Nanlalambot akong napaupo sa lupa. Ang hinagpis ni Maria ay maririnig sa buong burol. Sa aking pisngi ay may isang patak akong naramdaman. Akala ko ay luha galing sa akin o sa katabi kong mga nanonood ngunit hindi. Para itong isang patak ng ulan mula sa langit... marahil ay ang luha ng kanyang Ama na tinawag kanina.
Sa pagdampi ng patak ng ulan sa aking pisngi ay nayanig ang lupa. Kanya-kanyang takbuhan ang mga tao palayo sa burol.
Aaminin kong natakot ako. Makita ko ang pagbiyak ng lupa sa ibaba mula sa burol.
Nang tumigil na ang pagyanig ng lupa, si Maria ay lumapit sa kanyang anak. Hindi ko alam kung bakit ako lupain gayong hindi ko naman talaga siya kilala.
Ang ilang mga Romanong sundalo ay kailangan yatang siguraduhin patay na ang mga naka-pako. Sinimulan nilang paluin ang tuhod ng dalawang magnanakaw na kasama ni Hesus na nakapako. Maririnig ang pagkabali ng mga buto ng mga ito.
Nang si Hesus na ang papaluin ay nagsalita si Maria. "Kailangan ba?" tanong niya sa sundalo na ang isang mata ay bulag.
Binitawan nito ang maso at kinuha ang mahabang sibat. Tinusok niya ang tagiliran ni Hesus. Sumirit ang dugo mula sa tagiliran at nabasa kami— ang sundalo na bulag at ako. Nabitawan niya ang sibat at tumingala kay Hesus. Napaluhod siya sa lupa at humagulgol ng iyak.
"Tunay ngang ikaw ang anak ng Diyos," wika niya.
Kulang na lang ay umikot ang aking mga mata.
Hindi ba sinasabi na niya iyon noon pa? nais kong itanong ngunit parang may pumigil sa aking magsalita. Hindi ba gano'n din naman ako? Ako ang pinagkaiba ko sa sundalong ito?
"Nakakakita na ako," wika niya at nagmamadaling tumakbo palayo.
Samantala, si Maria ay labis na nagluluksa at yakap-yakap ang duguang paa ng anak na nasa krus pa.
Hindi ko na natagalan ang nakikita. Umalis akong mabigat ang pakiramdam.
Wala akong mapupuntahan kung hindi sa hardin kung saan ako nagising. Doon ay tulala akong naupo sa isang bato at humagulgol ng iyak.
Umiyak ako para sa kanya at ganoon pala kabigat ang dinanas niya.
Marahil sa pagod ay nakatulog ako. Hindi ko na alintana ang ingay sa paligid. Pagkalipas ng ilang oras marahil ay tumahimik na at payapa na akong namahinga.
Nagising ako na may aso na dumidila sa akin. Nagulat akong napabangon. Nagpalinga-linga ako. Mga puno ang nakikita ko at mga dahon na tuyo na dumikit sa akin. Tumingala ako. Naroon ang bangin— ang bangin na tinalunan ko.
Bumalik sa akin ang lahat... ang lahat-lahat. Sa kamay ko ay naroon pa ang paltos. Ang balikat ko at masakit pa rin at...
Dali-dali kong hinubad ang damit ko at tiningan ang balikat ko. Naroon ang pasa... Totoo ba ang nangyari? Bakit hindi ako namatay kung nahulog na ako sa bangin?
Nagmamadali akong bumangon at tinungo ang daan papunta sa kotse ko. Lakad-takbo ang ginawa ko upang makaalis kaagad.
Ano ang nangyari?
Hiningal ako nang makarating sa parking at maupo sa loob ng kotse.
Ang aking buhok ay may mga tuhong dahon pa ngunit ang nakatawag ng aking pansin ang ang dugo ko sa mukha.
Nanginginig akong hinawakan ang mga natuyong dugo.
Sa Kanya ba ito?
Kininabutan ako ng husto na pakiramdam ko ay maging ang buhok ko sa ulo ay tumayo. Pinunasan ko ang mukha ko ng wet tissue ngunit hindi ko magawang itapon ang tissue na may dugo. Itinago ko na lang ito sa glove compartment at napagpasyahang umalis.
Natagpuan ko ang sarili sa isang simbahan na wala ni isang tao. Nakaupo ako roon at tulala na nakatitig sa krus. Sa krus na pamilyar ang itsura.
Hindi ko alam kung ilang oras ako naroon. Ang kadila na nakasindi roon ay natunaw na ngunit hinid ako umalis.
Naguguluhan ako sa nangyari at tanging ito lang ang sa tingin ko ang tamang lugar na dapat ay naroon ako.
"Anak," wika ng isang tinig. Napatingin ako sa aking tagiliran. May isang matanda roon na natatunghay sa akin. "Kanina pa kita napapansin na naririto. Ayos ka lamang ba?" tanong nito.
Ayos lamang ba ako?
"Hindi po." Sa unang pagkakataon ay nagsabi ako ng totoong nararamdaman. "Naguguluhan po ako."
"Maari bang maupo sa tabi mo? Ako si Father Perry."
Tumango ako bilang sagot. Naupo ang matandang pari sa tabi ko at nanaig muli ang katahimikan.
"Kung may gumugulo sa isip mo ay ipagdasal mo lamang iyan."
"Hindi po ako marunong magdasal."
"Parang nakikipag-usap ka lang sa akin ang pagdadasal. Wala namang tama o mali sa pakikipag-usap sa Kanya."
Binalot ng pagdadalamhati ang puso ko habang nakatingin sa krus.
"Father, ano ang nangyari paktapos mapako si Hesus?" tanong ko pari.
"Inilibing siya sa isang yungib na pag-aari ni Joseph of Arimathea. Pumunta ang taong ito kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. At ipinag-utos ni Pilato na ibigay iyon. Noon ay hindi nabibigyan ng maayos na libing ang mga naipako sa krus. Karamihan ay doon na nabubulok sa krus ang bangkay ng mga ito. Kinakain ng mga uwak hanggang sa maging kalansay."
Tumango ako. Iyon ang nakita ko roon. Sa isang bahagi ng burol ay ang mga nabubulok na katawan ng tao.
"Kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya iyon ng isang malinis na telang lino, at inilagay sa kanyang sariling bagong libingan, na kanyang inukit sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at siya'y umalis."
"Nabuhay siyang muli?" tanong ko sa pari.
Tumango si Father Perry sa akin. "Sa ikatlong araw ay nabuhay siya gaya ng kanyang ipinangako."
"At naniniwala po kayo?"
Tumango muli si Father Perry. "Mapalad ang mga taong nakakita sa kanya at nakasalamuha siya. Ngunit mas mapalad ang mga hindi nakakita ngunit naniniwala. Nararamdaman kong may mga katanungan ka na gumugulo sa iyong puso at isipan. Kung hindi ko kayang sagutin ang mga tanong na iyan ay ipapayo ko sa iyong ipagdasal mo. Sasagot siya, maniwala ka."
Isang tango ang aking isinagot sa butihing pari bago niya ako iniwan.
I saw you, didn't I? simula ng isip ko na magtanong.
BINABASA MO ANG
I am Simon
EspiritualMy name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in Him. I believe in myself. I did what I had to do to survive. I reached the top, until one day, my ba...