa'yo.
Napapikit ako upang mas lalo kong mapakinggan ang tinig.
Wala kang pamilya. Iniwan ka, hindi ba?
Natawa ako ng mapakla.
"Waaahhhhhh," sigaw ko.
Mamatay ka rin naman, bakit patatagalin mo pa?
Pinakinggan ko ang lahat ng gustong sabihin sa akin ng hangin... ng isipan ko. Lahat ng ginawa ko ay bigla kong naisip, biglang bumalik lahat ng paghihirap ko at muli ay kinain ako ng galit.
I don't deserve this.
Sa likod ng isip ko ay naroon ang paghihiganti... unti-unting bumabalik ngunit ang mga bata; paano ang mga bata?
Habang nakatingin ako sa papasikat na araw at nakatanaw sa unti-unting nabubuhay na siyudad ng Maynila, humakbang ako papunta sa dulo ng bangin.
Maybe, someone will see me after my blood drained and can no longer transmit the virus.
With that in mind, I close my eyes and breathe the morning air. I step forward and felt the wind on my face, the gravity that is pulling me.
I waited... and waited... and waited... but the pain that I am supposedly feel didn't come.
The wind stops blowing and everything became silent.
I open my eyes and look around.
Medyo madilim pa ang paligid at may nakita akong tatlong lalaking natutulog at sa 'di kalayuan sa kanila ay may isang lalaking nakaluhod at mukhang nagdadasal.
Luminga ako sa paligid at hindi nais makaistorbo sa natutulog ngunit bakit sila natutulog sa garden? At bakit madilim gayong papasikat na ang araw kanina? Nasaan ba ako?
Nakita kong palapit ang lalaking nagdadasal kung kaya lumayo ako sa mga natutulog. Pumunta siya sa mga natutulog na mukhang kasamahan niya at ginising niya ang isa.
"Samakatuwid, hindi ninyo kayang makipagpuyat sa akin ng isang oras? Kayo'y maging handa at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay tunay na nagnanais subalit ang laman ay mahina."
Muli ay umalis ang isang lalaki at bumalik sa pinagdadasalan niya. Ang ginising na kasamahan ay bumalik sa pagtulog. Nagdasal muli ang lalaki at sa hindi ko maunawaan ay hindi ako makaalis gayong gusto kong umalis sa lugar na iyon at iwanan sila.
Sa ikalawang pagkakataon ay bumalik ang lalaking nagdadasal at nakitang natutulog pa rin ang mga kasama. Iniwan niya iyon sa ikalawang pagkakataon at bumalik sa pagdadasal.
Napapailing ako. Ano ang mangyayari sa pagdadasal? Hindi naman Siya nakikinig noon, kung sino man Siya.
Sa ikatlong pagkakataon ay bumalik ang lalaki sa mga natutulog na kasama at muling ginsing ang mga ito at sinabi, "Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Masdan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. Bumangon kayo, lumakad tayo. Masdan ninyo, malapit na ang nagkakanulo sa akin."
Nagtatakang tumingin sa kanya ang mga natutulog na mukhang naalimpungatan. Samantala, isang lalaki ang lumapit sa kanila at bumati.
"Magandang gabi, Rabi!" wika nito at kanyang hinagkan ang lalaking nagdadasal kanina sa pisngi.
Natulala ako sa nakita ko. Para akong kinakapos ng hininga. Nanginig ang mga kamay ko at unti-unti akong humakbang palayo sa kanila.
"Kaibigan, gawin mo ang layunin ng pagparito mo," narinig kong wika ng lalaking hinalikan sa pisngi at lumitaw ang mga kawal na hindi ko alam na naroroon at dinakip ang lalaki na kanila lamang ay nagdadasal.
**********
Mateo 26:36-50
BINABASA MO ANG
I am Simon
SpiritualMy name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in Him. I believe in myself. I did what I had to do to survive. I reached the top, until one day, my ba...